Chapter 11 - Chismosa

22 8 0
                                    

Isabelle's Point of View

Hindi ako lumabas ng kuwarto ko hindi dahil sa hindi ako gutom kundi gusto kong palamigin muna ang ulo ni Hero. I seriously don't know what's his issue, kapag naging vocal na si Hero tsaka ko lang malalaman.

Cytrd Mullen

Bakit hindi ka pumasok?

Nagulat ako sa text ni Cyt, akala ko ay walang pasok! I immediately texted her back.

Isabelle Dieza

May pasok ba!?

Cytrd Mullen

Wala :)

Isabelle Dieza

F'ck you!

Hindi na siya nagreply doon, nagulat na lang ako na may kumatok sa aking, "Hey, babe."- ginamit ni Cytrd ang pinaka nakakadiring boses niya, akala niya matutuwa ako ah. Napaka bilis din naman talagang mangbadtrip itong si Cytrd e.

Tinalikuran ko siya at mabilis na isinarado ang pintuan ng kuwarto ko, ang babaeng ito walang alam kung hindi bwisitin ako. " Hindi naman masakit yon, Bella."- mahahalata mo ang inis sa boses ni Cyt.

Impakta to, wala pa naman akong balak na magpakita kay Hero, mas lalong walang balak na makipagkita si Hero sa akin!

"Ano bang ginagawa mo dito?"- tanong ko noong unti unti kong binuksan ang pintuan, hinigit naman niya ako paalis doon kaya naiwanan kong bukas ang pintuan.

"Ano ba? Bukas ang aircon doon Cyt! Baka lumakas ang kuryente!"

"Mayaman ka naman e, anyways. Grabeee! Kung tumambay ka pa sa school ay makikita mo ang aksyon na nangyari. Hahaha!"- tumili siya at humalakhak, wala pa siyang nakukuwento ay natatakot na agad ako sa kaniyang maaaring ipinunta dito.

Binasa niya muna ang kaniyang mga labi bago nagoatuloy sa pagsasalita.

"Nagbugbugan lang naman si Hero, Chase at Luhence."

At tuwang tuwa pa siya sa nangyaring iyon! Malalaki ang mata ang tiningin ko sa kanita, tinaas naman niya ang dalawang kamay niya, katulad ng mga nahuhuli ng pulis. Unti unting namula ang pisngi at umiyak.

"Kawawa si Papi Luhence, bruha ka! Kasalanan mo ito."

Napaawang ang aking bibig, ano't naging kasalanan ko? Unti unting bumalik ang paguusap namin ni Hero kanina. Ano ba talaga ang ginawa ng pamilya ni Luhence at galit na galit si Hero sa kanila. Hindi ko maintindihan, kung si Tita Cruzette ay ayos lang makipagkaibigan, bakit hindi para kay Hero.

"Hay nako! Kung hindi ko lang alam na magpinsan kayo ni Hero ay baka pagdudahan ko pa siya na gusto ka. Pero hindi e, ang naunang nagsuntukan ay si Chase at Luhence. Nauna si Chase tapos ginantihan lang siya ni Luhence hanggang sa dumating na si Hero. Bugbog na bugbog si Luhence dahil dalawa silang bumubugbog sa kaniya tapos ang mga gagong mga hindi mahal ng mga magulang nila ay nagpupustahan pa. Syempre kasali ako doon sa nagpupustahan, tapos dumating ang tauhan nila Luhence at grabe may palabas ng baril ah. So ayun, binaril nila si Chase at Hero. "

Ano? Saan binaril? What the fuck Cytrd!? At nagawa mo pang tumawa sa sitwasyon na iyon?

"Syempre joke lang, gago. Alam mo naman ako? Pag gwapo ang namatay iiyak ako. Inilayo lang naman ng mga bodyguards si Chase at Hero tsaka inilayas na sa school si Luhence para magamot, and guess what? Nasa Dieza's Hospital si Luhence kasama ang pinsan at lover mo!"

Nakakainis naman itong si Cytrd, magkukuwento na nga lang, gago pa! Nakakainis. Binitawan ko siya at isinarado ang pintuan ng aking kuwarto, bumaba ako at sinundan naman niya ako papuntang kitchen, inasikaso kami ni Zaikee.

"Thank you."- sinabi yan ni Cyt noong matapos siyang asikasuhin ni Zaikee, Zaikee just gave her a sweet smile and left us. "Sino yon?"

Uminom ako ng tubig at sinagot siya, tinanong niya kung sino si Zaikee dahil sobrang ganda ni Zaikee para lanng maging katulong. Indeed, ngumuso ako dahil sa naalala. Kaya nga nagustuhan siya ni Hero e, hindi lang nagpahalata.

"Puwede mo namang puntahan sila sa Hos--"

"Pupunta, TAYO."- ngising sabi ko sa kaniya at sinenyasan ang isang kasambahay na ayusin na ang pinagkainan namin. Hinintay muna nila kaming makaalis bago sila nag ayos.

"What? No!!"

Mas malalim na pagp-protesta pa sana ang gagawin niya ngunit hindi na niya nagawa dahil agad akong pumasok sa aking kuwarto. Nagsisisigaw siya sa labas, ha? Akala ko ay mas gusto niyang pumuntang Hospital dahil nandoon nagt-trabaho si Kuya. I'm being supportive bestfriend here!

Halos kalmutin niya ako noong makalabas ako, grabe ha! Bakit ba ayaw nitong pumunta doon tutal apat ang fafas niya doon. "Samahan mo na ako, malantod ka naman."

Nanlaki ang mata niya at tinaasan ako ng kilay. "Mas malantod si Duch. Duh!"

Okay, sabi mo e.

Sa huli ay napapayag ko din siya, pumasok siya sa SUV namin at puro dada ang ibinuga don. So oo, ayaw niya talagang pumuntang Hospital kaya sobrang excited siya.

Naalala ko, nandoon din ang letseng malandeng si Chase. Whatever! Si Luhence ang pupuntahan ko doon. Hindi ang pinsan ko, hindi si Chase at hindi talaga si Chase! Anong pakielam ko doon?

Hinawakan ko ang nanginginig na si Cyt, ano ba ang problema nito sa pagpunta ng hospital? Grabe, ginagawa niyang big deal iyon.

"I'll do my research, sa mga detectives ni Daddy! Omg, super curious ako kung bakit galit na galit ang pinsan mo kay Luhence, gwapo pa naman non."

"Chismosa."

Umirap sa akin at tumingin sa daan, may ilang beses na tumitingin siya sa akin parang may sasabihin pero hanggang sa makarating kami sa Hospital ay walang binuka ang bibig niya kundi ang salitang gwapo, kawawa, omg.

It is obviuos that she's nervous, hmm?

Nauna akong pumasok habang siya ay inartehan ang lakad, pambihira. Siguro mamamatay na lahat lahat pero siya ang arte pa rin ng lakad at nakatingala. Napaka bagal kumilos.

Hinigit ko siya dahilan ng muntikan niya pagtataob, "What the? What the fuck! Omg."

Nagtanong ako sa nurse na pinagkakatiwalaan ng kuya ng husto, tinaas ni Cyt ang kilay niya dito kahit wala namang ginagawa. Iniisip ko na lang na sobrang lakas ng regla niya ngayon.

Hinatid niya kami sa kuwartong nilaan para sa tatlong itlog, yan ang term ni Cyt kaya ginaya ko na din.

Agaran kong binuksan ang pintuan, nakikita ko ang paglipad ng kamao ni kuya, wth? What the fuck!?

An Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon