Luke's Point of view...
kagagaling ko lang sa golf club ng araw na makita ko si Ms. Heaven. Ms. Heaven, dahil para siyang anghel na bumaba sa langit. Una ko siyang napasin sa gate ng subdivision namin. Papasok pa lang ako sa subdivision ng mapansin kong kinakausap ng security guard ang napakagandang babae.
Dumako ang tingin ko sa mukha niya at parang pinag-aaralan ko sandali ang bawat galaw ng muscles niya sa mukha. Wala akong masabi sa ganda niya. Believe me, hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng maganda! Pero ang isang ito , ibang klase! Yung ganda niya hindi mo pwedeng hindi pansinin at purihen.
Napasin kong maypinag-aalitan ang dalawa pero hindi maabot ng pandinig ko. Nang mapasin ako ng guard ay pinagbuksan ako nito ng gate. Ipagtatanong ko sana ang sadya ng babaeng iyon pero hindi ko na nagawa dahil napansin kung kumaripas ng takbo ang babae. Sinundan ko siya at nakita kong nagbibinta ito ng mga hindi ko masabi kong anong klaseng pagkain sa mga kabahayan. Isang kakilala ko ang bumili ng paninda nito. Nang makaalis si Ms. heaven ay ipinarada ko ang sasakyan ko sa bahay ni Teresa.
"Hoy, Teresa. Ano iyang hawak mo?" tanong ko kay Teresa. Halatang natataranta ito sa presensya ko. Maganda si Teresa pero gandang ordinaryo lang hindi tulad ni Ms. heaven parang mamatay ako paghindi ko siya nakilala.
"Sagot!" sigaw ko kay Teresa. Bakit ba ganito ang babaeng ito? Bakit ba natataranta siya at hindi nakakapagsalita? Inuubos nito ang oras ko, eh.
"E-eto ba? Gusto mo ba?"
"Ano nga ba iyan?!" naiinip kong tanong. Wala talaga akong pasensya sa mga babaeng tulad ni Tere.
"kakanin ang tawag dito. Bibigyan kita. G-gusto mo?"
Dumako ang tingin ko sa inabot nito sa akin at napangiwi na lamang ako ng makita ko ang itsura ng pagkain. Ano ba iyan? sabay sabi ng
"Yuck!" iyon lang ang nasabi ko saka binuhay muli ang makina ng sasakyan.
"Ah hindi talaga ako kumakain nito. Ang katulung ko lang, luke!" sigaw nito pero nakalayo nako.
Kung sinuswerte nga naman....hayon si Ms heaven at nasa harap ng bahay ko! Hindi man lamang ako napasin nito na ngitian siya, instead ay sa kotse ko nakatingin at parang humahanga sa sasakyan ko. Ibang klase! Nagkakandarapa na nga ang ibang mga babae sa akin kapag nginingitian ko pero ang isang ito ay hindi man lang inabalang tignan ako at sa kotse ko pa nagkagusto. Pagpasok ng kotse ko sa loob ng gate ng mansion ay agad din akong lumabas para makipagkilala sa magandang dilag na ito.
Napansin kong may tinitignan ito sa itaas ng mansion. Nakakatuwa itong tignan at parang nangangarap. Iniisip ba nitong tumira sa ganito kagandang bahay? Napangiti ako at nilapitan ang babae saka binulungan ko siya sa tinga niya na...
“Anong meron sa taas?” sabi ko. Nabigla ito at biglang lumingon. Sa subrang lapit ng mukha namin nagulat ako ng bigla ako nitong halikan. Actually, hindi naman matatawag na halik iyon sa akin. It was like a greeting. Pero nakakagulat ang reaksyon nito. Nakatingin ito sa akin at nagpipigil ng paghinga. Buhay pa ba ito? Dilat na dilat ang mga mata nito.
“Oh my God Miss! I’m so sorry...I-I” kunwa-kunwarian lang na reaksyon ko, as if , gulat na gulat pa ako sa nangyari.Pero sa totoo lang itinulak ko siya dahil napasin kong natapun ang mga paninda nito sa paanan ko.
“Babayaran ko ang mga natapon. Here, I’m really sorry..” sabi ko saka inabot ang 2k sa kanya. Iniexpect ko na magpapasalamat siya dahil sa halik at syempre sa pera narin. Ang mga babae masaya na pagnakakatikim ng kiss ko at nakakatangap ng pera.
“Two thousand pesos iyan lang ang halagang kaya mong ibayad sa akin?”
“Huh?” kunot noong napaatras ako sa gulat at hindi makapaniwala. Humihingi ba ito ng dagdag? Pambihira, hindi man lamang ako pinasalamatan muna. Masmahalaga ang kiss ko kisa sa pera, hindi ba nito naisip iyon?
“Kung kulang ito…here I have more paper bills you can have it all. It wasn’t really intentional.”
Inisip ko uli na magpapasalamat ito sa akin. Pero parang ginalit ko pa. Hindi ko maintindihan ang babaeng ito, binigyan ko ng pera pero galit parin sa akin. Ano bang gusto nito at kung ano-ano ang sinasabi?!
“Intentional or not, hinalikan mo ko! It was my first kiss you get it?!” sabi nito at hawak ang dulo ng kwelyo ng damit ko. Hindi nagrehistro ang sinabi nito sa utak ko. Ano daw? first kiss ba kamo?
“You give me back my first kiss--” sabi nito then I secretly smiled. Iyon naman pala eh....gusto lang nito na halikan ko siya uli. Bakit kailangan pa niyang mainis? She could ask me nicely to kiss her again and I would gladly be oblige to do so.
I was suppose to give her a complimentary kiss pero ng mahalikan ko uli ang mga labi niya parang kakaibang init ang naramdaman ko ng magdikit ang katawan namin. I was about to lose all my self control when she released a soft moan. Parang idinuduyan ako sa alap-ap but at the same time sinusunog sa apoy ng pagnanasa ang buong pagkatao ko. I don't want to stop kissing her. Iyon ang sinisigaw ng utak ko.
It was a wrong move ng sandali akong tumigil sa paghalik para sabihin sa kanyang... “I gave back your first kiss with another one. Wow, you’re lips taste like heaven” Bigla na lamang siyang kumawala sa pagkakayakap sa akin.
“Thanks for the complement pero naka dalawa ka na!” sabi nito.
“Guilty” Nakataas sa ere ang dalawang kamay ko. Talagang hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Iyon na yata ang pinakamasarap na halik na natikman ko sa buong buhay ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon at parang sasabog ang dibdib ko sa saya.
“Akin na nga iyan.” Inagaw nito sa akin ang pera at nakasimangot sa subrang inis na tumakbo papalayo. Isa lang nag nagrehestro sa isip ko. Kailangan ko siyang makitang muli!
“Miss Heaven, can I see you again?”
Salamat naman at lumingon ito pero ikinagulat ko at ikinatakot narin ang sagot nito.
“No! Ayukong na ulit makita ka at hindi nako dadaan sa kalyeng ito!” sabi nito.
Kailangang hindi ako mawalan ng pag-asa. The moment she kissed me,she just branded her self as my property.
“Wait! Can I get your number? How about a date?” ani ko. Pero hindi ako nito pinansin at patuloy lang ito sa paglalakad.
“I’m Luke Bust Magno, tandaan mo!” sigaw ko. Umaasa akong lilingon ito muli pero wala eh. Sumabog ang lahat ng nararamdaman ko sa dibdib ko at hindi ko alam kong bakit bigla ko na lamang nasabi sa kanya.
“I love you!” sigaw ko.
It's a miracle! Lumingon siya at sa subrang saya ko para akong sira at maypa flying kiss at paheart-heart sign pa ako. Para akong sira dahil sinabihan lang ako nitong "tse"
.Hindi lang nito alam kung ilang babae na ang umasang maririnig nila sa akin ang mga katagang iyon. Kahit ang 2 years kung ex-girlfriend na si Alexis ay hiniwalayan na lamang ako dahil hindi ko masabi sa kanya ang salitang iyon. Hindi ako makapaniwalang nagsabi ako ng feelings ko sa babaeng ito. She was just a stranger at hindi ko man lamang alam ang pangalan niya. Pero hito ako parang teenager at gumagawa ng kung ano ano. Hindi ba niya na appreciate ang flying kiss ko? Sigurado akong hihimatayin ang ibang babae kapag ginawa ko iyon.
Ipinapangako ko talagang hindi ito ang una namin pagtatagpo.
BINABASA MO ANG
Counting all your kisses
RomanceTatlong lalaki ang umikot lang ang mundo sa iisang babae. She is Cara, masayahin,kwela at nagsusumikap maka graduate ng college. Sabi nila maganda siya kaya lang hindi matalino...pero ang talino nadidiskartehan iyan. Tatlong super gwapong guys ang n...