Surprise announcement ni Luke

46 1 0
                                    

Parang artista ako at ang daming mga flashes ng camera lights ang nagkislapan at ang daming media na pinagkaguluhan kami ng dumating kami sa party. Wala na talaga akong alam sa mga kaganapang nangyari mahigit dalawang taon ng lumipas. Nagkaroon na pala ng branch ng Magno Hotel  dito sa  Pinas. Isang business tycon na ngayon si Luke at nagmamay-ari ng pinakamalaking hotel sa bansa at may sariling engineering company narin  ito sa pinas. Pero ang pinamamahalaan nito ay ang negosyo nila sa Texas.

"Kuya!" tawag ni Sofia sa kapatid. Napalingon si Luke at niyakap ang kapatid sabay halik sa pisngi. Parang naparalisa ang buo kong katawan at hindi ako makagalaw. Hindi ko masalubong ang tingin sa akin ni Sofia. Mukhang hindi ito natutuwa na makita ako.

"Kuya...you forgot na ibutones ang damit mo.Alam mo naman na may media baka kung ano ang isipin, may kasama ka pa naman." ani ni Sofia at binutones ang damit ni Luke. Makahulugan ang sinabi nito at kinausap si Luke tungkol sa akin. Lumayo na muna sila sa akin ng kaunti para hindi ko marinig ang pag-uusapan nila. Pero halata namang inaaway ni Sofia ang nakakatandang kapatid.

Nagsalita ang host at inacknowledge nito ang pagdating ng pamilya Escobar sa party. Nang makita ko si Milo gusto ko siyang lapitan pero napigil ko ang sarili ko na gawin iyon ng makita kong pinandilatan ako ng mata ni Tita Ester. Nagulat ako sa ginawa ni Tita at parang ayaw nitong lumapit ako sa kanila. Si Milo wala sa mood na inakay ang ina sa grupo ng mga sosyal na mga besita at hindi man lang ako nito nakita.

"Halika sweetheart at ipapakilala kita sa mga magulang ko." napalingon ako ng biglang magsalita si Luke.

"Hindi! Ayuko Luke na makilala ang mga magulang mo at hindi ako nababagay dito. Take me home, now." utos ko kay Luke. Para kasing sumama bigla ang pakiramdam ko ng marinig ko ang sinabi nito.

"No! Umayos ka at ipakikilala kita sa mga magulang ko."matigas nitong sabi. Magsasalita sana ako ng pigilan ako nito. "Behave Cara kundi hahalikan kita!" ani nito. Natakot ako na baka gawin iyon ni Luke kaya quiet ako.

Dinala ako sa grupo ng mga sosyal ni Luke na kinabibilangan ng mga magulang ni Luke at ang mga Escobar. Nagtama ang paningin namin ni Milo.

"Goodevening, Tita, Mama, Papa at sa iyo Milo. Pinakikilala ko sa inyo si Cara. Cara, meet my parents." pagpapakilala ni Luke sa akin. Hindi man lang naghello ang mga magulang ni Luke pero polite na nginitian lamang ako nito.

Lalapitan ako ni MIlo ng biglang naging alerto ang lahat. Nabitin sa ere ang sasabihin sa akin ni Milo ng yayain akong sumayaw ni Luke. Nakatingin si Tita Ester sa akin ng buong pagkamuhi kaya kahit gusto ko ring kamustahin si Milo ay hindi ko ginawa. Tinanggap ko na lamang ang alok ni Luke na sumayaw kami.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Milo. Nang magsayaw kami ni Luke ay napansin ko na hindi ako naapakan nito at mahusay na itong sumayaw.

"Marunong ka ng sumayaw, Luke?" tanong ko

"Yup! Nag-aral ako ng mabuti para sa okasyong ito. Nagulat ba kita? Kaya ko rin sumayaw ng salsa kung gusto mo." ani nito at natawa ako sa sinabi ni Luke.

Walang makasingit sa kahit na sinong mga binatang besita na gusto akong isayaw dahil hindi pinahihintulutan iyon ni Luke. Matapos kaming sumayaw ay hinatid ako ni Luke sa table namin at katabi ko pa si Sofia. Kumuha si Luke ng  dalawang baso ng champaigne at ibinigay sa akin ang isa. Matapos kong pasalamatan ito ay  tinawag ni Luke ang atensyon ng lahat sa pamamagitan ng mahinang pag clink ng kutsarita sa baso ng champaigne. Ganito pala magtawag ng mga mayayaman , noh? Sosyal na sosyal!

Napatuon ang atensyon ng lahat kay Luke at hinihintay ang sasabihin nito.

"Thanks everyone for coming to this very special evening. I would like to thank my parent and my lovely sister for hosting the party. Sa inyong lahat na nakakakilala sa akin...I made a quite good reputation sa larangan ng negosyo at pati narin sa mga babae, I honestly admit that as well." nagtawanan ang lahat sa huling sinabi nito.

"Seriously, I wouldn't be able to be  where I am now kung hindi sa aking mga insperasyon sa buhay. Ang aking pamilya at ang nag-iisang babaeng nagpapasaya sa akin." Napatingin si Luke sa akin at ang lahat ay sa akin nakatingin. "I would like you all to meet my fiancee, CJ. Cara Jane, sweetheart come here." ani nito at tinulungan pa akong makatayo nito. Sa gulat ko gusto kong magprotesta at sabihing nagsisinungaling si Luke. Pero hindi ako nakapagsalita dahil dinampian ako nito ng halik sa labi at binulungan ako.

"Don't make a scene, Cara or else hindi ka na makakauwi sa inyo. " pagbabanta nito.Aawayin ko talaga itong si Luke mamaya!

Nagkislapan na naman ang mga kamera at kinunan kami ng larawan. Si Milo napatayo sa inuupuan ng  sinaway ni Tita Ester. Nakita kung hinatak ito ni Tita papalabas ng hotel. Nalungkot akong hinatid ng tingin si Milo palabas.

Nagsikainan na ang lahat ng besita. Ang mga magulang ni Luke hindi ako kinausap, ni hindi man lang sinulyapan. Nag-usap lang  ang mga ito na parang hindi ako kasama sa table nila. Nag-excuse ako sa lahat at nagpaalam na pupunta ng banyo.

Ang tagal kung nagkulong sa cubicle ng cr. Gusto kong hindi na lumabas pa at kalimutan ng nandito ako sa party na ito.

"Lumabas ka d'yan, Cara at mag-usap tayo!" sabi ni Sofia. Napatuwid ang tayo ko at naging alerto. Lumabas ako ng cubicle at hinarap si Sofia.

"Ang kapal talaga ng mukha mo babae ka! Pagkatapos mong hiwalayan si Milo ay akala ko mawawala kana sa landas namin. Iyon pala ay pinagpatuloy ninyo ng kapatid ko ang relasyon ninyo sa ibang bansa. I bet si kuya ang gumastos ng itsura mo ngayon dahil sa pagkakaalam ko hindi mo kayang bumili ng ganyan ka mahal na damit! You're a real gold digger ,you bitch!" sabi nito sabay sampal sa akin. Hindi ako gumanti kay Sofia and I tried to compose myself at hinamon ito ng tingin.

"Ayuko kong magkasakita tayo, Sofia. Wala akong alam sa sinasabi mo. Walang naging kami ni Luke ng layuan ko si Milo kaya kung anong galit meron ka sa akin ay walang basihan. Lumayo ako sa kapatid mo pero siya ang lumalapit sa akin. Sapilitan niya akong dinala sa party na ito."

"Oh, really?...Pinilit ka ni kuya.? Well, hindi ka mukhang pinilit. Napakawalang hiya mo talaga at bilib ako sa uri mo. Ano ba talaga ang kailangan mo, Cara? Kung pera lang...kaya kitang bayaran! Name your price at layuan mo ang kapatid ko."

"Wag na, Sofia. Hayaan mo at lalayo ako at sana sabihin mo rin iyan sa kapatid mo." sabi ko at iniwan si Sofia. Lumabas ako ng banyo ng makita ko si Luke. nagulat ito ng makitang namula ang pisngi ko.

"Anong nangyari sa iyo? Sinong maygawa niyan?" tanong nito. Nakita nito si Sofia na lumabas ng cr kaya alam na ni Luke kung sino ang sumampal sa akin. Kakausapin sana ni Luke si Sofia ng  pinigilan ko si Luke.

"Mag-usap tayo, now!" sabi ko na diniinan ang salitang 'now'.

"Hindi ka pwedeng makita ng mga tao sa itsura mo ngayon. Iuuwi na kita." sabi nito at sumakay kami ng elevator pababa ng ground floor.

Counting all your kissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon