The Accident

23.6K 505 31
                                    

"May banggaan !!! " naririnig kong sigaw ng mga tao. Hindi ko maimulat ang mga mata ko ang sakit ng ulo ko. Halos di rin ako mkagalaw.

"Buhay pa tong babae. Buhay pa !! tumawag kayo ng ambulansya. Madali kayo" yun lang huli kong narinig ko at dumilim na ang paningin ko.

********

Nagising ako ng dahil sa sobrang kirot ng ulo ko. Napansin kung nasa ospital na pala ako. Bigla kung naalala naaksidente pala ako. Nabunggo ang sinasakyan kung scotter sa isang puno. Iniwasan ko kasi yung banggaan sa unahan ko pero ito mababangga rin pala ako. Yun lang ang natatandaan ko. Letche. Bigla akong napamura sa naalala ko

"Sh*t yung scooter ko? Lang-ya matagal ko yun pinagtipunan huhuhu. Tska yung mga paninda kung buko pie. Sayang lahat yun at patay ako sa Amo ko. Baka masisante ako nito Huwaaah !!!" napasabunot ako ng ulo ko. Aray peste lalong sumakit ulo ko. Patay wala akong pambayad dito sa Ospital kaylangan makasibat agad ako.

Tinanggal ko ang karayum na nakatusok sakin. Masakit pero kaylangan ko na sumibat kung nagkataon baka magbayad ako ng malaki mukhang pribado itong ospital kinuha ko ang jacket ko sa may side table. Kaya ko na rin naman tumayo nagkaroon lang naman ako ng sugat sa may ulo at mga galos at pasa sa katawan. Sinuot ko ang hood ng jacket ko para di mapansin ang benda sa ulo ko para di maghinala na isa akong pasyente.

Nagpalingon-lingon ako tinayak kong walang nurse at doctor na makakakita sakin. Lumabas na ako sa ward. Lakad takbo ang ginawa ko sa may hallway. Lang-ya ang laki ng ospital nato di ko alam palabas.

Patay may nurse. Huminga ako ng malalim at inayos ko ang lakad ko baka mapaghalataan ako. Nginitian ako ng nurse, nginitian ko din sya hanggang lumagpas na ako sa nurse nakahinga ako ng maluwag pero bigla akong tinawag ng nurse.

"Miss teka lang-" sabi ng nurse nilingon ko ang nurse palapit na sya. Hala baka nahalata nya ako. Kumaripas na ako ng takbo kung di nyo alam. Runners po ako.

"Miss teka lang wag kang tumakbo" tawag ng nurse di ko pinansin at tumakbo lang ako ng tumakbo kasi baka masundan ako limiko ako sa isang hallway at pagtingin ko may lalaking nakaupo.

"he-he-he Ahmf ah e- Mister wag kang maingay ha. Pag may nagtanung kong  may nakita ka sabihin mu wala kang nakita ha." sabi ko napatayo naman sya mula sa pagkaka-upo. Magsasalita pa sana sya pero di ko na inantay at nagtago na ako sa kalapit na kwarto na andun.

Mula sa loob ng kwarto na yun narinig ko ang nurse.

"Nasan na kaya yun. Bigla ba naman tumakbo haist." rinig kong sabi ng nurse sumilip ako ng bahagya sa pinto nakita ko ng umalis ang nurse napansin kong wala na dun yung lalaki kanina.

Nakahinga ako ng maluwag dahil wala na yung nurse. Sinarado ko ang pinto. Sumandal at napapikit ako ng saglit dahil sa pagod pagdilat ko. Laking gulat ko na nasa harap ko na yung lalaki. Nakatingin sya sakin walang expression ang mukha nya. Pero langya kagwapong nilalang.

"Pa-panu ka nakapasok? ahmf he-he-he by the way thanks na rin. Sige bye." sabi ko at lumabas na ako sa room na napasukan ko. Stock Room pala yun. Pano kayo yun nakapasok dun? May ibang pinto ba dun? Hahaha baka multo.

At sa wakas  nakakita na rin ako ng exit. Dun ako dumaan para makalabas ng ospital.

Hawak-hawak ko ang ulo ko dahil kumikirot pa. Andito ako ngayon sa isang bus stop.

"Buti na lang nakatakas ako sa Ospital.." sabi ko napalingon ako sa bandang kaliwa ko napansin ko ang isang lalaking nakatingin lang sa akin. Yun yung lalaki kanina. Napansin kung papalapit sya anu kaya kaylan nito. Nakawhite long sleeves sya at nakablack pants ang neat nya tignan. Mukha syang model ng bench tignan. Ang tangkad pa nya. Anu kaya kaylangan nito. Hala !!! baka gusto nya ako isumbong sa pulis dahil sa takot ko na baka namukaan nya ako at baka isumbong ako tumalikod ako at sabay takbo buti na lang talaga runner ako. May pakinabang pala yung palagiang paghabol sakin ni sister Aileen. Pero hinabol din ako nung lalaking yun. Kaya nagpanic ako lalo kung binilisan ang pagtakbo.

Maya-maya nawala sa likod ko yung lalaki. Huminto na ako sa kakatakbo napadpad ako dito sa park naupo muna ako sa isang swing.

"Hahaha ang bilis ko talaga. Wala pala sya e." natatawang sabi ko.

"Really? Ang pagong mo nga tumakbo e" sabi ng isang boses napatingin ako sa kabilang swing. Laking gulat ko na andun na yung lalaking humahabol sakin. Sa gulat ko nahulog ako sa swing at napahiga.

"Awwts ang balakang ko. Peste" sabi ko habang hawak ko ang balakang ko. Napansin ko nakatayo na sya sa harapan ko at nakatingin sakin.

"Hoy anung tinitingin-tingin mo? Bat di mo ako tulungan tumayo dito ha.!!" sabi ko sa kanya. Napaka ungentelman nya naman. Nakatayo parin sya at nakatingin lang sakin.

" Ikaw babae talaga bang nakikita mo ako? Panu mo nga ako nakikita?" sabi nya habang nakapamulsa sya.

Tumayo na ako dahil mukhang walang akong balak tulungan nitong walangyang lalaking to. Pinagpag ko ang sarili ko at humarap sa kanya.

"Teka nga lang mister wag mung sabihin na nakipaghabulan ka para lang itanung yan. Huh. Walang-ya sira ulo ka ba? Tsk." napasabunot ulit ako ng ulo. Natamaan ko nanaman ang bahaging may benda sa ulo ko. Napakagat ako ng labi sa sakit.

"Sagutin mo tanung ko? Paanu mo ako nakikita.?" seryosong sabi nya. Sa inis ko sinigawan ko sya.

"Alang-ya naman yan oo. Malamang nakikita kita kasi may mata ako. Hindi ako bulag. Adik ka ba? Bangag kapa ata e." sabi ko tapos sabay alis.

Lang-ya. Ang gwapo nga, parang model pa nga e kaso nga lang baliw naman. sayang. Anung nangyayari sa mundo ang mga lalaking mga gwapo ngayon kung hindi Bakla. Aba BALIW naman.

Ay tss makauwi na nga masyadong mahaba ang araw na to.

A/N: Pasensya na yan lang nakayanan ko sa First Chapter. Hehehe. Unang Chapter palang magkagalit na agad si Girl at boy.

How about the rest of the story pa kaya. hahaha.

Ghost Beside Me [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon