5 years ago I met this guy. He was tall, handsome to destruction and most of all…he is the one who stole my first damn kiss.
I’m Cara Jane Agustin, twice bumagsak ng second year high school and now irregular graduating in college taking BS- Psychology.Well, everyone is expecting me to fail at hindi na naman makasama sa gagraduate ngayong taon. Can’t blame them, talagang hindi ako katalinuhan. Sabi nga nila…kapalit ng subra mong ganda ang pagiging tanga. And as the statement goes: You can’t have the best of both worlds.
But when I met Luke Bust Magno he made everybody change their opinion of me. The first time we met naglalako ako ng paninda kong mga kakanin sa isang subdivision. Yes, not smart and not rich. Kung paano ako nakakalabas pasok sa Villa Tevar Subdivision ay dahil anak ako ng security guard ng ekslusibong subdivision ng mga mayayaman.
“Good morning daddy!” bati ko ka itay ng makalapit ako sa kanya. Nakalabas ang ulo ni tatay sa guard house at patingin-tingin kung may ibang tao sa paligid.
“You stop English, ok? Pasok na at baka tanghaliin ka sa loob. Tandaan mo dalawang oras ka lang pwedeng maglako ng paninda mo at labas kana uli.”
“Opo.” Sabi ko sabay abot ng bilao kay itay. “ Wait..paki hawak ng bilao ko ‘tay. Isi-set ko lang ang wrist watch ko ng dalawang oras.”
“There naka set na. Alis na ako ‘tay at akin na iyang bilao.”
“Hoy sandali! Ano iyang suot mo?”
Tatay looked at my subrang ikling shorts and stared to my lovely face for a while at ako naman napayuko at tumingin sa puting-puti kong legs so…proud habang si tatay parang may ahas ako sa katawan at kagimbal-gimbal ang reaksyon nito.
“Tay…marketing strategy ang tawag sa outfit kong ito. Malakas ang binta ko kapag ganito ang ayos ko.” Halos lumabas na ang ugat ko sa leeg at mukha sa pag-explain.
“Marketing tragedy kamo. Umuwi ka muna at magbihis ka at baka mapahamak ka sa suot mong iyan. Hindi naman ganiyan ang suot mo kahapon, Cara”
“Exactly! Hindi ganito ang ayos ko kahapon kaya nga wala akong binta. Sino tuloy ang napagalitan ng nanay?”
Hindi nakahirit si itay dahil may kotseng dumating ,X4-C Honda na itim ang kulay. Ayon! at parang ninja-alis ako agad! Mga 30 mins pa lang ako sa loob ng subdivision ay tatlo nalang ang natira sa mga kakanin sa bilao kung dala. Napatigil ako sa Prince St. at napahinto sa isang malaking mansion. Ito na yata ang pinakamalaki at magandang bahay sa loob ng subdivision.
BINABASA MO ANG
Counting all your kisses
RomanceTatlong lalaki ang umikot lang ang mundo sa iisang babae. She is Cara, masayahin,kwela at nagsusumikap maka graduate ng college. Sabi nila maganda siya kaya lang hindi matalino...pero ang talino nadidiskartehan iyan. Tatlong super gwapong guys ang n...