Sa kotse palang hindi ko kinibo si Luke. Panay nito kausap sa akin pero hindi ko ito sinasagot at hindi ko rin pinakikingan ang mga sinasabi nito sa akin. Bawat sinabi sa akin ni Sofia ay tumatak sa isipan ko. Ang babaeng iyon, subra na talaga ang pagkamuhi niya sa akin.
Inakala ko na ihahatid ako ni Luke sa amin pero instead bumalik lang kami sa bagong bahay nito. Nang ibaba ako nito sa kotse subra ang pagprotesta ko. Kulang nalang kalmutin ko mukha ni Luke dahil gusto ko ng umuwi.
"Iuwi mo ako sa bahay namin Luke!"
"Akala ko ba gusto mo akong kausapin?" sagot nito.
"Hindi! Ayaw na kitang kausapin kahit kailan! Hindi ko alam kung sinong mas tanga sa ating dalawa. Hindi mo ba nakikita? Ayaw nila sa akin! " naiiyak kong sabi. Sumabog na talaga ako sa galit at sama ng loob sa mga nangyari.
"Wala akong pakialam kung ayaw nilang lahat sa iyo! Mahal kita at pakakasalan kita!" seryosong sagot nito.
Lalong sumikip ang dibdib ko sa sinabi ni Luke. Bakit sinasabi nito ang mga ganitong bagay na para bang ganoon lang kadali ang lahat?
"Pagod na akong magsorry.Pero ayuko Luke. Ayukong tanggapin ang alok mo. Sabihin mo na lang sa lahat na iniwan kita, gaya ng iniisip nilang ginawa ko kay Milo para hindi ka mahirapang magpaliwanag sa lahat."
"Hindi ko gagawin iyon dahil hindi na ako papayag na iwan mo uli ako. Nang huli tayong mag-usap sinabi mo sa aking madali lang para sa aking kalimutan ka at makahanap ng iba. Pero ewan ko, ewan ko kung anong meron ka at hindi kita mapalitan! Tama ka naman eh. Ang daming babae d'yan na mas maganda, sexy at nababagay sa mundo ko. Pero ikaw lang babaeng gusto kong makasama habang buhay, ikaw lang ang nagbibigay saya sa akin.Kaya bakit ako lalayo? Kung pwede ko namang ialay sayo ang mundo ko."
Humugot ako ng malalim na paghinga at hinayaang umagos ang luha ko sa mata.
"Isa akong gold digger at isang minahan ng ginto lang ang tingin ko sa iyo." sabi ko kay Luke , the exact words na sinabi sa akin ng kapatid niya. "Now, sabihin mo sa akin kung kaya mong mahalin ang tulad ko."
Ang tagal makapagsalita ni Luke. Nagulat ito sa sinabi ko and it was what I want, ang sumama ang tingin nito sa akin at ng ito na ang lumayo. Sino ba naman ang taong gustong kasamahin ang isang babaeng sasabihan siya na pera lang ang gusto sa kanya. Tatalikod na ako at aalis ng magsalita si Luke.
"Sabihin mo lang sa akin na mahal mo ko Cara, kahit magsinungaling ka lang. Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng gusto mo. Pera? marami ako nun.Wala akong pakialam kung ubusin mong lahat ang pera ko. Magiging maligaya ka sapiling ko, sweetheart."
Gusto kong sabihin kay Luke na hindi pera niya ang gusto ko kundi siya. Pero para ano pa? Aasa na naman ito uli at masasaktan. Pinal na ang desisyon kong layuan ito. Hindi kasi talaga pwede ang mayaman sa mahirap.
Aalis na ako ng bigla akong yakapin ni Luke mula sa aking likuran. Ang init ng katawan nito at gusto ko ang yakap nito. Gusto kong manatiling kayakap ni Luke. Pero bago pa umusbong ang ugat ng pag-ibig ay kailangan ng hugutin ito at patayin. Hindi ko dapat mahalin si Luke.
"Uuwi na ako Luke. Bitiwan mo na ako." sabi ko.
"Hindi pwede. Hindi kita pwedeng ihatid sa mga magulang mo na ganyan ang itsura mo." sagot lang nito. At bago pa ako makapagprotesta ay binuhat uli ako nito papasok sa malaking bahay.
"Paliguan n'yo siya at bihisan.Ipakita n'yo na rin sa kanya ang kwartong gagamitin niya." utos nito sa mga katulong.
"Anong paliguan?! Uuwi nga ako at hindi ako matutulog dito!" sinigawan ko si Luke. Nagulat ang mga katulong sa ginawa ko. Si Luke mukhang napahiya.
"Alam mo, one word at ako ang magpapaligo sa iyo!" pananakot uli nito sa akin kaya quiet na naman ako. Sumama ako sa mga katulong at hinayaan kong tulungan nila ako sa paliligo ko. Na try ko na ang maligo sa jacuzzi at magspa bago matulog. Nakabihis na ako ng pantulog na may design na hello kitty. Ito ang napili kong pantulog. Ang cute cute ko tignan sa suot ko.
Bigla na lamang nagbukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito si Luke. May dala itong ice pack compression.
"Tignan ko nga." sabi nito at hinawakan ang baba ko.
"Namamaga na. Ilagay mo iyan sa mukha mo at matulog ka na. Bukas na bukas-"
"Iuuwi mo na ako?!" sabi ko.
"Bukas na bukas pupunta tayo ng farm."
"Farm?! Hoy, Luke may tindahan akong naghihintay sa akin at may pamilya ako na nag-aalala sa akin! Hindi mo ba na isip na baka mamatay ang nanay ko sa pag-aalala?" nakapamiwang kong sabi.
Lumabas lang si Luke sandali ng kwarto at pagbalik nito dala na nito ang bagahe ko. Parang lahat na ng damit ko ang laman ng bagaheng bitbit ni Luke.
"Iyan! Ipinadala sa akin ng nanay mo. Ipinagpaalam na kita kanina sa inyo. Sinabi ko na magbabakasyon tayo ng ilang linggo. Hindi ko nga alam , eh. Mukha namang hindi nag-aalala ang nanay mo. Ang saya-saya nga niya." sabi ni Luke
Hindi ako makapaniwala at si Nanay tuluyan na akong ipinamigay.
"Kaya matulog kana sweetheart at wag mo ng alalahanin ang mga magulang mo." ikiniss lang ako nito sa noo at umalis na ng kwarto. Napaupo ako sa malambot kong kama at napatitig sa bagahe ko. Binuklat ko ang mga bagahe ko para kumuha ng panty at balak kung magpalit ng underwear. Nahalungkat ko na ang lahat ng laman ng bag ko pero walang bra o kaya panty man lang. Bakit nakalimutan ni Nanay lagyan ng panloob ang bagahe ko?
Isang peraso ng papel ang nakasuksuk sa bulsa ng bag ko ang nakita ko. Isa iyong sulat galing kay Inay kaya binasa ko.
Dear Cara,
Anak, magpakabait ka kay sir Luke at ng magustuhan ka niya. Hindi ko nilagyan ng panty at bra ang bagahe mo dahil hindi mo kailangan ang mga iyon. Alam kong pipikutin mo si Sir Luke kaya tinutulungan na kita, anak.
Mag-enjoy ka sa iyong bakasyon.
Love,
Nanay
Hindi ako makapaniwalang sulat kamay ito ni Nanay. Nilamukos ko ang sulat at pinasok ko sa bag ko. Dali-dali akong pumasok ng banyo at hinubad ang panty ko. Kumuha ako ng sabon sa katawan at iyon ang ginamit kong pangsabon sa panty ko. Kailangan matuyo ito ngayong gabi at para may magamit ako bukas.
"Walang hiya ka talaga, Nay! Napakawalang hiya mo talaga!" galit na galit kung sigaw as if maririnig iyon ni Nanay.
BINABASA MO ANG
Counting all your kisses
RomanceTatlong lalaki ang umikot lang ang mundo sa iisang babae. She is Cara, masayahin,kwela at nagsusumikap maka graduate ng college. Sabi nila maganda siya kaya lang hindi matalino...pero ang talino nadidiskartehan iyan. Tatlong super gwapong guys ang n...