Mumu Everywhere !!

6.9K 210 12
                                    

Maaga akong nagising. Pagdilat ng pagdilat ng mata ko mukha agad ni Mumu ang nakita ko. Nakaupo sya sa isang monoblock na nakaharap sa kama ko. Aba ang loko nakatingin nanaman sakin.

" Oh anu? Bat nakatingin ka nanaman? Ngaun ka lang ba nakakita ng anghel na bagong gising ha?" sabi ko habang umiinat-inat.

"Asa ka." sabi nya at tumayo na sya. " Bilisan mo, kumilos kana at may pasok ka pa." sabi nya. Medyo masungit talaga sya.

"Tss. Oo na. Para kang tatay ah." sabi ko sabay punta sa kusina. Kinuha ko yung isang cup noodles na nasa may kabinet sa ibabaw ng lababo. Nilagyan ko ng mainit tska tinakpan ulit.

"Seriously? Almusal mo yan?" sabi nya. Nasa harapan ko sya at naka crossarms.

"Oo. Bakit ba?" sabi ko habang inaantay na maluto sa init ang noodles ko. Umupo naman sa harap na upuan si Mumu.

"Ganyan ka ba araw-araw?" tanong nya.

"Oo." matipid kung sagot. Luto na ang noodles at sinimulan ko ng lantakan. Pagkatapos nun agad-agad ako pumunta sa banyo para maligo. Nagbihis na rin ako

Paglabas ko sa kwarto. May naamoy akong piniprito. Pagtingin ko si Mumu nagpiprito. Ang lupit naman pag ganito ang multo sa bahay di ko to papalayasin.

"Oh Zarren kumain ka ng maayos. Itlog lang at tuyo lang nakita ko dito sa stock mo." sabi nya. Hinain nya sa lamesa yung mga niluto nya.

"Wow ahH para akong nagkaroon ng katulong ahH. Salamat." sabi ko sabay kain. Sya naman umupo na sa maliit na sopa.

Halos mabusog ako sa kinain ko. Pagkatapos kung magtoothbrush ay kinuha ko na yung sapatos ko baka malate nanaman ako. Tumayo ako sa harapan ni Mumu.

"Oh sya Mumu. Aalis na ako. Bye" sabi ko.

"Di umalis ka." pagsusungit ni Mumu. Alang-ya pag ang lalaki ba naging multo nagkakaroon ng buwanang dalaw? Aba. Takte para sya may regla sa pagsusungit nya. Umalis na lang ako baka kasi mag umpisa nanaman kame sa bangayan. Paglabas ko ng gate may nakita akong bata na nakaupo sa gilid at nakapalumbaba.

"Remie?" sya yung batang multo. Napalingon naman si remie sakin. Nginitian nya naman ako.

"Morning ate. Wala pa rin si Mama. Ang tagal nya dumating." biglang lumungkot ang mukha ni Remie.

Kawawa naman tong batang to. Kahit patay na sya inaantay nya parin ang nanay nya na di naman sya binalikan.

"Wag ka na malungkot Remie." sabi ko sabay gulo ng buhok nya. Tumango-tango naman sya.

"Z-zarren? Ai hija sino kinakausap mo dyan?" tanong ni Aling Pacing.

(o_O) okey. Muntanga nanaman pala ako. Haixt bat di ako nagiging aware sa paligid ko.

"He-he-he" wala po aling pacing" sabi ko sabay takbo. Nakarating ako sa may bus stop. Nag aabang ako ng bus. Napansin ko yung matandang lalaki na nagsisigarilyo, nakasout sya ng polo at nakapantalon. At alam mo ba ang ginagawa nya. Sinisilipan nya yung babaeng nasa harapan namin na nakasout ng skirt. Alang-ya matanda na. Manyak pa. Kinalabit ko nga.

"Hoy. Lolo !! bakit ka naninilip ha?" mahinang bulong ko. Nagulat naman sya at nabitawan ang hawak na sigarilyo. Napatingin naman sya sakin. Mukhang nagtataka.

"Nakikita mo ako?" tanung nya. Oh-uh. Parang mali na pinakaylaman ko tong lolong to. Kinabahan ako sa sinabi nya dahil ganun na ganun ang mga salitang sinabi ni Mumu. Letche Multo rin pala to.

Pano na to??

Huminga ako ng malalim at tumingin na lang ng deretso. Kunyari di ko na lang sya nakikita. Magpe-pRetend na lang ako n di ko sya nakikita.

Ghost Beside Me [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon