DATE ni Cara

79 0 0
                                    

*Sabado

Nagulat ako ng pagbuksan ko ng pinto  si Milo ng mga 4 am palang ng umaga. Ang aga nito!

"Ready?" sabi lang nito. Buti nalang nakapaligo na ako at sabi ko nalang sa kanya na magbibihis lang ako.

Naghintay ito ng ilang sandali at ako naman ay busy sa pag-aayos. Isang casual dress ang suot ko.

Kulay pula at may floral design. Hanggang tuhod lang ang suot ko at off shoulder pa. Nakita ko ang paghanga sa mga mata ni Milo ng makita niya akong bumaba ng hagdan namin.Oo nga pala, nakalimutan kong bangitin, na iyong hagdanan namin ay iyong parang ladder. Pero kahit na ganoon ay flattered parin ako sa paghanga ni Milo sa suot ko.

"Ang ganda mo Cara." sabi nito na hindi inaalis ang mga mata sa akin. Para akong prinsesa na isinakay ni Milo sa kanyang magarang karwahe este kotse.

Si Nanay at Ingrid nagba-bye lang sa amin  ni Milo. Proud na proud si Nanay sa akin dahil magagara ang kotse naghahatid sa akin.

Umaasa si nanay kahit  isa man lang sa the 3 musketeers ay mapangasawa ko. Kalat na kalat na sa amin na mayaman na kami. Sigurado akong si Nanay ang nagkalat ng mga chismis.

" I have been wondering kong maypag-asa ako sa iyo, Cara." biglang sabi ni Milo habang nasa daan  kami patungo  sa kanila. Napalunok ako ng laway dahil hindi ko alam paano sagutin si Milo.

"Milo...gusto mo ba talagang sagutin ko iyan?" sabi ko.

"No, not now kung iyon ang gusto mo." sabi nito. Kinabahan yata si Milo. Pagdating namin sa bahay ni Milo. Ang dami na agad bisita. Iyong mga tita ni

Milo na galing pa sa probinsya nagsidatingan. Ang daming handa at ang laki ng mansion nila ni Milo. Dati hindi ako makapaniwalang ang napakamahiyain ko na kaklase ay may mansion na ganito kalaki. Libre ako lage  sa pagkain at pamasahe dahil hatid sundo pa ako ni Milo noon.

"Hello, hija. How are you?" bati sa akin ni Tita Ester na Mommy ni Milo.

"Okz na Okz parin Tita. Happy birthday po." sabi ko at inabot ko sa kanya ang birthday present ko. Bible at rosaryo ang laman ng regalo ko.

"Courtesy of Father Tomas po ang gift kong ito." kita ko sa mata ni Tita Ester na masaya siya at nag-abala pa si Father Tomas na magregalo sa birthday niya. Daig ko pa ang nagregalo ng chanel bag ky tita.

"Ester!!!! Milo!!!"

Napalingon kami sa tumawag ng pangalan ni Tita at Milo. Napadilat ang mata ko at ang tita Codita ni Milo ang palapit sa amin. Kinabahan ako at may bad experience pa naman ako sa titang ito ni Milo. My something kasi sa kanya..

"Milo, hijo...nagpatugtog ako ng salsa bakit hindi mo isayaw si Cara." sabi nito. Salsa! Anong alam ko sa salsa?! Napatingin ako kay Milo.

"Opo tita." sagot lang nito.Hindi man ako makapaniwala ky Milo na isasayaw talaga niya ako ay hindi ko rin ito tinangihan na dalhin ako sa dance floor. Lahat nakatingin sa amin. Kinabahan ako at mukhang nahalata ni Milo iyon.

"Relax...nasayaw mo na ito dati noong highschool ka pa, Cara." sabi ni Milo. Napakunot noo ako and I was trying to remember kong totoong nasayaw ko na ito.But no talaga...as in, zero memory!

"Anong pinagsasabi mo?...hindi ah!" sabi ko kay Milo. Napangiti lang ito at nilingon ang DJ. Suminyas lang si Milo at may pinatogtog ang DJ. Halos malaglag ang panga ko ng marinig ko ang tugtog. Grade 6 at hindi highschool  ko naisayaw minsan ang tugtog na ito.

"Grade 6 at hindi highschool. Ikaw ang highschool ng mga panahong iyon. Nasa grade 6  palang ako ng sumali ako sa dance competition. At ako ang representative ng school namin. " sabi ko

"At ako naman sa school namin. Doon kita unang nakilala talaga, Cara. Alam kong naalala mo pa ang mga steps. Iyong sinayaw mo ang tawag d'on ay salsa. Pinag-aralan ko pa ang dance steps ng partner mo para kapag dumating ang araw  ay mayaya naman kitang sumayaw ng salsa. Ang tagal ko na itong pinangarap, Cara" nagha-heart shape ang mga mata ni Milo na nakamowestra na and ready to dance!

Napa wow talaga ako kay Milo dahil totoong kabisado nito ang steps samantalang ako ay hindi na gaano memoryado ang sayaw. Naapakan ko pa ang paa ni Milo pero nakakaagapay din naman agad at sayaw uli. 

Maraming ikot at kimbot at hipuan na walang malesya sa akin...ewan ko lang kay Milo. Naririnig ko pa ang mga cheers ng mga nanonood at gustong -gusto nila ang pagsayaw namin ni Milo.Natapos ang sayaw namin with bungang-bungang pagliyad and Milo so close to me.

Hayan na naman...iyang mga matang ganyan! Matang nagpapahayag ng maraming damdamin. Dapat kaya ay sabihin ko na kay Milo ang dapat niyang marinig.?Pero ang hirap parin talaga sabihin kaya inayos ko nalang ang pagtayo ko at sabay kaming nagbow na parang professional dancer.

Ang lapad ng ngiti ko at pinagpawisan ako ng tudo. Papunta na kami sa table namin ng mapalingon kami sa tumawag sa pangalan ni Milo.

"Sofia?" ani ni Milo. Napatingin ako kay Sofia at laglag ang panga ko sa ayos nito. Wow iyong damit pangtuition ko na talaga sa buong taon. Iyong hand bag..chanel! Ang kinis ng balat at ang ganda. Babaeng version ni Luke at may klas ang paglakad at pananalita. Sinuyod naman ako ng tingin nito from head to toe. Nailang  tuloy ako pero nginitian ko parin siya.Hindi ito gumanti ng ngiti pero hindi naman sumama ang loob ko. Ipinakilala kaming dalawa sa isa't-isa ni Milo.

"Nice to finally meet you Cara. I heard a lot about you from Luke. Palagi ka niyang kinukwento sa akin."

"talaga?" ewan ko ba at parang nahiya tuloy ako sa sinabi nito.Tumango lang ito sa akin.

"Nandito ba si Luke?" tanong ni Milo.

"Oo. Kanina lang kasama ko siyang pinapanood ang sayaw ninyo tapos bigla nalang siyang nawala. Well, napakagaling mong sumayaw, Cara. My brother must have fallen deep for you at ganoon nalang ang selos niya kay Milo. I have heard na nililigawan ka ng kapatid ko?" nakangiting sabi nito sa akin. Mukhang friendly si Sofia at mabait kaya gumaan ang loob.Simpling pagtango lang ang sagot ko pero itong si Milo umipal pa.

"And I'm courting her too." sabi ni Milo. Biglang nag-iba ang expression ni Sofia at parang biglang nadiri sa akin kung makatingin. Gusto ko tuloy suntukin sa mukha si Milo sa kadaldalan nito. Walang pasabi-sabi ay tumalikod ito at umalis.

"Milo...kausapin mo siya." sabi ko kay Milo. Iniwan ako nito sandali para habulin si Sofia. Selos ang nakikita ko sa mga mata ni Sofia ng umalis ito. Galit kaya ito sa akin?

"Anong klaseng sayaw iyon at ang bastos n'yo ng tingnan. Gusto mo naman?!" nagulat ako ng bigla na lang  nagsalita si Luke mula sa likuran ko. Napalingon ako.

"Anong pinagsasabi mo? Nagseselos ka ba?"

"Selos na selos at gusto ko ng pilipitin iyang leeg mo sa galit ko." sabi nito. Napahawak naman ako sa leeg ko as if sasakalin talaga ako ni Luke.

"Sayaw lang iyon at walang bastos sa steps ng salsa." depensa ko.

Hindi na ito nagsalita at umupo nalang sa tabi ko. Ilang sigundong katahimikan at ako na ang nagsalita.

"Nakilala ko na ang kapatid mo. Ang ganda niya sa personal."

Napalingon si Luke sa  akin at n'on lang yata niya natandaang maykasama pala siya sa pagpunta sa bahay nila ni Milo. Hinahanap ng mga mata ni Luke si Sofia sa boong paligid pero wala ito.

"Umalis siya. Hinahabol pa ni Milo." sabi ko lang at umiwas ng tingin.

Counting all your kissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon