Chapter 20 - Kambal

24 6 0
                                    

Chapter 20 - Isabelle's Pov

Pabalik balik ang aking kaibigan na si Cytrd Jazhia Mullen sa pag-ikot sa kama. Nandito na naman siya para mai-share ang kainisan niya, nagdala na siya ng uniform dahil may balak pa siya dito matulog.

"Konting konti na lang, titirisin ko na yung lalaking yun." Kumpara kay Cytrd, hindi siya mabilis mainis pero kapag nainis na yan, sobra sobra na. Eh kasi naman, kapag ako. Sobrang bilis mainis pero marunong magtimpi.

"Akala mo ba, Isabelle!? Nagbibilang ako kung ilang beses na niya akong nab-bwisit sa isang araw! At pangatlo na to!" - putak niya habang nagbibihis ng panjama, walang hiya din ang isang ito e. Parang si Chase din, nagbibihis kahit may taong nakatingin.

Binato ko siya noong maliit na unan, kababaeng tao.

Tuwang tuwa ako sa mukha niya, namumula siya sa inis. Paano ba naman, yung kaibigan ni Chase na si Davinth ay umepal daw sa landian nila noong nakilala sa bar. Kahit naman ako, kapag nakita kong nakikipaglandian kaibigan ko eepal din ako e, syempre hindi na kasali yung nauna. Lasing na ako noon kaya hindi ko na siya napuna.

Konting konti na lang paghihinalaan ko na talagang may gusto si Davinth kay Cyt, e

Humiga siya sa kama ko at nagpagulong gulong doon, at ako naman nasa sofa at pinagdadasal na sana mahulog siya.

Ako na ang masamang bestfriend! Inaamin ko iyon, pero mas masama ang mukha niya. Kidding, I love you, Cyt.

Pero syempre sa isip ko lang sinabi yan, kadiri naman kung sasabihan ko yan ng I love you. Yak, no way. Eww!

Noong tumigil siya pag-ikot ay alam ko na nakatulog na siya, ganiyan naman yan. Inayos ko ang higa niya at nahiga na din.

Kinabukasan, nakahiga si Cytrd sa kama ko ngayon, hindi niya man sabihin sa akin na naiinis siya kay Davinth, ay napapansin ko pa rin iyon. Pinaghahahampas niya ang aking kama at pinagpapapadyak ang kaniyang mapuputing paa.

"Ano ba talaga ang problema mo?"- tanong ko sa kaniya dahil kahapon pa yan, wala naman akong makitang mali sa ginawa ni Davinth.

Sa totoo lang, mal-late na kami! Kasi kanina ko pa siya sinasabihang maligo, tapos ako ang sunod na maliligo kaso ayaw niya kaya hindi pa ako nakakaligo. Kakain na muna ako!

"Yung lalaking yun, hindi ko siya magets!"

Ngumisi ako sa kalokohang naisip, at pinagsisisihan ko na ngumiti ako ng ganoon kalaki. Shit! Baka naiisip ni Cyt na kasabwat ako sa pag-epal ni Davinth. Kumuha siya ng glue sa mini cabinet at tumakbo palapit sa akin.

"Sira ulo, ang sama talaga ng ugali mo!!" - sigaw ko sa kaniya.

Tumawa naman siya ng wagas at hinabol ako, bwisit! Alam na meron ako e. Siguro ay lalagyan na naman niya ng glue mukha ko. Gulat akong tumigil sa pagtakbo, bakit ang aga aga ay nandito iyan?!

"Oh shit, dear. Hahaha! Agang aga lumandi, hindi naman nakabra."- inasar pa ako ni Cyt bago bumalik sa kuwarto ko upang gawin ang morning routine niya, nandito naman na lahat ang gamit niya dahil madalas ay dito siya natutulog.

"Oh, C-chase?," namumula siguro ang mukha ko, tama si Cyt. Wala akong bra at kaharap ko ngayon si Chase, napangiwi ako sa kaniyang mukha.

"It feels good when you're moaning my name, huh?"

Letche! Agad agaran ko siyang hinampas.

"A-anong m-moan!? Panira ka ng umaga! Gago, lumayas ka nga dito!" - nanliliit ang mata na sigaw ko sa kaniya.

"Hahaha, baby naman. Sinusundo lang kita."

Bakit kung kailan kailangan ko ang aking pinsan, siya naman tong wala dito!? Goodness, I need Hero to kick Chase out of here!

Napaka manyak naman talaga neto e, naglakad ako papuntang kitchen at naghanap ng makakain. Wala na talaga si Hero dito, wala na din si Zaikee e. Sayang! Sarap pa naman magluto ni Zaikee.

Nakasunod naman sa akin si Chase, heh! Pag hindi yan tumigil sa kakasunod sa akin, matatapos na kinabukasan niya!

Kumuha ako ng platito at doon nilagay ang cake na bake siguro ni Hero, hilig din noong magbake e. Ewan ko nga kung bakit hindi tungkol sa pagb-bake kinuha niya.

"Magandang umaga, Papi Chase." - tumili si Cytrd at ang dami niya na ulit nasabi. Kakaiba talaga tong si Cytrd, hinahangaan ko na sa walang tigil ng bunganga.

"Pinagt-tripan ka lang noon, Cytrd. Wag ka sanang umasa."- natatawa ako sa mukha ni Cytrd noong sa part na huwag ka sanang umasa, parang hindi makapaniwala na sinabihan siya ng huwag umasa gayung ang mga lalaki ang umaasa sa kaniya.

"Gosh! I hate you Papi Chase. You're just like err! What's his name again? Oh, don't answer me! Masiyadong nakakasira ng araw." - inayos niya ang eyelashes niya gamit ang daliri at parang nangdidiri.

"You can hate me forever, pero tsaka lang ako magkakapake kung si Isabelle ang nagsabi niyan." - pakiramdam ko ay pulang pula na ang mukha ko katulad ng kamatis, baka nakakalimutan kong galit ako sa kaniya.

Napahawak sa noo si Cytrd at hinilot hilot iyon, grabe. Straight to the point, medyo masakit sa tenga.

"You're gross! Grabe, ang sakit sa eyes. I'm gonna die, I'm gonna die."- huling sinabi ni Cytrd na narinig ko, pumunta na kasi ako kwarto at iniwan silang dalawa don.

Bwisit na Cytrd at Chase, nagsama pa! Alam ba nilang masakit sila parehas sa ulo? Para silang magkambal!

Mabilis lang akong naligo, parang ayoko ng magka-anak kung si Chase lang din ang ama. Duh! May possibility pa namang maging kambal dahil may kambal sa lahi nila Chase. Kung nagkataon, doble doble sakit ng ulo ko.

Peste, Isabelle. Masiyado ka pang bata para sa kambal kambal na iyan. Sira!

An Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon