Chapter 9 - Luhence

31 7 0
                                    

"Ha? Nagseselos ka?" 'yon ang tanging sagot ko, nahihiya ako. Hindi ko alam kung namumula na ba ang mukha ko o normal lang, pero bakit ganito epekto ng selos niya?

"Oo.." Binasa n'ya muna ang labi at sinuklay ang buhok palikod bago tumingin sa akin. "Nagseselos ako dahil ang bilis mong bumigay sa kaniya, samantalang sa akin ay halos saktan mo na ako araw-araw."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nadisappoint sa paliwanag n'ya. Ano nga bang aasahan ko sa kaniya? "Aalis na ako."

Tumakbo ako paalis kung saan kami kanina. Nawala ako bigla sa mood, gusto ko na lang manakit ng mga taong nakakasalubong ko.

Noong nakalayo na ako ay tumigil muna ako ng sandali at bahagyang yumuko, itinukod ang kamay sa tuhod at tsaka huminga ng malalim.

Ano bang ginagawa ko? Nakakahiya. Bakit ako disappointed ng sobra? Baki bigla akong nalungkot at nawala sa mood? Hindi ko gustong maramdaman ang ganito.

"You okay?"

Dumapo ang tingin ko sa lalaking nag-aabot sa akin ng tubig. Tinanggap ko 'to at walang pag-aalinlangan na ininom.

Nakatitig siya sa akin habang ako ay umiinom, nang matapos ako sa pag-inom ay ibinalik ko sa kaniya ang boteng pinag-inuman ko.

"Yup, I'm okay."

Tumango tango siya at sinabayan ang paglalakad ko, "Saan ko ba pwedeng itapon itong pinaginuman mo?" Madiin ang pagkakasabi niya ng salitang mo. Iniharap ko ang palad sa kaniyang mukha.

"Wag ngayon, bad mood ako!"

"Chill." Ngumiti siya saakin at ininom ang dala niya pang tubig, "Alam ko," matapos n'yang sinabi iyon ay ibinaba ko ang palad ko na nakaharap sa mukha niya, huminga ng malalim at nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Ang dami mo namang alam, kung ganoon?" mahihimigan mo ang tono ng pagka sarkastiko. Tumawa lamang siya, parang tuwang tuwa sa mga sinasabi ko.

"You like Franchase, right?"

"What? Are you stupid? He's not my type.. I hate him! Mygosh! I don't like him!"

"Defensive."

"Duh! Nakakaasar kaya ang sinabi mo! Sino ka ba? Kilala mo daw ang Tita ko, tauhan ka ba n'ya?"

Hinilot niya ang kaniyang matangos na ilong, at binasa ang mapupulang labi. Ngayon ko lang napagtantong, mukha pa siyang babae sa akin. Makakapal ang pilikmata katulad ng kilay, tumaas ang kanang kilay ko noong mas lumapad pa ang kaniyang ngiti.

"Lol, no. I didn't expect you to be this funny. I am here for business."

"Dito sa school ang business mo? Awit ka!"

"Yeah. Nandito ako para makilala ang future wife ko."

Naubo ako noong makipagtitigan ako sa kaniya. Bakit naman ganoon ang tingin n'ya sa akin?

"Ha? Ano ba talaga? Makilala ang future wife mo o ang business?" Naguguluhang tanong ko. Sabi kasi n'ya kanina ay nandito s'ya para makilala ang future wife n'ya, gulo n'ya utak ko

"My future wife is my business."

Natahimik ako ng wala sa oras. Kinakabahan dahil sa sinabi n'ya. Feeling ko ang ang sinasabi n'yang business? Omg. Feelingera ko talaga.

"Sino ba future wife na sinasabi mo? Baka kilala ko? Hm.. Ano gusto mo sa babae?"

Bigla kong nai-dugtong ang kanina ko pang gustong itanong simula noong makilala ko s'ya. Ano 'to? Crush ko na ba s'ya? Ang swerte naman n'ya.

"I prefer woman that is currently dating their love one's" ngisi niya sabay tingin sa akin, umihip ang malakas na hangin at hindi pa rin ako nakakabawi sa kaniyang sinabi.

Edi hindi n'ya ako prefer. Bakit naman kasi single ako? So sad.

"Gago? Edi mangsisira ka ng relasyon para makuha ang gusto mo?"

"Don't worry, isa lang naman ang sisirain ko."

Kahit na, masama pa rin 'yon. Sino namang matinong tao ang manibira ng relasyon para lang makuha ang gusto n'ya?

"Hanggang kailan ka dito, Luhence?" Pag-iiba ko sa usapan.

"It depends. Kung kailan ko gustong umuwi sa France o kung gusto ko na dito magstay, dito na ako."

Wow! Ako nga ay gusto ni titang magstay lang sa Pilipinas, e. Pero hindi ako kailanman nagtanong kung bakit, ganoon din naman ang gusto niya para sa anak niya, si kuya ay labis namang pinagkakatiwalaan ni Tita kaya kahit saan man iyan magpunta, basta ang kondisyon ay walang magbabanggit ng nakaraan.

"Kung ganoon ay hindi naman pala mahigpit ang parents mo?"

"Hindi, only child e. "

Nakarating na pala kami sa building ko, gusto ko siyang tanungin kung dito ba siya nagaaral pero agad akong dinapuan ng hiya noong maalala ko na hindi pala kami close para itanong iyon sa kaniya, baka mamaya ay isipin niyang feeling close ako.

Hinintay niya akong maka akyat ang pangalawang hagdan ng building ko bago siya tuluyang naglakad papuntang daan naman niya, wala ako sa sariling naglalakad mag-isa papuntang classroom ko. Wala pang teacher doon, naabutan ko ang classroom na magulo. May nakaupo sa desk nila at doon naglalandian, may ibang tumingin sa akin bago ay ipinagpatuloy ang kanilang ginagawa.

Lagi naman silang ganiyan, hindi na kami nag-aabalang bumati sa isa't isa dahil hindi ko type ang ugali nila, katulad lang din ng rason ko ang rason nila. Tumabi ako sa babaeng naglilipstick, sinipa ako dahilan ng paghiyaw ko. "Saan ka naman galing?"

"How's your friendship over, thingy?" Mapang-asar kong tanong. Agad namang umayos ang kaniyang mga mata na kanina ay parang naghahamon ng away, "Ano? Papayag ka na lang na magfriendship over tayo? Hindi ka nasasayangan sa panahong mga pinagsamahan natin? Sino 'yong gwapong kasama mo kanina?"

"Toy! Baka ikaw ang may gusto ng friendship over na 'yan? Si Luhence, bakit? Lalandiin mo?"

Kumunot ang noo niya at agad kinilig sa pangalan na binaggit ko, "Type mo 'yon? Akin na lang!" Ngumuso ako at inihilig ang ulo sa kaniyang balikat, hindi naman siya nagpumiglas, hinawi niya ang mga buhok na sumisilip sa aking mukha at bahagyang sinuklay ang mala-wlon kong buhok.

"Joke lang! Anong problema mo?"

Stuck between sasabihin ko ba o hindi ko sasabihin? Wala naman kasi talaga akong problema, ano pa ba ang sasabihin ko?

"Masama talagang maging assuming, ano?" Ngumuso ako at mas lalong inihiga ang ulo ko sa kaniyang balikat, pakiramdam ko nga ay bigat na bigat siya, ngunit hindi siya nagrereklamo.

"Aba, Oo! Akala mo ba, grabe akala ko talaga gusto ako ni Fafa Isaac! Yun pala, tinutulungan niya lang ako dahil bestfriend mo ako! Nagconfess kaya ako sa kaniya, tapos ang sagot niya. Sorry, You're too young for me, and I only see you as my little sister"

"Grabe pahiya ako doon, mahal ko ang kuya mo, pero masiyado akong nasaktan. Hindi kinakaya ng organs ko, kaya hindi nagf-function ng ayos ang organ system ko."

Napapikit ako noong lumayo ang usapan sa pagiging assuming, kahit kailan talaga, kaya hindi natitigil kadadakdak ang babaeng 'to dahil kahit isang salita ay nabibigyan niya ng topic, kanino kaya ito nagmana?

"Manahimik ka na!"

An Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon