Chapter 29 - I love you more

16 4 0
                                    

Isabelle's Point of Viee

Nakatitig lang ako sa magkapatid na naglalaro, hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang nanay at tatay ni Chase.

Kasi wala naman talaga akong pake sa kaniya dati e, ngayon lang na nagkagusto ako sa kaniya.

Kahit na magbestfriend sila ni Hero, hindi ko sila pinapansin dahil hindi naman sila 'yong tipo kong lalaki.

Sa tuwing pumupunta sila Chase, Davinth, Khiro at Claud sa bahay ay dumadating din ang mga kaibigan ko upang ayain akong gumala. Kaya hindi na kami nakakapang-abot.

"Hay nako! Napaka dami na niyan, ija. Hindi na natin mauubos yan, mabuti pa ay makisali ka na lang sa mga bata." Pigil ni Lola Timea sa akin.

Gumagawa kasi ako ng sandwiches para sa kakainin namin ngayon dito sa Park. Umiling ako kay Lola. Ayoko ngang makisali sa kanila, baka pagkamalang nanay ako ni Chesca.

"Maaari bang magtanong, ija?"

Napatingin ako sa kay Lola, mukha pang bata si Lola pero ang totoo ay 72 years old na ito, tapos si Lolo Chester naman ay 76.

Ang ganda talaga lahi ng Argon, palahi din kaya ako?

"Kilala na ba kung sino ang pumatay sa Mama at Papa mo? at kay Ninth?"

"Hindi pa po."

"Alam ko kung sino, pero hindi ko sasabihin sayo dahil mahalaga na para sa akin ang mararamdaman mo." Ngumiti siya sa akin at huminga ng malalim, "Hindi man ngayong araw o taon, pero alam kong iiwan ko na si Chase kasi matanda na ako. Kung ano man ang malaman mo ay huwag mo sana layuan ang apo ko dahil wala siyang ginawang masama."

"Mahal.." - tawag ni Lolo Chester sa kaniya, natigilan naman si Lola sa sinasabi niya.

"Alagaan mo ang apo ko. Huwag sana umiba ang tingin mo sa amin pagkat matagal ko na winakasan ang kasamaan ng pamilya namin."

Umalis si Lola kasama ang asawa niya patungo sa bench dito sa park, ako naman ay iniwan ko ang sandwiches sa basket at nilapitan sina Chase.

"Ang baby ko. Hindi ko na makikitang mag make up," Mahinang sambit ni Chase habang hilik-halikan ang ulo nito. Nanlambot ako sa nakita ko pero pinilit ko matahimik.

Nilagay ko ang bike ni Chesca sa harapan nila, nakangiti namang sumakay doon si Chesca pero kahit anong pilit niya ay hindi niya 'yon magalaw.

"K-kuya, tulak mo po a-ako doon." Nanginginig na sambit ni Chesca sa isang maliit na boses, nanghihina si Chesca at nakakahawa 'yon.

Ginawa naman ni Chase 'yon pero kahit pagliko ng bike ay hindi magawa ni Chesca kaya sa huli ay napirmi na lang sila. Pinagpatuloy ni Chesca ang paglalaro sa basa-basang damo.

"Alam mo ba na napaka hirap?"

"Napaka hirap mawalan ng ina, ama at susunod pa ang aking kapatid. Kaya sana huwag mo akong iwan, Isabelle. Sobrang hirap."

"Isabelle, ayoko na mawalan pa. Kaya huwag ka na umalis sa tabi ko.." - nagmamakaawa ang boses niya hanggang sa bumagsak na ang mukha niya sa balikat ko. Nararamdaman kong bumabasa ang suot kong damit sa bandang balikat, kaya naman agad kong hinagod ang likod n'ya.

"Oo, pangako."

Hinatid ako ni Chase sa mansyon ni lola noong sumapit ang Alas Cinco ng hapon.

Umupo muna ako sa sofa sa salas dahil sa pagod na naramdaman, sa hindi inaasahan ay nakita ko na naman ang mala-medusa kong tita.

"How's your day, my dear Isabelle?"

"Ayos lang."

"Si Heroine?"

Galing talaga ni tita kapag may itatanong o kailangan e. "Nilayasan ka na yata?"

Magalang ko siyang sinagot, sumama ang tingin sa akin ni tita. What? Totoo naman na nilayasan na siya ng walang trabaho kong pinsan.

Yan ang tunay na atapang atao, napaka tapang lumayas kahit walang trabaho.

"You know where he is?"

"Bakit hindi mo ipahanap tita?" Nang-uuyam kong tanong, dati naman kasi may mga bodyguards na nakasunod kay Hero at sa akin. Alam na alam ni tita lahat ng nangyayari dito sa bahay, nahiya pa siyang ipahanap pinsan ko.

"Suicidal pinsan mo."

"Hindi naman depressed ang pinsan ko para gawin ang iniisip mo. He's probably with Zaikee, masaya siguro sila ngayon kaya no need to worry, Tita." Mapang-asar kong sagot sa kaniya, ayaw naman tapaga makita ni Heroin na mahina siya sa mga taong mahal niya.

"Too bad. Angeles left my son, all alone." Hmalakhak si Tita, nanlalaki ang mga mata ko sa narinig ko.

"Kung kailan mahal na mahal mo na tsaka ka iniwan, 'no? Ingat ka, baka ganoon din mangyari sayo."

"Anong ginawa mo?!" Galit na tanong ko sa kaniya at lalapitan sana s'ya ngunit ang sama ng tingin n'ya sa akin.

"Nag-offer lang naman ako ng isang milyon, and guess what? Gusto pala ng sampung milyon, bago layasan ang anak ko."

Pakiramdam ko ay ang lamig lamig ng katawan ko, agad agad hinanap ng mata ko ang cellphone para maitext si Chase.

Para bang nanlalambot ako dahil sa sinabi ni Tita, hindi mangyayari sa akin yon dahil walang balak si Chase si Chase na iwanan ako.

Alalay ko ang palad sa aking noo noong hinawakan ko ang cellphone ko, bigla na lang sumakit ang ulo ko. Hindi ako mapapanatag kung hindi ko makakausap si Chase.

"Chase?"

"Hm?"- tanong niya, nakahinga ako ng maluwag noong sinagot niya agad yon.

"Mahal mo naman ako diba?"

"Sobra."

"Hindi mo ako iiwan, kahit na may magawa man akong masama?"

"Hindi. Baliw, bakit mo ba tinatanong yan? Pakakasalan pa kita, bakit naman kita iiwan?" Rinig na rinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya.

"So kapag kinasal tayo, tsaka mo ako iiwan?"

"Tanga." Natahimik kaming dalawa, nakangiti na ako ngayon dahil sa sinabi n'ya.

Ang pikon talaga nito.

"Bakit mo naman ako minahal ng sobra? Halos dati nga hindi tayo nagpapansinan."

"Ikaw lang naman ang hindi namamansin, idadamay mo pa ako. Kumain ka na?"

"Child abuse ka. Ibig sabihin, gusto mo na ako. Dati pa?"

"Ampota? Anong child abuse? Binubugbog ba kita?"

"Ginayuma mo yata ako." Wala ng sumunod na salita ang narinig ko sa kaniya.

"Imbento ka, nene? Oo, ginayuama kita. Effective naman pala 'tong mukha ko. Ano? Kumain ka na ba?"

"Oo, kumain na ako. Ang kapal ng mukha mo, hindi ka gwapo 'no!"

"Matulog ka na ngang bata ka." Chase, hindi ako sumagot kaya naman nagsalita ulit s'ya.

"Tutulog na ako, mahal. I love you so much," Natigilan ako sa itinawag sa akin. Bakit parang natatakot ako?

Bumuntong hininga s'ya bago sinabing ibaba ko na ang tawag kaya naman nahiya ako. Hindi ko pa sinasabi sa kaniya na mahal ko din s'ya.

"Bella?" Tawag n'ya sa akin dahil hindi manlang ako sumagot.

"Chase.."

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong n'ya.

"I love you more." Pinatay ko na ang tawag at siya naman ay ilang beses pa ulit akong tinawagan. Bahala s'ya diyan, hindi ko s'ya sasagutin.

An Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon