Chapter 4 - Zaikee

54 7 0
                                    

Gusto kong sunugin ang papel ng katabi ko. Nag-aral ako kagabi, samantalang ang abbaeng nagopya lang ay mas mataas pa sa akin.

"Bella. Ang gwapo naman ng boyfriend mo!" Sigaw n'ya kaya naman lahat ng tao na nakarinig ay napalingon sa amin. Agad kong tinanggal ang kamay n'ya sa pwetan ko. Sinampal n'ya pa kasi 'yon bago umalis.

Hindi ko agad nabaling ang atensyon kay Chase dahil sa sinabi ni Cut na enjoy. Kingina? Enjoy? Saan!? Saan ako mag-eenjoy?!

"Bakit ka nandito, ha?" Maangas na tanong ko sa kaniya. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Ano kaya ginagawa n'ya dito?

"Sabay na tayo." Nakangiting alok n'ya.

"Ayoko nga. Hindi kita pasasabayin sa sasakyan ko."

"Tara na."

Hindi n'ya ba pinansin ang sinabi ko? Aba, gago to, ah? "May paa ako, kaya kong umuwi ng walang kasama!"

"Hindi kita pasasabayin sa sasakyan ko,"-nagkibit balikat siya at naunang maglakad papunta sa SUV ko. Ang kapal ng mukha niya ah!

Akala ko ay sasakay siya ngunit hindi siya sumunod. Kahit na nauuna akong maglakad sa kaniya ay hinintay niya muna akong makapasok bago isarado ang pintuan ng SUV at tsaka tinignan ng masama si Manong Lo.

"Sino bang may sabing sasabay ako sa sasakyan mo?" Tanong n'ya. Lumapit s'ya sa bintana kung saan ako nakapwesto. Nakabukas ang bintana kaya naman naipasok n'ya ang ulo n'ya at tinitigan pa ako.

"H-hindi ba?" Nauutal kong tanong. Kinakabahan dahil ang lapit n'ya.

"Hindi. Manong, ingat po kayo sa pagmamaneho. Dapat kapag umuwi 'yan, ganiyan pa rin kaganda."

Agad akong napalayo at kahit nasa loob pa ang ulo n'ya ay pinilit kong isaradoa ng bintana kaya naman napilitan din s'yang ialis ang ulo sa sasakyan.

Hagip ang mata ko ang pagthumbs up ni Manong kay Chase, kaya naman napatingin na ako sa kaniya.

Naglakad siya palayo sa sasakyan upang mapatakbo na 'to. Tumigil siya para makita ang pag-alis ng sasakyan. Saan naman siya pupunta?

Pakiramdam ko ay umiinit ang pisngi ko dahil sa aking tanong sa sarili, wala na sa akin 'yon.

Umayos ako ng upo at iniirap ang sarili ko sa kawalan. Panay naman ang tingin sa akin ni Manong na para bang sinusuri kung anong problema ko.

"Manong! Wala akong problema,"

Umangal ako sa kaniya kahit na wala siyang sinasabi, nakaramdam ako ng hiya sa aking sarili. "Nobyo mo ba iyon, Ija?"

"Hindi ko po 'yon nobyo,"

"Si Sir Chase 'yon, hindi ba? Yung kaibigan ni Hero?"

"Opo.. Pero hindi ko po 'yon boyfriend! 'no!"

Tumango tango siya at nagpatuloy na nagmaneho ng may ngiti sa labi, hindi ko mapigilan ang mapairap sa matandang nagmamaneho ngayon.

"Nakakainis ka, Manong!" Ngumuso ako at tumingin sa ibang direksyon.

"Nakauwi na ba si Kuya?"

"Hindi pa. Masyadong busy sa pag-aaral, alam mo naman na pangarap talaga noon ang maging doctor. Suportahan mo na lang, pero sana ay oagsabihan mo na alagaan naman ang sarili at bigyan ng oras ang lovelife n'ya."

"Gusto niyo lang ng bagong ihahatid sa school, e " Pang-aasar ko.

"Matanda na ang kuya mo, pati na rin ako.. Hangga't kaya ko ay paglilingkuran ko kayo, ang sa akin lang ay gusto ko kapag iiwan ko na kayo ay makita ko manlang ang mga anak n'yo."

Napanguso ako, agad na nalungkot. Parang hindi ko pa yata kaya na makitang mawala si Manong, simula bata ay sila na ang nag-aalaga sa akin.

"Ako na magbibigay ng bata!" Pambawi ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako,
"Wala ka ngang nobyo, makakapagbigay ka pa kaya?"

Nawala ang mapang-asar kong ngiti at napalitan ito ng busangot, "Ang galing mo ding mang-asar, Manong Lo."

Tumawa lang siya, natapos doon ang usapan namin. Hindi na muli kami nag-usap hanggang sa makadating sa mansiyon ng Dieza.

Kinuha ng mga kasambahay ang aking gamit at binigyan ng tsinelas pang-loob. Naglakad ako papuntang cabinet na may picture ng aking mommy at daddy.

"I'm home,"

Wala pa siguro si Hero dahil wala akong naririnig na ingay ng TV, napasinghap ako at ibinalik ang pagkakakuha ko sa litrato ng aking parents.

Naglakad na ako papuntang kitchen at kumuha ng maaring makain, hindi pa nabalik si kuya dito simula last week, ngunit hindi naman niya nakalimutan na tawagan kaming dalawa ni Hero.

Tanging kami ni Hero at ang mga kasambahay, pati ang mga bodyguards lang ang nandito sa sobrang laking mansiyon na ito, minsan naman ay iniimbita niya ang kaibigan niya at iniimbita ko ang akin.

Masiyado na akong nab-bored sa bahay, paano ba naman ay ang boring din 'tong pinsan ko. Magsasalita lang kung gusto niya o importante, wala din kinakalabasan. Ako lang din ang nag-iingay at nag-iingay.

Pagkatapos kong kumain ay nagsilapitan na agad ang isang kasambahay na naka-assign dito sa kitchen, hinugasan niya iyon kahit hindi pa ako nakakaalis. "What a boring human being,"

Napatingin siya saakin, hindi ko siya mamukhaan, siguro ay bago lang ito dito

"Good Evening po, Ma'am. I'm Zaikee Angeles. You can call me, Zai."

Bahagyang tumaas ang kilay ko sa kaniyang pagpapakilala, mukhang nakakabasa ito ng isip. Dahan dahan niyang hinubad ang gloves niya noong matapos siyang maghugas at nag vow siya sa akin bilang pagrespeto.

Nanlaki ang mata ko noong maalala ko kung saan ko narinig ang pangalan na iyon, narinig ko ito kanina kila Davinth at Chase na nagpupustahan.

"OMG! Hi! You don't have to call me Miss or Ma'am, I am fine with Bella. I heard that you and my cousin are classmates?"

"Yes, Ma'am."

Agad kong kinuha ang kaniyang kamay na nakatago sa likod niya, nagulat pa siya pero napawi din ito. Isang matamis na ngiti ang ibinigay namin sa isa't isa.

Pumunta kaming dalawa sa salas upang makapagkwentuhan, "So, si Hero ang kumuha sayo bilang kasambahay dito? Whoa. Iba na yan!"

"Hmm, hindi po. Hindi ko nga po alam na dito nakatira si Heze noong nag simula akong mag-trabaho dito e,"

"Kailan ka ba nagsimula? Para namang hindi kita napapansin."

"Ah, last week pa po. Talagang hindi po tayo magkikita kasi tuwing gabi lang ako naglilinis, pinalipat lang ako ni Heze dito sa Kitchen kasi..."

Hindi na niya natuloy ang kaniyang sinasabi dahil sumulpot bigla sa likod namin si Hero, "Fuck woman, I told you not to call me Heze!" Malutong na mura ni Hero.

Papalit palit ang tingin ko sakanila, hindi ko ginulo ang pagtititigan nila. Inirapan siya ni Zaikee at nakataas naman ang kilay ni Hero.

"Ewan ko sa iyo!"- Zaikee.

"I'm hungry!"-Heroin

"Pake ko?"

"Cook for me!"

"Aba sir! Hindi porket sa kitchen na ako naka-assign ay iipagluluto kita! Napaaga lang ako inabuso mo na ako, mamaya pang 8 duty ko, 'no!"

It is not my intention to interrupt them, pero dahil sa ingay na nagawa ko ay natigil sila sa pag-aaway nila. Yumuko si Zaikee samantalang ang sama ng tingin sa akin ni Hero.

Kumaway ako sakanila bago tumakbo papuntang kwarto ko.

"Nice to meet you, Ikee! You're gorgeous. I think my cousin likes you." Biro ko, noong makataas ako.

Rinig ko ang malakas na mura ng pinsan bago ako pumasok sa kwarto.

An Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon