Ang sarap ng tulog ko kagabi.Ngayon ko lang narealize na masarap pala matulog ng walang panty. Napangiti ako at bumangon para magtungo ng banyo at maligo. Natapos na akong maligo at magpapalit na sana ng damit ng makita kung nawala sa pinagsampayan ko ang panty ko.
Umagang-umaga ay nagtawag ako ng katulong sa baba.Isang katulong ang lumapit sa akin at nagtanong kung anong kailangan ko. Sinabi ko sa kanya ang problema ko. Dalawa kaming naghanap pero hindi namin nakita iyon. Biglang nagbukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Luke. Hinigpitan ko lalo ang roba ko kasi alam kung wala akong damit panloob.
"Anong problema ninyo?" tanong sa amin ni Luke. Bagong gising ito at nakapajama lang.
"Wala. Wala kaming problema." nagtinginan kami ng katulong. Parang hindi naniwala sa amin si Luke pero nakangising lumabas ito ng kwarto.
"Anong gagawin natin manang?"
"May pera ka ba d'yan at ibibili na lamang kita, hija."
"Eh, wala nga po. Hihingi po ako ng pera kay Luke."
Sinugod ko ang kwarto ni Luke at nakita ko itong nakahiga sa kama nito at mukhang nakatulog ulit. Gigisingin ko na sana ng makita ko ang isang envelop sa lamesa ni Luke na may mga larawan ko. Nandilat ako ng makita ang mga kuha ko. Isa-sa ko iyong tinignan at higit na nakakuha ng atensyon ko ay ang isang kaperasong papel. Ito ang kontratang penermahan ko sa taiwan. Bakit naririto ito kay Luke?
"Cara"
Napasigaw ako sa gulat ng marinig ko mula sa likuran ko si Luke. Inagaw nito sa akin ang kontrata at ang mga larawan at inilagay muli sa loob ng envelop." Bakit nasa iyo ang kontrata ko , Luke? At iyong mga larawan.."
"Dalawang taon kitang pinasubaybayan sa Taiwan, sweetheart. Iyon ang eksplinasyon ko sa mga kuha mong larawan. Itong kontrata? Pinapermahan ko ito sa iyo para makauwi kana sa pinas."
"Paano mo nagawa iyon?"
"Maraming nagagawa ang pera ko, Cara. Binili ko ang kontrata mo kaya technically ay sa akin ka nagtatrabaho. Hindi lang iyon, nakasaad sa kontratang penermahan mo na may utang ka sa aking 2 Million pesos."
"What?! Hindi totoo iyan! Walang ganyang nakalagay sa kontrata!" sabi ko.
"Dalawang papel ang penermahan mo. Ang isa ay ang retrenchment program na patibong ko lang. Ang totoong kontrata ay ang pangalawang papel na nilagdaan mo, sweetheart. "
"Wala akong utang na pera sa iyo! Bakit mo ko niluluko, Luke?" hindi ko makapaniwalang sabi kay Luke.
"You're right. Wala ka ngang perang utang sa akin, sweetheart. Pero 2 taon kang may utang na halik sa akin. Remember the counting of kisses ended ng magsinungaling ka sa akin at pinaalis mo ako sa buhay mo? Dalawang taon iyon! Kaya it's pay time, sweetheart." sabi nito at lumapit ng subrang lapit sa akin.
"Dalawang taon akong nangulila sa iyong halik kaya dalawang taon kang magbabayad ng halik sa akin. I think, you should start paying me know" ani nito sabay siil ng halik sa akin.
I was more than willing to pay him even with interest. Sabik na yata ako sa halik ni Luke at kung hindi pa ako tinulak ni Luke. Malamang minolestiya ko na ito right then and there.
"I guess, hindi ako mahihirapang singilin ka." sabi nito at pinamulahan ako sa hiya kaya umiwas ako ng tingin.
"Anong ginagawa mo dito, anyway? May kailangan ka ba sa akin?"
"Ah,oo. Nawala kasi iyong panty ko na sinampay sa bintana ng banyo kaya wala na akong magagamit na iba. Hindi kasi naisama ni nanay ang mga panloob ko sa bagahe."
Natutop ko ang bibig ko when I realize na naging vocal ako sa pagsasabi ng totoo kay Luke. Ito bang epekto ng halik niya sa akin? Nakakahiya na ipinagtapat ko ang problema ko.
"And now? Anong problema dun?"nakangisi ng nakakaluko si Luke.
"Luke wala akong magagamit na panloob. Kaylangan ko ng pera para makabili ako ng isang set ng underwear." sabi ko. Ngumiti si Luke at kinuha ang wallet sa drawer nito at kumuha ng 3k at ibinigay sa akin.
"Sabihin mo kay manang na ibili ka ng makapal na panty iyong hindi kayang liparin ng hangin. Paano kung nahulog iyon sa labas at makita ng hardinero?"
Kinilabutan kaming dalawa ni Luke sa naisip at ito pa mismo ang lumabas para hanapin ang underwear kong nawawala. Tama nga ito at inilipad ng hangin at nakasabit iyon sa puno malapit sa bintana. Gusto kong mamatay sa hiya ng makita ko ang panty ko. Inakyat iyon ni Luke sa puno at kinuha at saka ibinato sa akin. Nasalo ko agad ito at tuyong-tuyo na ito dahil sa hangin.
Tunay ngang makakapal na panty at bra ang ang ibinili sa akin ni Manang. Natawa na lamang ako habang tinitignan ang tatlong set ng panty.
Sabay kaming nagbreakfast ni Luke. Ang saya naming nagkwentuhan tungkol sa mga karanasan ko sa taiwan. Ibinida ko pa sa kanya na marunong akong magchinese.
"O sige nga, paano mo sasabihin sa akin in chinese na ang gwapo ko?" nakangiting sabi nito.
"Nǐ hěn shuàiqì"
"Eh, ang ganda mo?"
"Wǒ hěn piàoliang"
"Wow...galing ah.. Ito last na...I love you, Cara."
"Wǒ yě ài nǐ" ani ko at pumalakpak sa akin si Luke. Namula ako ng sabihin ko iyon kasi ang sagot ko, I love you too.
"Eh, ikaw Luke anong ginawa mo sa loob ng dalawang taon?" tanong ko.
"Nagtatrabaho lang ako at hinihintay ka Cara. Iyon lang ang ginawa ko sa dalawang taong lumipas." sagot nito at umiwas ako ng tingin.
"Tyaka nga pala, Cara. Humihingi ako ng tawad sa ginawa ni Sofia sa iyo kagabi. Hindi naman masama ang kapatid ko,eh kaya lang-."
"Alam ko Luke.At may karapatan naman talaga siyang magalit sa akin considering kung anong habol ko lang sa iyo. Natural na protektahan ka niya sa akin." sagot ko.
Hindi nagkomento si Luke sa sinabi ko at naging tahimik na kami hanggang sa matapos kaming kumain. Maya-maya ay nagyaya na itong magtungo kami sa farm.
BINABASA MO ANG
Counting all your kisses
RomanceTatlong lalaki ang umikot lang ang mundo sa iisang babae. She is Cara, masayahin,kwela at nagsusumikap maka graduate ng college. Sabi nila maganda siya kaya lang hindi matalino...pero ang talino nadidiskartehan iyan. Tatlong super gwapong guys ang n...