Tatlong lalaki ang umikot lang ang mundo sa iisang babae. She is Cara, masayahin,kwela at nagsusumikap maka graduate ng college. Sabi nila maganda siya kaya lang hindi matalino...pero ang talino nadidiskartehan iyan. Tatlong super gwapong guys ang nagturo sa kanya kung ano ang pinakamahalaga sa buhay bukod sa pera, talino at kagandahan. Si Lance, ang pinakamasayihin sa tatlo at ang una niyang nobyo. Nakilala niya ito ng lubos ng maghiwalay sila at ligawan siya nito uli. Saka lang ni Cara nalaman na masakit pala sa kanya ang unang break-up nila. Si Milo, ang professor ni Cara na dati na niyang kaklase sa college. Super in love sa kanya at umaasa na sasagutin niya. Ang nanay ni Milo ay gustong gusto si Cara. Ano pa ba ang hahanapin niya sa isang ito na mayaman,gwapo at mahal pa siya ng nanay? Si Luke, a perfect gentleman. Ang pinakamayaman sa tatlo at ang una niyang halik.Ang nag-iisang tao na tinanong niya kung ano ba ang love? Ano nga ba ang love? Pero kahit gustuhin niya si Luke, paano naman siya magugustuhan ng pamilya nito? Sino ba sa tatlo ang dapat niyang gustuhin?
40 parts