Wow, parang bagets! Kilan ba ang huling pagkakataon na nanligaw ako ng babae? Hindi ko na maalala kung kilan. Pero ang saya ng pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam ko kanina ayuko ng mahiwalay sa kanya. Nang halikan ko si Cara parang sinuko ko na ang kalayaan ko.
"Hahayyyst Luke....akala ko hindi na darating ang pagkakataon ito. Kailangan ko na palang magseryoso. This girl is different. I think I'm getting sick of not being able to see her." sabi ko habang nagdadrive.
nang gabing iyon siya talaga ang laman ng panaginip ko. Sa panaginip ko ay naroon kami sa toktok ng burol at nagyayakapan. I enjoyed the soft touch of the wind against our skin. Cara was pretty in a white summer dress. Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at seryosong tumitig sa mga mata ko.
"Sweetheart, what's wrong?"
"Luke, mahal mo ba ako?" tanong nito sa akin.
"Mahal? Anong mahal?" sabi ko at nakita ko ang pagsimangot ng magandang mukha niya. Nag-aalalang napaatras ng bahagya si Cara sa kanyang kinatatayuan.
"Kung gayun, bakit mo ako liligawan kung hindi mo ako mahal?" naiiyak niyang sabi.
Napangiti ako at hinawakan ang magkabilang balikat niya.
"Cara...sweetheart. Hindi kita mahal-" hindi ko pa nasabi ang lahat pero sumama ang loob nito.
"Tama na, ayukong marinig Luke! Kung masasaktan lang ako ay ayuko ng malaman pa iyon galing sa iyo. Aalis na lang ko." sabi niya at humakbang papalayo sa akin ng pigilan ko siya.
"Cara, sweetheart makinig ka muna. Hindi ko alam kung mahal kita o gusto lang kita dahil ang totoo niyan hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Hindi na ako makakain, makatulog o makapag-isip ng maayos dahil sa iyo. Pinangarap kita palagi at inaasam na makasama araw-araw. Ang totoo niyan bago ang lahat ng pakiramdam na ito sa akin. At ikaw lang ang pumukaw ng lahat ng damdaming ito ."
Napanganga si Cara sa sinabi ko at hindi makapagsalita.
"Hindi ka ba nananiniwala?" sabi ko at lumingo-lingo ito.
"Mahal kita Luke at naniniwala akong mahal mo rin ako." sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Ano ba ito at pakiramdam ko wala akong gustong gawin kundi manatili kaming magkayakap. But it's time to wake up in this pleasant dream.
"Cara, let's continue this episode tonight.GIgising nako sweetheart ..."
I tried to remove her arms around me just to annoy her at tama nga naman ako dahil nainis siya.
"Ayukong gumising ka luke, manatili na lamang tayong ganito." Ani nito.
Napatawa ako ng malakas ngunit nagising rin ako sa aking panaginip ng hampasin ako ng unan ng isa sa mga katulong ko."Aray ko, Sabel!" ani ko na sapo ang pisngi ng magising ako sa lakas ng hampas ni Sabel ng unan sa mukha ko.
"Eh, sorry sir. Hinawakan po kasi ninyo ang pwet ko." ani nito at pinamulahan pa ng pisngi.
"Ginawa ko iyon?" tanong ko. Tumango-tango pa ito sabay sabing."Kumukuha lang naman po ako ng mga nakakalat na damit sa sahig ng hipuan ninyo ako habang natutulog kayo kaya nahampas ko kayo ng unan" pagpapaliwanag nito.
"Siya-siya...umalis kana Isabel" sabi ko.
"Pero sir Luke, wala po akong ibang mapapasukan." maiiyak na sabi nito.
"Sabel...hindi kita palalayasin. Gusto ko lang umalis ka na sa kwarto ko at sorry narin sa ginawa ko. Napanaginipan ko kasi si-" hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko pa. Bakit ba nagiging madaldal ako at balak ko pa yatang ipagsabi sa katulong kong ito ang tungkol sa nangyayari sa akin?
"Ah wala..sige alis na." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Counting all your kisses
RomanceTatlong lalaki ang umikot lang ang mundo sa iisang babae. She is Cara, masayahin,kwela at nagsusumikap maka graduate ng college. Sabi nila maganda siya kaya lang hindi matalino...pero ang talino nadidiskartehan iyan. Tatlong super gwapong guys ang n...