Chapter 15

27 6 0
                                    

Ibinaba ko ang hawak ko at tinignan s'ya. Kinuha n'ya ang kasing laki ng canva na hinawakan ko kanina, nakabalot 'yon at mukhang iniingatan n'ya.

"Oh my.. You're so good" Sambit ko, sobrang humahanga.

Lahat ng hawak ko kanina ay puro paintings ng mukha ko. Hindi ko alam na ganito pala kasaya sa feeling na may gumuguhit sa 'yo lahit na hindi mo hinihiling.

Nagulat lang ako dahil ang tagal na ng paintings. Totoo ba ang sinabi n'yang gusto n'ya ako?

Hindi ako makapaniwala na ang tagal na n'ya akong gusto. Dati naman kasi ay hindi kami nagpapansinan.

"Naniniwala ka na ba?"

"Oo." Tipid na sagot ko. Hindi na ako makapag-salita dahil sa nahihiya ako.

Nakatalikod ako sa painting ngunit nakaharap ng kaunti ang mukha. Nilagyan n'ya ng pakpak ang likod ko at ang ganda sa mata ng pinaghalo-halong kulay sa painting.

Tsaka ko lang naalala na kailangan ko na palang umuwi. Sa kwarto ng lalaki ako natulog! Ano kaya ang gagawin sa akin ni Hero?

"Ihahatid na kita." Tumango ako. Hindi na ako tatanggi, 'no?! Libre at hindi pa sayang sa oras.

"Pwede bang dumaan ako dito next time?" Makapal na mukhang tanong ko.

"You're free to visit me, anytime." Kindat n'ya. Siguro kung ibang abbae lang ako ay kinilig na agad ako sa kindat n'ya.

Kaso hindi, eh. Gustong gusto ko s'yang saktan sa tuwing nilalandi n'ya ako.

Bumaba na agad ako noong nasa tapat na kami ng mansyon namin. Tumakbo ako sa main door habang s'ya ay pinapark pa rin ang kotse n'ya.

Hinintay ko s'yang matapos sa pagpapark dahil gusto kong s'ya ang magbukas ng pinto.

Malay ko ba kung nasa tapat lang pala ng pinto si Hero tapos may hawak na baril?

Mabuti na ang sigurado.

"Sweet mo talaga, baby. Hinintay talaga ako." Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita. Hahaba lang pag-uusap namin kapag sumagot pa ako.

Binuksan n'ya ang pinto at tama nga ang hula kong nakatambay si Hero sa tapat ng pinto at may hawak pang sinturon.

Ano ako, bata?!

"Where's that Ciara Isabelle?" Nakakatakot na tanong ni Hero. Aalis na sana ako para pumuntang likod ngunut agad akong nahila ni Chase sa tabi n'ya.

Tanginang bayot 'to! Takot din pala sa aking pinsan!

"Oy! Musta?" Tanong ko at mabilis na naglakad papasok ng mansyon, lalagpasan sana s'ya ngunit nakarinig na lamang ako ng suntok.

Sinuntok ni Hero si Chase sa pisngi!

Agad akong napalapit kay Chase dahil mukhang sobrang sakit ng pagkakasuntok ni Hero.

"Ano ba, Hero?! Parang bobo!" Sigaw ko sa kaniya. Ngumisi lang s'ya at umirap. Iniwan n'ya kaming dalawa sa harap ng pintuan.

Gago talaga kahit kailan.

"D'yan ka muna. Kukuha lang akong panggamot." Sabi ko. Dapat si Hero mag gamot dito, eh

Hinigit n'ya ang kamay ko pabalik sa kaniya kaya naman hindi ako nakaalis sa kinatatayuan ko.

"Hoy! Hoy! Hoy! Mga malalandot! Ano ginagawa n'yo, ha?! Sumbong ko kayo kay Hero?" Sigaw ni Cytrd sa likuran namin.

"Kapal ng mukha mong umuwi pa dito! Isinisi ba sa akin ng 'yong fucking pinsan pagkawala mo?! Lumalandi ka lang naman pala?!"

"Eh, baka bahay namin 'to?" Asar kong singit sa kaniya. "Tsaka hindi ako lumandi, 'no! Natulog ako! Natulog lang ako! Tangina ka! Gamutin mo 'yang ka-uri mo!"

Iniwan ko na silang dalawa doon at pumasok na ng tuluyan sa mansyon. Hindi na ako nagtaka na nandito sila Zariah.

"Hello. Kumusta?" Tanong ni Duchess.

"Kumusta ang potangina. Balita ko daw ay may nakasayawan kang gwapo. Ano? Pwede na bang ipalit kay Zion?" tumawa s'ya na parang baliw.

"Hindi ko maalala."

"Pota. Walang kwenta pala ang pagpunta ko dito."

"Pwede ka nang umalis."

Sumimangot s'ya at hindi na ako pinansin.

"Saan kayo galing, kagabi?" Ako naman ngayon ang nagtanong.

"Ah? May date sana kami ni Claud kahapon sa Park, kaso ay sumama sa amin si Davinth at Chase. Nagdala din sila ng date nila, tinawagan kita kasi yayayain sana kita, pero biglang nabadtrip si Chase, kaya naisipan ko na lang na wag na,"

Ew. Kaya naman pala ang lakas n'ya akong sabihan ng ganoon? Duh! Hindi. ako nasasaktan! Hindi lang matanggap ng pride ko na sinabihan ako ng ganoon ng hindi ko type!

Tinawag na kami ni Zaikee para kumain. Hindi na sana ako kakain ngunit naaalala ko ang itsura ni Zaikee noong makita ko s'yang nagluluto. Pinagpapawisan at mukhang pagod. Sayang ang efflrt, kaya kakain ako! Mahal ko si Zaikee!

"Kakain ka ulit?" Tanong ni Chase habang ibinibilog ni Cytrd ang itlog sa mukha ni Chase na nasuntok.

Hinampas ni Cytrd ang itlog sa pasa ni Chase kaya naman nabasag ang itlog.

Putangina! HAHAHAHA!

"Ano kinain n'yo, ha?" Tanong n'ya dinuro-duro la kaming dalawa ni Chase.

Matic na kababuyan ang iniisip ng mga 'to.

"Manahimik ka na nga." Singit ni Davinth sa kaniya.

Away na naman 'to. Hindi ko sila pinansin at umupo na ako sa upuan ko talaga. Madaming nakahain at mukhang masasarap, kaso busog ako.

"Tol, ikaw ang mahimik. Pabibo! Alam kong gusto mo ding malaman ang kinain nila kanina. Pabibo! Pabibo!"

"Ikaw lang nag-iisip n'yan! Manyak! Manyak! Kadiri ka oy, kaya 'di ka magustohan noong Ethan ba 'yon? Manyak!" Nag-away na naman sila.

Nawala ang atensyon ko sa kanilang dalawa noong mahagip ko ng tingin si Chase. Nakatitig sa akin at pinagmamasdan ang ginagawa ko.

Bigla tuloy akong nailang. Gusto ko kuhanin ang salamin at tignan kung maganda ba ako.

Aba, syempre! Maganda ako 'no.

"Gwapo ko ba?" Biglang tanong n'ya. Napangiwi naman ako sa kayabangan n'ya.

"Pwe!" Uminom ako ng tubig. "Medyo." Dagdag ko. Gwapo naman talaga s'ya, e

Konti lang.

Iniwan ko silang lahat at pumasok na sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at simula noon ay hindi ko na maalis ang isip ko sa paintings n'ya.

An Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon