"RESUME"
Trabaho. Sweldo. Endo.
Gising pa si erpats. Nagpapakasenti. Magdadalawang buwan na rin kasi ng umalis ang asawa niya papuntang singapore.
Pangalawang asawa ng erpats ko, nag'abroad para bigyan ng magandang kinabukasan ang dalawang anak nila.
Si erpats, isang tricycle driver.
Lagpas kwarenta ang edad. Gigising ng alas kuatro ng umaga para bumiyahe. Uuwi ng mga bandang ala siete o alas otso ng umaga para magluto ng pagkain.
Napakaliit ng kinikita ng isang tricycle driver. Sakto lang para sa isang araw. Minsan bitin pa kapag nagkaroon ng aberya.
Sa kikitain sa maghapon iaawas mo pa dun ang pangboundary at gasolina (ibenta mo na lang yung tricycle para malaki kita)...
Minsanan lang manermon si erpat pero iniiwasan ko pa din madamay sa panenermon niya. Mas maganda nang umiwas para hindi ka makarinig ng mga salita kaysa gumawa ng mga ikakagalit niya.
Hehe! Naaalala niya siguro yung asawa niya na sa totoo nga nama'y nagbigay ng pangalawang pagasa para sa kanya mula ng maghiwalay sila ng nanay ko..
"Minsan, ang trabaho hinihiwalay tayo sa mga taong mahal natin"...
August 23, 2012... 6:30am...
gumising ako ng maaga dahil may exam at interview ako sa isa sa mga matatag na bangko sa bansa. Sa totoo lang dapat mas maaga pa ng trenta minutos ang gising ko pero ayaw pa bumangon ng katawan ko kahit gusto na ng isip ko.
isip: Bangon naaa! wakasan mo na ang pagiging tambay mo.
katawan: H'wag muna! pagod ka pa dahil sa kakatambay mo. Hayaan mong maghilik ang tumbong mo gang tanghali, para mamayang gabi di ka antukin sa pagtambay mo. Huwag mo na din puntahan yung kumpanyang yun. Papaasahin ka lang non.
Kakapiranggot na pangungumbinse ang pinawalan ng isip ko para tumayo.
Sangkatutak naman ang nireklamo ng katawan ko.
Ending: Mister we will call you for further evaluation but there's no assurance.(shocked ako gang paguwe ko)
Anak ng pating!!!
Alam ko na ang pahiwatig ng interviewer sa akin. Pumasa ako sa exam, kinabahan ako sa interview (muntik pa nga akong matae). Isa lang ang di ko napaghandaan, kung ano ba ang ideya ko sa inaaplayan kong posisyon, dun lang..
Hindi sa wala akong ideya.
Nawala lang ako sa aking sarili.
"Dre!!Painom ka naman"... Aya sakin ng tropa kong mala'rambo kapag nakainom. Mga tipong kontrabida sa action movie na nagiinom sa tapat ng tindahan.
Sa araw araw na ginawa ng buhay ay araw araw ko ring naririnig ang salitang yan mula sa amoy chikong bunganga ng tropa ko.
Trabaho niyang maginum.
Walang specific time..
Kahit anong oras siya magtime in.
Basta magtatime out siya with overtime.
At sa gabi gabing sumusuka siya sa kalasingan ay araw araw naman siyang sinusuka ng pamilya niya. (amoy suka)
"Lahat tayo may trabaho depende na lang kung may kabuluhan ba o wala"...
Umasa pa rin ako na tatawagan ng kumpanyang inaplayan ko.
Ngunit...
Subalit...
Datapwat...
Hindi. Tinawanan lang nila ko imbes na tawagan..
Prologue: Nareject ako sa trabaho. Masaklap, mapait, parang gusto kong pasabugin yung building nila. Napaupo ako habang tumutugtog sa isip ko ang kanta ni James Ingram.
"I did my best but i guess my best wasnt good enough"...
Parang gusto kong palitan yung titulo ng kantang yan dahil sa sinapit ko mula "JUST ONCE" gagawin ko sanang "ANOTHER CHANCE"...
A /N
Vote, Comment, and Suggest please!!
Be a fan!...
Next continuation nito will be more interesting.
Thanks!!!
BINABASA MO ANG
"RESUME" Trabaho.Sweldo.Endo
Non-FictionPopulation > Work = Millions of unemployed Pinoys. Saksihan ang mga iba't ibang trabaho, taong may trabaho, trabaho ng mga walang trabaho, at kung paano nila winawaldas ang sweldo.