*...Skul....*
“Love dissolves all individual differences. Creating one to one , to many, to all. Love, love , love. I am in love. I want you to be beside-“
“Sit down Ms. Agustin”
“Po?” natigil ako sa pagbabasa ko ng aking hinandang poem. Narinig ko nalang na naghahagikhikan sa pagtawa ang mga kumag kong classmates.
“ Ms. Agustin, if you want to pass my class you better give me a reason to have you pass. Napakadali lang ipasa ng subject kong ito. We will tackle Poems and writing Short stories for the rest of the semester. Iyon na nga, poem lang hindi mo pa magawa ng maayos ang assignment mo. Kailan mo pa gustong grumaduate ng college?”
Nagtawanan na naman ang mga walang hiya kong mga kaklase. Kulilat talaga ako sa klase ni Mrs. Reyes. Kung hindi ako paaral ng mga pari sa parokya namin ay gugustuhin kong tumigil sa pag-aaral. Wala naman akong natutuhan at lage na lamang bumabagsak. Lalo tuloy dumadami ang nagpaparinig sa akin ng ‘what is beauty without a brain?’. It hurts you know? Ginagamit ko naman ang utak ko hindi lang talaga ako matalino. Wag naman iyong tawagin akong walang utak.
“How about we have a poem for our final exam, class?” dinig kung sabi ni Mrs. Reyes.
Natuwa ang mga kaklase ko at naghiyawan. Lagot na! Talagang ako lang ang hindi makakapasa. Sinasadya yata ito ni Mrs. Reyes para bumagsak ako.
Kanina pa tapos ang klase namin ni Mrs. Reyes pero panay parin ang sunod ko sa matanda.
“Ma’am baka pwedeng hindi na lang po poem ang finals natin. Hindi po ako magaling magsulat ng poem baka bumagsak ako. “
“Ms. Agustin pinal na ang desisyon ko kaya pumasok ka na sa susunod mong klase. Kung hindi poem ang ipapa-finals ko sa inyo. Tiyak kung kukupya ka lang sa mga kaklase mo during the exam. At least sa desisyon ko ay wala ng kopyahan ang mangyayari.”
Naiwan akong nakamokmok sa tabi. Iniisip ko na agad ang mga mangyayari. I had the picture of my batchmates na nauna ng grumaduate sa akin last year at ngayon mauuna na naman ang mga kaklase ko ngayon sa akin. Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha sa mga mata ko. I was walking in an empty corridor na lugmok ang sarili sa kalungkutan at kawalan na ng pag-asa. Kahit makagawa ako ng poem at hindi magustuhan ni Mrs. Reyes ay bagsak parin ako. Hindi naman ako tamad mag-aral at gumawa ng assignment, hindi lang talaga ako matalino.
“Who broke your heart young lady?”
Napalingon ako sa pinangalingan ng boses. Si Mr. Milo Escobar! Batchmate ko dati at ang masugid kong manliligaw at ngayon nga ay professor ko na ng math. Ang gwapo na nito hindi gaya noon na napagkakamalang pare tuwing nagsisimba kami. Naalala ko tuloy bigla ng anyayan akong magdate nito sa simbahan noong araw na magkaklase pa kami. Nakakatawa dahil ng pumasok kami sa simbahan ay may isang matandang lumapit kay Milo at nagmano. Napagkamalan siyang si Father Tomas, ang batang pare ng parokya namin.
Ngunit ngayon parang kambal ni Sam Milby si Mr. Escobar. Hindi ko na pwedeng magustuhan ito dahil professor ko na. Pero ang kumag halatang maypagtingin parin sa akin. Ito lang yatang subject ni Mr. Escobar ang hindi ako nanganganib. Sana lahat ng subject meron ako si Mr. Escobar nalang ang professor ko.
“No one sir. I better go now, mayklase pa ako.”
Patalikod na ako ng pigilan akong umalis ni Mr. Escobar. Wow, maypahawak at halik sa kamay pa ito, as if teleserye! Napalingon tuloy ako sa buong sulok ng koredor at baka may tao. Binawi ko agad ang kamay ko.
“Ipapahamak mo ba ako Mr, Escobar?” galit kong sabi sa kanya.
“Do you know what you are doing? Pwedeng may makakita sa atin at pag-isipan tayo ng masama at baka maging dahilan pa ito na hindi ako makagraduate.” Sabi ko pa sa kanya. Hindi man lamang ito na konsensya at ngumiti pa ang mukong.
“Cara…I have never forgotten you. You are the only woman I loved kahit noon pang nag-aaral tayo.”
Shit! Kailangan ba talaga niyang i-mention ang nakaraan? Nahihiya tuloy ako dahil he made it sound na ang tagal ko na talaga sa college at pati siya hinitay narin akong grumaduate.
“Ikaw lang naman ang dahilan kaya ako naririto. I have been watching you from afar and waiting to tell you how I really feel. I love you Cara.”
I love you? Bakit all of the sudden dalawang tao na sa araw na ito ang nagsabi sa akin na mahal ako ng mga ito?
“Mr. Escobar-“
“Milo” pagtatama niya. “You have always called me by my firstname, Cara. Alam mo ba kung gaano ko namimiss na tawagin mo ako sa pangalan ko?”
Naluko na! Talagang namimiss ako, sige na nga pagbibigyan ko na ito.
“Milo…ang tagal na noon. I know how you feel for me pero iba na ngayon ang sitwasyon dahil mag-aaral mo na ako.”
“I know. But we can keep our relationship discrete for the mean time or kung gusto mo I will quit my job para legal ang relasyon natin.”
“Nag-aaral pa ako Milo. At isa pa may boyfriend ako.”
“You mean that kid, Lance? Yung boyfriend mo na boyfriend ng buong bayan?! Come on, Cara! His not even a man yet to have a serious relationship with you. Anong mapapala mo sa batang iyon?”
Wow na talaga! Pinagmukha akong matanda nito dahil lang bata sa akin si Lance. Ok lang kung ang itinagal ko lang ng college ang binilang nito pati rin pala edad?
“I’m the man for you, Cara. Let me provide for you… Alam kong paaral ka parin ng mga pari. Kung ako pipiliin mo, ako na ang bahala sa pag-aaral mo at pati pamilya mo tutulungan ko rin.”
Sandali akong napa-isip. Mayaman si Mr. Escobar dahil anak ito ng negosyante. May tatlong grocery store na pagmamay-ari ang pamilya Escobar sa bayan at tatlong gasoline station. Kapag pinatulan ko ito ay para narin akong nanalo ng pangkabuhayan show case. Damay-damay pa ang pamilya ko sa swerte ko at hindi ko na kailangan pang problemahin ang skul.
“Milo…hindi ko gusto ang instant yaman. “
Charrrr! Hindi gusto?! Etchos ko lang iyon. Turo kasi ni nanay na huwag magpadala sa kahinaan at dapat magpa hard to get muna.Baka mahalata ni Milo na nagdo-dollar sign na ang mga mata ko sa alok niya.
”Kung papatulan kita magiging unfair iyon dahil hindi pa kita mahal“ maypaiwas tingin effect pa akong nalalaman. Kung may best actress award ay siguradong panalo na ako.
“I can always make you love me, Cara. Look …hindi na ako ang dating Milo na kilala mo. I’m a better version now. And please…wag mong isipin na instant yaman na matatawag kung makikipagrelasyon ka sa akin. I’m sorry kung nagiging padalos-dalos ako pero talagang mahal lang kita.I want you to be my girl, Cara.”
“I don’t know, Milo. Kailangan ko ng umalis late na’ko sa klase ko.” Mabilis akong tumalikod para umalis. Bilang na bilang ko pa ang aking paghakbang. I know he is going to say something kaya hindi ko binilisan ang paglalakad.
“Please Cara pag-isipan mo.” Pahabol na sabi ni Mr. Escobar.
Napangiti ako. Sabi ko na nga ba at maysasabihin pa si Mr. Escobar. Iyon lang naman ang hinintay ko at nakangiting tumakbo na ako sa susunod kong klase.
BINABASA MO ANG
Counting all your kisses
RomansaTatlong lalaki ang umikot lang ang mundo sa iisang babae. She is Cara, masayahin,kwela at nagsusumikap maka graduate ng college. Sabi nila maganda siya kaya lang hindi matalino...pero ang talino nadidiskartehan iyan. Tatlong super gwapong guys ang n...