*Bahay*
Kinukoskos ko ang ulo ko ng dulo ng ballpen habang itini-try kung i-solve ang isang problema. Naghanap ako ng calculator pero hindi ko makita iyon sa dating pinaglagyan ko. Napabuntong hininga ako at tinawag si itay. Mabilis nakapanhik si Itay sa kwarto ko at tinanong ako kung anong kailangan ko.
“Itay, 8 * 6?”tinanong ko ng mahirap na tanong si itay. Napakamot ang ulo ni itay at walang pasabi ay umalis. Bumalik ito ilang sigundo at kasama na ang kapatid kung si Ingrid. Of all the people…si Ingrid pa ang tinawag! Eh, mas matalino ako sa kapatid ko ng dalawang beses?
Ipinasa ni tatay ang tanong sa kapatid ko at nagulat pa ako dahil ang bilis makasagot.
“Sure?” sabi ko. Hindi ko maconfirm kung tama ang sagot niya dahil kailangan ko pang magbilang. Tumango lang ang kapatid ko at may hinalungkat sa mga gamit ko. Hayun! Nandoon lang pala sa lalagyan ng manicure ang calculator ko. Pinindot ko ang on at saka ko na komperma na tama ang sagot ni Ingrid dahil 48 ang nakalagay sa screen ng calculator.
Napatingin ako kay Ingrid na tila may dalawang ulong tumobo sa katawan nito.
“Paano mo alam? Na-memorize mo na ang multiplication table?”
Nailing lang si Ingrid. Sinabi nito sa akin na naingkwentro niya ang problemang ito noong isang araw at ginamit niya ang calculator ko para alamin ang sagot. Natandaan lang daw niya.
Dahil solve na ang problem ko…umalis na si Itay pero si Ingrid ay nagpaiwan. Umupo ito sa tabi ko at tiningnan ang ginagawa ko.
“Ate, kapag nagbibinta ka ng kakanin bakit hindi ka nagdadala ng calculator? Hindi ka ba natatakot malugi?” tanong sa akin ni Ingrid. Ibinaba ko ang ballpen ko sa higaan at isinara ang notebook ko.
“Mas natatakot akong mapahiya kung makikita akong nagkukwenta sa calculator kisa sa malugi ako dahil kulang ang bayad sa akin, Ingrid.”
Halatang nagulat si Ingrid sa sinabi ko. She can’t find yet the logic.
“Ganito kasi iyon…Iyong mga tao sa subdivision ay mayayaman at matatalino. Magaling sila sa math kaya easy lang sa kanila tandaan ang multiplication table. Pagtatawanan nila ako pagnakita nila akong nagkukwenta sa calculator o sa mga daliri ko habang hinihintay nila ang sukli nila.”
“So anong ginagawa mo sa ganyang sitwasyon?”
Napahinga ako ng malalim at seryosong pinayuhan ang aking kapatid. Hindi ako maramot ng knowledge at ibinabahagi ko sa iba ang mga natutunan ko rin sa buhay.
“Ganito…kunwari bumili sila sa iyo ng anim na kakanin at tapos otso ang isa. Pag nagtanong sila ng ‘ilan lahat?’. Ibalik mo iyong tanong sa kanila. Sabihin mo, ‘anim na kakanin…so 6 times 8…?’ At hayun! Hintayin mong sumagot sila.”
“Paano kung sinabi nilang 48 tapos isang daan naman ang ibinigay? Itatanong ko rin ba kung ‘100 minus 48…?’ tapos hintayin din ang sagot nila?” Tanong uli ni Ingrid na ikinalapad ng ngiti ko.
“Applicable iyan sa mga middle class o poor na kagaya natin. Kaya pwede mo sa kanila ipasagot iyan.Pero dahil mayaman ang pinagbibintahan ko . Hindi masyadong problema sa akin iyan dahil maganda ako.”
Hindi maintindihan ni Ingrid kaya tudo explain pa ako.
“Dahil maganda ako madali sa akin ang ganitong sitwasyon na hindi ako kinukuntra ng customer. Nagkukunwa akong walang panukli…tapos sasabihan ko sila ng ganito… ‘Sir…I do not have panukli to your isang daan…can I keep the change?’ . Sa ganyang paraan maiisip nilang wais ka at hindi tanga! Dahil all you after for is the sukli. Iyong mayayaman mostly sa kanila hindi na humihingi ng sukli kaya minsan ko lang nagagamit ang ganyang linya sa kanila.”
Naamaze si Ingrid sa sinabi ko at tudo papuri. Galing daw ng style ko at ipinagmamalaki niya ako.Pupusta ako! Sa mga matatalinong tao ay hindi nila pinag-uusapan ang ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
Counting all your kisses
RomanceTatlong lalaki ang umikot lang ang mundo sa iisang babae. She is Cara, masayahin,kwela at nagsusumikap maka graduate ng college. Sabi nila maganda siya kaya lang hindi matalino...pero ang talino nadidiskartehan iyan. Tatlong super gwapong guys ang n...