Love hut

60 0 0
                                    

Luke was not in the good mood ng  makasakay kami sa kotse niya. Basta nalang nitong pinatakbo ang sasakyan at mga ilang sandali ay titigil sa tabi ng daan at patatakbuhin na naman. Nagtaka man ako ay wala ako sa mood para kausapin din si Luke.

"England? Gusto mong pumunta ng England? I can take you there!" sabi nito na binuhay muli ang makina matapos lang nitong tumigil at ipahinga ang kotse sa tabi ng daan. Parang nasa kanto lang ang England sa paraan ng pagkakasabi nito.

"Saan ba tayo pupunta?" sabi ko. Parang zombie umayos si Luke at ito na naman ang ayaw magsalita.

"Nagmumukha ka ng zombie. Umayos ka na, o" pakiusap ko. Gusto ko sana na maging memorable ang date kong ito. I hope makipag-cooperate ito sa akin.

Hayyy...tigas ng bunggo. Sinabing umayos na! Sa galit ko na hindi pa siya nagsalita ay inagaw ko sa kanya ang kontrol ng manibela. Muntik na kaming maaksidente sa ginawa ko pero kahit magalit pa siya sa akin ay wala na akong pakialam.

"Are you crazy?!" sigaw nito sa akin. Ganito pala magalit si Luke, nakakatakot.

"Wag mo 'kong sigawan!" sabi ko at bumaba ng sasakyan. I was crying and desperate to go home. Ilang minuto sinundan ako ni Luke at ng maabutan ako ibinalik din ako nito sa sasakyan. Mabait na ito tignan ulit.

Sa loob ng kotse hindi pa kami nagkibuan. Pero mga ilang sigundo bigla nalang  akong inabutan nito ng panyo. Tumingin lang  ako ka Luke at nag-iisip ako kung tatangapin ko ba ang panyo o hindi.

"Sorry sinigawan kita." sabi ni Luke.

"Ok lang iyon. Kalimutan na natin ito. I want my first date with you to be memorable." sabi ko. Lumingon sa akin si Luke at napangiti. Oyyyyy...ang gwapo!

" Ok. Marami pa tayong oras , thanks to Milo!" masayang sabi nito. Napangiti na lang ako at ganito ka daling mag-iba ang mood ni Luke. Masaya na uli ito.

"Saan tayo pupunta?"tanong ko. Sabi lang ni Luke supresa daw. E, di supresa!

Sa isang liblib na lugar kami nagsuot ni Luke. Ito ba ang supresa niya sa akin? Aba't basta nalang namin iniwan sa daan ang kotse at naglakad patungo sa isang liblib na lugar.

"Saan ba ito?" kanina ko pang tanong sa kanya ng paulit-ulit pero hindi man lamang ako sinasagot nito. Hawak ang kamay ko ng pagkahigpit-higpit ay bumaba kami sa batong hagdanan. Wow! Nasurpesa ako sa nakita kung view ng lugar. Napakaganda at hindi ko akalain na may dagat pala sa parang gubat na dinaanan namin.

"Halika. May ipapakita ako sa iyo." sabi ni Luke at pinuntahan namin ang isang kubo. Napatigil ako sa paglalakad kaya si Luke nagtatanong ang mga matang napatingin sa akin.

"Bakit may kubo? Anong gagawin natin d'yan?" kinakabahan kong tanong.

Ngumiti ng nakakaluko si Luke at parang may iniisip na kagaguhan.

"E, ano ba dapat nating gawin sa loob?" sabi nito na ang lapad ng ngiti.

"Ano?! Ayuko ,no! Uuwi na ako." sabi ko at tatalikod na.

"Sandali! Binibiro  lang kita." tawang-tawang sabi ni Luke. Nakakainis ito at nagawa pang gawing biro ang ganiyang bagay.

"Cara, ipapakita ko lang sa iyo ang loob ng kubo. Kaya relax naman, o. Wala akong masamang gagawin sa iyo." nakangiting sabi nito. Ako namang itong natutunaw agad sa ngiti ni Luke ay pumayag. Nauna pa ako makapasok sa loob ng kubo. Ako kasi itong natatakot sa sarili ko at baka kung anong magawa ko kay Luke.

"Ang ganda, Luke" sabi ko. Napatingin si Luke sa akin at  ang sagot ay "yeah". Napangiti tuloy ako. Hindi halos nga ako makapaniwala na ang ganda ng loob ng kubo. Napakamoderno ng kagamitan at pwede na tirhan ng buong pamilya namin. Maglayas kaya ako sa amin?
 Napasin kung kakaiba ang desinyo ng kubo.

Counting all your kissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon