"Double SHit!" ani ni Luke na nasapo ang noo.
"May problema ba?" tanong ko pero parang may idea ako kung bakit ganoon ang reaksyon ni Luke.
"Sinabi ba ni Milo na-"
"na nililigawan niya ako? Oo, sinabi niya sa kapatid mo kaya nagwalk-out. Hindi ko naman alam na may gusto pala si Sofia kay Milo. Gaano na katagal?" tanong ko.
" Since grade 6. Akala ko noon hindi seryoso pero ng tumagal alam ko na hindi lang basta gusto ni Sofia si Milo, mahal na niya ito. Ikaw...maypagtingin ka ba sa kanya?"
"Kanya, who?" pa as if, no clue kong tanong.
"Come on, Cara! Si Milo ang ibig kong sabihin. Pero sige, isali natin si Lance. May pagtingin ka ba sa kanila?" sabi nito na hindi ko naman sinagot.
"Si Lance magaling kumanta at si Milo magaling sumayaw. Cara hindi ako marunong sumayaw at kumanta.Sabihin mo nga sa akin, maypag-asa ba ako sa iyo?"
"Tinanong narin ako ni Milo niyan ngayong umaga lang. Gusto mo bang sagutin ko na iyan?" nasa mukha ko ang paghahamon. Tulad din ni Milo parang nag-aalinlangan din si Luke.
"Di bali na. Baka hindi ko magustuhan ang magiging sagot mo." sabi nito at umalis.
Nang umalis si Luke ay dumating naman si Milo at kasama na nito si Sofia. Parang pilit ang pakikipagharap nito sa akin. Nakangiti ako sa kanya pero hindi na ako nginitian nito.
"I'm sorry kanina. Sumama lang ang pakiramdam ko."
"Are you ok now?" Nabigla ako sa sinabi ko. Para tuloy inisip ni Sofia na iba pakahulugan ko sa sinabi ko. Bigla kung ini-rewind sa isip ko kung paano ko sinabi. Nakataas kaya ang boses ko? Did I sound like a bitch?
"Yeah.Bakit naman hindi?" mataray na sabi ni Sofia.
"Milo, bakit hindi mo ako isayaw?...We used to be a good dance partner way back in highschool. Why not show Karen here how good we are."
"Ahm, Cara.... hindi Karen, Sofia." pagtatama ko.
"You know what Cara...Milo and I are always a good partner." diniinan pa nito ang salitang 'partner' at kung may iba mang kahulugan pa ito. It means nothing to me.
"Ganoon ba? Bakit nga ba naman hindi mo isayaw si Sofia, Milo?" sabi ko pero wait, wait...tama ba ako ng pagkakasabi?...Sinasabi ko bang I'm letting Sofia dance with my date?!
Wala na akong magawa at isinayaw na ni Milo si Sofia. Laglag uli ang panga ko kung paano sumayaw ang dalawa, It was like iisang katawan lang ang gumagalaw.Naisip ko tuloy kung bakit kaya ako ang niligawan ni Milo at hindi si Sofia. I mean looking at how she moves, damn she rocks! She's pretty and a fox! Not to mention na pinagsamang beauty and brain and being rich is a bonus!
"Mapapagod din kayo sa kakasayaw." napalingon ako sa nagsalita. Nagulat pa ako ng makita ko si Alvira at nakatingin ito sa dalawang pares na nagsasayaw.Ang sama ng tingin nito kina Milo at Sofia at buti nalang hindi kami inabutan nitong nagsayaw ni Milo.
"Al? Anong ginagawa mo dito?" sabi ko na nakangiti. Nagulat din si Al ng makita ako. Sinuyod ako ng tingin nito at ganoon din ako.
"You! Anong ginagawa mo dito?!" napaatras ako at dinuro-duro ako na parang insekto lang ni Al.
"I'm invited." sabi ko. Nakapamiwang lang si Al at nakangising nagsalita.
"Sino ang babaeng iyan? Pinagpalit ka na ni Milo agad? I'm not surprise kung pinagsawaan ka na niya agad. " Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Al. Kung makapagsalita ito I'm some kind of a cheap girl! Makikita mo!
BINABASA MO ANG
Counting all your kisses
RomanceTatlong lalaki ang umikot lang ang mundo sa iisang babae. She is Cara, masayahin,kwela at nagsusumikap maka graduate ng college. Sabi nila maganda siya kaya lang hindi matalino...pero ang talino nadidiskartehan iyan. Tatlong super gwapong guys ang n...