Chapter 32

26 4 0
                                    

"Happy Birthday!" Bati nilang lahat noong bumukas ang pinto. Hindi ako ngumiti, hindi ako nagpasalamat dahil hindi ako natutuwa. Hindi ako masaya! Bakit sila ay nakakangiti pa!?

Walang reaksyong lumapit sa mga kaibigan. Hawak nila ang cake at mukhang papahipan pa 'yon sa akin.

"Kayo na lang ang kumain ng lahat ng 'yan." Sagot ko. Kahit na mukhang nagalit ang mga kaibigan ay nakangiti pa rin sila.

"Bakit pa kayo nagpaparty? Para saan?"

"Hello? Dahil birthday mo today?" Sagot sa akin ni Cytrd. Tinulak ko s'ya palayo sa akin, mabuti na lang at hindi s'ya nahulog.

Nilibot ko ang paningin ngunit hindi ko nakita si Chase, nakakaasar.

"Ano bang problema mo?" Tanong ni Zariah. Mukhang nauubos na ang pasensya, ayos lang dahil wala naman akong pakielam.

"Hindi n'yo kailangan malaman."

"Kain ka muna, Bella? Ano gusto mong kainin at ikukuha kita." Nakangiting tanong sa akin ni Duch. Bakit ba sila nakangiti!?

"Si Chase ang ipinunta ko dito, pwede bang 'wag n'yo akong ngitian?! Ang p-plastic n'yo! Alam kong napanood n'yo ang video na pinakalat ng tita ko! Chismis ba ang ipinunta n'yo dito?" Sigaw ko sa kanila. Hinawakan ni Duch ang kamay ko para siguro pakalmahin ako ngunit walang talab, wala na akong mapagkatiwalaan.

"Ano gusto mong kainin? Nagugutom ka s-siguro.." Umiiyak na si Duch habang nilalayo s'ya sa akin ni Zariah, dapat lang na ilayo n'ya dahil baka masampal ko pa si Duch.

Hindi ko alam kung bakit ako galit na galit sa kanila.

"Aalis muna kami, kayo na bahala dito Zariah."

Naramdaman ko na lang ang sariling nasa labas ng condo, nasa harap ko si Chase, nakatalikod.

"Sa bahay tayo mag-usap." Pagbabasag sa katahimikan. Bakit hindi na lang dito?

"Dito na natin tapusin."

"Alin ang tatapusin?" Galit na tanong n'ya, at humarap sa akin. Puro pasa ang mukha at dumudugo pa ang ibang sugat.

Hindi agad ako nakasagot.

Gusto ko na tapusin ang namamagitan sa amin at hindi na magkaroon ng koneksyon sa kahit sino man sa kanila.

"S-sige, mag-usap tayo sa bahay n'yo." Nauna na akong maglakad papunta sa parking lot. Binuksan ko ang pinto ng kotse n'ya at hindi na s'ya hinintay.

Walang nagsasalita sa amin, tanging aircon lang ang gumagawa ng ingay sa loob ng kotse.

Una si Chase pumasok sa loob, halata na ang mga tao dito ay kagagaling lang sa pag-iyak.

"Chase, ikaw na muna ang magbantay dito. Tataas muna ako," Salubong ng tita ni Chase habang may hawak na isang malaking tray na puno ng tinapay.

Napalingon siya sa akin. Hindi maipinta ang mukha pero sa huli ngumiti pa rin at parang sinasabing sumunod ako sa kaniya pataas.

Ganon nga ang ginawa ko. Si Chase ang nagbantay kay Chesca habang ako ay nakaharap sa Tita niya.

"Totoo ba 'yong nasa video?" Panimula n'ya. Napangisi na lang ako ng palihim dahil sa narinig.

"Kapag po ba sinabi kong hindi, maniniwala ba kayo?" Pabarang sagot ko, kaya naman sumama ang tingin n'ya sa akin.

Okay lang, tapos naman na kami mamaya ng pamangkin n'ya. Hindi ko na kailangan pagandahin ang imahe ko sa kanila.

"He suffered a lot, kaya kung may konting awa ka pa ay gawin mo na kung ano ang tama."

"Ano po ba ang tama? Hiwalayan s'ya? Nasa isip ko na po 'yan."

"Isabelle Dieza, kaya kong suportahan ang pamangkin ko. Sa kahit saan at kahit kanino. Basta hindi ikaw, hindi sayo." Huling sambit niya bago naglakad palayo sa akin at pumasok sa isang kwarto.

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi n'ya, kahit sobrang sakit.

Alam ko kung saan ang kwarto ni Chase dito kaya naman doon ako nag tungo.

Nanghihina akong napaupo sa likod ng pintuan, walang wala na akong masabi.

May pumihit sa doorknob kaya naman napa ayos ako ng tayo, pinunasan ko ang mga luhang alam kong hindi na mauubos.

"Nandito ka lang pala." Nakangiti niyang sambit habang tinutulungan punasan ang mukha ko.

"Bakit ka nandoon?" Agad na tanong ko.

"I-I'm a Ruiz-"

"What?" Napalayo ako noong magulat sa sagot n'ya. Paano?

"Unang asawa ni Lola si Lucas Ruiz. Nagkaanak silang babae at 'yon ang mama ko. M-mayaman lang si Lola kaya nagawa n'yang makipag hiwalay kay Lucas. Si Lola ang nagpalaki sa mama ko, habang ang mga kapatid ni mama ay nasa puder ni Lucas."

Natatawa ako napaupo na lang sa sofa. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Putangina? Biro ba 'tong buhay ko?

"Paano mo ako naligawan? Oh my.. May hiya ka pa ba?"

"I did my best just to avoid you, kasi sino nga ba ako para maglakas ng loob na ligawan ka? Isa lang naman akong Ruiz na sumira sa pamilya mo. But my own thought, heart, betrayed me. Loving you is inevitable. Kaya huwag kang magagalit kung hindi kita mabitawan kasi mahal na mahal kita."

"That's not what I want to know! Hindi ko gusto ang pagmamahal mo! Wala akong pakielam kung mahal na mahal mo ako! Ang gusto kong malaman ay bakit mo pa ako niligawan kung alam mong pwedeng dumating sa puntong ganito? Pwede ka pa magmahal ng iba! Bakit hindi mo na lang ako hinayaan?"

"Mahal kita, Isabelle. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya noong hinayaan mo akong lapit lapitan ka. I worked damn hard for you! 'Wag mo akong iwan." Lumuhod s'ya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Paulit ulit na hinahalikan 'yon.

"Paano 'pag pinagpatuloy natin? Baka hindi na tayo sumaya? Hindi na ako masaya.."

"Paano naman ako? Masaya ako sa 'yo. Mahal na mahal kita. Kulang pa ba?"

Tumulo ang luha ko sa tanong n'ya. Hindi.. Sobra pa sa kailangan ko ang ibinibigay n'ya, kaya lang sa tuwing iniisip ko ang sinapit nila mama ay nasasaktan ako.

"Chase, mahal mo ako? Kung mahal mo ako, hindi mo ako pipiliting gawin ang ayoko. Pamilya mo ang pumatay sa pamilya ko. Pamilya mo ang nagtanggal ng kaligayahan sa buhay ko. Sinira ng pamilya mo buhay ko, kaya wala kang karapatang magmakaawa sa akin na huwag ka hiwalayan gayung pakiramdam ko, isa ka rin sa magpapatuloy sa pagsira ng buhay ko."

"Tell me what to do. I'll help-"

"Help? Hindi mo nga ako natulungan noong kung ano-ano ang sinasabi sa akin ng Tita ko. Noong magdamag ako sa kwarto ng pinsan mo! Naisip mo ba na baka ginalaw ako noon? Pero anong ginawa mo? Wala!"

"Kung hindi kita hahayaan na sumama kay Luhence noong araw na 'yon. Hindi nila hahayaan na mailibing si Chesca sa maayos na lugar, kukunin nila ang katawan ng kapatid ko, at binanggit pa nila sa akin ang kapatid mo. Ginawa ko ang lahat para makalapit sa 'yo noong araw na 'yon kahit na may usapan kami pero 'to lang ang nakuha ko."

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi n'ya ngayon. Ganoon sila karuming maglaro!

"The only way to make me not to leave you is to bring back my parent's life and you can't do that.." Tinanggal ko ang kamay n'ya na nakahawak sa kamay ko.

"This is the last thing you can do for me.." Naglakad ako papunta sa pinto. "Leave me and never bother me again."

"'Kapag naghiwalay tayo, magiging masaya ka ba? H-hindi ka ba iiyak? Malu-" Tanong n'ya noong katapat ko na ang pinto. Lumingon ako para makita ang mukha n'ya ngunit malapit na pala s'ya sa akin.

"That will make me happy." Putol ko sa kaniya.

Lumapit pa s'ya sa akin. Hinawakan ako sa batok at napapikit na lamang noong halikan n'ya ang noo ko.

"Then, I have no choice but to give up. I respect your decision and.." he bit his lower lip. "Be happy for you, huh?" Pilit na tumawa.

Ginulo n'ya pa ang buhok ko katulad noong ginagawa n'ya sa tuwing inaasar n'ya ako noon,

bago tumalikod.

An Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon