Zarren P.O.V"Nagugutom na ako. San kaya nagpunta yung multong yun? Pagkatapos nya akong sanayin pakainin ng masasarap na luto feeling ko tuloy nag-iinarte na ang tiyan ko di na kasi ako nakukuntento sa noodless.-" dahil nga sa gusto kung kumain at wala akong gana magluto pa, naisip kong kumain na lang sa labas. Bihira ko lang naman to gawin e.
Naglakad-lakad ako para maghanap ng makakain pero may umagaw ng pansin ko. Isang makulay na resto sa gitna ng mga talahib. Ngayon ko lang napansin na may resto pala dito.
Nakita kong puno ang resto mula sa labas kitang-kita ko ang nagsasayang mga tao at nabasa ko sa signboard nila na mura lang daw ang pagkain nila kaya di na ako nagdalawang-isip pa at pumasok na ako.
Pagpasok ko napatingin ang lahat sa akin. Umupo ako sa natitirang vacant seat may lumapit naman sa aking waiter.
"Good evening ma'am. Ito po ang menu.-" sabi ng waiter tapos umalis na sya.
Habang namimili ako ng ma-oorder may biglang kumalabit sa akin. Pagtingin ko isang bata na may hawak na manika.
"Ate laro tayo-" nakangiting sabi nya. Gustuhin ko man makipaglaro pero di pwde kasi pumunta ako dito para kumain hindi para maging taga-alaga ng bata.
"Bata di kasi pwde e. Gutom na kasi si ate pwde ba sa iba ka na lang makipaglaro-" sabi ko sa kanya tapos nagbasa ulit ako ng menu pero sadyang makulit yung bata.
"Sabi ko maglaro tayo-" ang creepy ng boses nung bata akala mo nagbabanta.
"Di nga pwde. Pumunta ka na lang sa mama mo ha-" pinilit kong maging nice sa bata kahit ang sama ng tingin ng bata sa akin tapos yumuko yung bata. Hala umiyak na ata. Nasan ba ang nanay nito? Tumingin ako sa paligid pero napalunok na lang ako ng laway na mapansin kong lahat ng tao sa resto ang sama ng tingin sa akin as in nanlilisik. Ang lalong kinagulat ko ng bigla akong hawakan ng bata sa braso sabay tingala sa akin. Halos di ako makapagsalita sa nakikita ko.
"ANG SABI KO MAGLALARO TAYO !! - halos natumba ako sa inuupuan ko ng makita ko ang mukha ng bata. Nakakadiri ang mukha nya.
Sunog ang kalahati ng mukha nya. maputla at puno ng dugo ang buong katawan nya pati ang hawak nyang manika, ang lalo kinatakot ko may hawak na kutsilyo ang bata kaya tinulak ko yung bata. Pagtingin ko sa paligid lalo akong nagulintang na lahat sila ay mukhang naaknas na at sunog ang mga mukha pati ang resto na kanina mukhang masayang kainan ngayon talo ko pa ang nasa haunted house dahil luma at sunog na building na lang ang nakikita ko.
Sa takot ko agad akong tumakbo papuntang pinto pero ayaw mabuksan. Halos manginig ako sa takot ng makita kong palapit lahat sila sa akin.
"WALA KA NG MAGAGAWA PA.-" nakakapanindig balahibo ang boses ng bata animo'y galing sa ilalim ng lupa yung boses nya. Lalo tuloy akong natakot.
Gosh ito na ba ang katapusan ko.?
Di naman ako na inform ni Author na hanggang CHAPTER 10 lang to. Tska bakit parang ang pangit naman ng ending ko. Ang sagwa naman ata ng pagkatamatay ko. Kung alam ko lang na ganito ang ending ko maaga na sana akong lumandi. Ni hindi ko pa nga nakikita ang bias ko.
Patawad Luhan di pa man tayo nagpapakasal balo ka na agad. Hanggang dito na lang talaga siguro ako mabuti pa siguro na tanggapin ko na lang na sa kamay ng mga multong to magwawakas ang buhay ko.
Goodbye philippines !!!
Goodbye world !!!
"Humanda ka na para sa kamatayan mo-" nakakalokong ngiti nung multong bata. Lahat naman sila kunti na lang ang agwat mula sa akin. Naka-ambang na sya para saksakin ako.
BINABASA MO ANG
Ghost Beside Me [ COMPLETED ]
Romance(This story is Under EXCLUSIVE CONTRACT with DREAME) A romantic-horror-comedy Lovestory. ( Mag ready ng tissue baka maiyak ka) Love between Ghost and Human. Pwede kayang Magkaroon na tinatawag na Happy Ending pag ang tao at isang multo ay tinamaan...