Isang linggo na lang at ikakasal na ako. Pinadalhan ko ng wedding invitation si Sofia sa texas kahit sinabi nito sa amin na hindi siya dadalo. We were hoping na dadalo parin si Sofia alang-alang sa pamilya niya.
Busy na busy na ang lahat at dahil matradisyon ang pamilya namin ay isang linggo din kaming hindi magkikita ni Luke. Namimiss ko tuloy ang sweetheart ko. Panay text nito sa akin araw-araw kung anong ginagawa ko at lahat pinagseselosan. Ang mga magulang na namin ang nag-aalala kasi panay away kami gayung nalalapit na ang kasal. Mas nag-aaway kasi kami ni Luke kapag hindi kami nagsasama o nagkikita.
"Hoy, sweetheart magreply ka naman sa text ko o kaya sagutin mong tawag ko! Ano ba namang iyong kumustahin mo man lang ako!"
"Luke pwede ba...masyado akong abala kaya wag muna tayong mag-usap!" galit kong sabi sa telepono kay Luke. Nagalit din ito kaya nagsigawan kami.
"Abala?! Anong ginagawa ng binabayaran kong mga coordinator kung ginagawa ka nilang abala?Kaya ko silang palitan ngayon din kung hindi nila magawa ng maayos ang trabaho nila!"
"Luke--"
"Hoy sweetheart, bakit tinatawag mo na ako sa pangalan ko? Hindi ba nangako kang sweetheart ang itatawag mo sa akin?"
"Alam mo sweetheart, inaaway mo na ako. Hoy ka ng hoy diyan, hoy karin Luke at isa pang salita ,hindi na kita kakausapin." pananakot ko kay Luke at pinatay ang telepono. Nag-aalalang nagtinginan ang mga magulang ko at magulang ni Luke.
"Inaaway po kasi ako ni Luke, Mama" sabi ko sa mama ni Luke.
"Intindihin mo na lamang ang anak ko, Cara at masyado siyang stress sa mga panahong ito.Gusto na niyang madaliin ang kasal. Ewan ko ba sa batang iyan at hindi makapaghintay ng isang linggo."
"Hayaan po ninyo at kakausapin ko mamaya si Luke." sabi ko at biglang nagring ang telepono ni Mama. Si Luke ang tumawag at dinig namin sa telepono ni Mama na galit at sumisigaw na kung magsalita si Luke.
Huminga ng malalim si Mama at nginitian kami sabay sagot kay Luke sa telepono ng "Hijo,ginagawa ng mga wedding coordinators na bilisan ang trabaho nila. Oo...dinagdagan ko na sila...Oh no, Luke hindi natin pwedeng palitan ang mga wedding coordinators dahil isang linggo nalang at ikakasal kana at saan naman tayo makakahanap ng kasing husay ng nakuha natin ngayon?" ani ni Mama na nagtitimpi lang sa galit. Ang matandang magno nagkape lang at kalmadong kalmado.
"Here we go.." ani ng Papa ni Luke ng marinig na sumabog narin sa galit ang mama ni Luke sa pakikipag-usap sa anak. Nagsigawan narin ang mag-ina.
"Kung hindi ka titigil Luke ay ikaw ang mag-aasikaso ng kasal mo mag-isa! Ang tigas ng ulo mong bata ka at mana ka sa ama mo!" ani nito at ini-off ang phone. Tila namula sa hiya si mama ng magtama ang paningin namin. Kasasabi pa lamang nito sa akin na intindihin si Luke pero ito narin ang nawalan ng kontrol at nagalit sa anak. Umiwas na lamang ako ng tingin.
"Lucas, bakit hindi mo bigyan ng trabaho sa opisina ang anak mo at ng hindi kami ginugulo"
"Ano ka ba naman, Cory at gusto mo pang pagtrabahuin ang anak mo sa opisina gayong sa isang linggo na ang kasal nila ni Cara. Isa pa, baka mawalan tayo ng mga empleyado kapag ginawa ko ang sohestiyon mo." sagot ng papa ni Luke.
Kinagabihan abala ako sa pagpili ng night gown na gagamitin ko sa honeymoon namin ni Luke. Pinamulahan ako habang sinusukat ang mas bagay sa akin. Natigil lang ako sa pagsusukat pa ng isang pares ng night gown ng tumunog ang cellphone ko at si Luke ang tumawag.
"Hello?"
"Sweetheart, sino iyong kasama mong lalaki kanina?!" ani ni Luke sa telepono. Walang hi o hello man lang.
"Paano mo nalaman na maykasama akong lalaki kanina, Luke? Sinusundan mo ako? hindi mo na ngayon sinusunod ang tradisyon?!" sunod-sunod at galit na galit kong sabi kay Luke. Nangako kasi ito sa akin at sa pamilya ko na susundin ang tradisyon.
"Inutusan ko ang mga PI ko na sundan ka! Ayaw mo kasing ipaalam sa akin ang mga ginagawa mo. At buti nga naman pala ay ginawa ko iyon dahil sa desperas pa lang ng kasal natin you're still open for a date with a crazy dude! Alam mo ba ang ginawa ko sa kanya? Sinisante ko siya sa trabaho niya!"
"What?! Alam mo ba kung sino iyong sinisanti mo Luke? Iyon yong umaasikaso ng cake natin at mga bulaklak sa kasal! That's it! Naiinis na talaga ako sa iyo, Luke Bust Magno! Gumastos ka lang ng pera para pasundan ako and you're wasting your money dahil sa selos mo! Magpakasal ka na mag-isa mo. The wedding is off!" sigaw ko at pinatay ang telepono. Babalik na sana ako sa pagsusukat ng night gown ng maalala ko ang huling sinabi ko. OMG....I told Luke na wala ng kasal! Dali-dali ay inabot ko ang telepono ko para tawagan si Luke ng mauna itong tumawag sa akin. Ang bilis kong makahello.
"Sorry, sweetheart. Magiging good boy na ako, hindi na kita guguluhin. T'yaka ibabalik ko na sa trabaho iyong sinisante kong taohan mo. Iyong mga PI ko hindi ka na nila susundan...just don't call our wedding off, please." nagsusumamong sabi ni Luke sa akin sa telepono. Ang hina na ng boses nito at hindi na makabasag pinggan.
"Ano ba talaga ang problema mo Luke at nagkakaganyan ka?" nag-aalala kong tanong.
"Siguro namimiss lang kita, sweetheart. At natatakot ako na hindi kita kasama every minute, every second. Mas gusto ko iyong alam ko kung nasaan ka at ano ang ginagawa mo. Kapag hindi mo ako kinakausap nababaliw agad ako. Natatakot ako at bigla ka na lang hindi sumipot sa kasal...ikaw kasi d'yan ang subrang hilig mang-iwan. Trumang -truma na ako ng iwan mo ako noon."
"Ano ka ba naman, sweetheart...hindi na nga mangyayari iyon. Tuloy-tuloy na itong kasal natin. In fact, busy ako ngayon sa pagpili ng isusuot kong night gown sa honeymoon natin."
"Night gown? Honeymoon?" biglang sumigla ang boses ni Luke.
"Oo. Bakit iniisip mo lang ba na forever na lang tayong maghahalikan at walang making love?"
"Hindi-hindi...Actually, sweeetheart kung gusto mo ng mataas-taas na time para makapagprepare ka sa isusuot mo , go ahead. Sabihin mo lang ang mga kailangan mo ha...wag makalimot kumustahin ako." ani nito at napipicture out ko na ang lapad ng ngiti ni Luke.
"Kaya please magtiis ka na lang munang hindi ako makita, sweetheart. Total apat na araw na lang Luke at matutupad na iyang pangarap mong maikasal tayo." sabi ko at nagpaalam kay Luke an puputulin na ang linya ng tawag.
BINABASA MO ANG
Counting all your kisses
RomanceTatlong lalaki ang umikot lang ang mundo sa iisang babae. She is Cara, masayahin,kwela at nagsusumikap maka graduate ng college. Sabi nila maganda siya kaya lang hindi matalino...pero ang talino nadidiskartehan iyan. Tatlong super gwapong guys ang n...