Chapter 7 - Sleeping Pills

32 8 0
                                    

"Good morning," Sabay kuha ni Cytrd sa aking bag, inilagay niya ito sa aking upuan na katabi niya lang at bumalik sa may pintuan ng classroom upang tabihan ako.

"Morning,"

"Aww! Bad mood?" Kunot noong tanong niya habang naka nguso pa, nagkibit balikat ako para mapagtripan siya.

"Ano ka? Si Zariah ka na din ba? Hindi ka na din ba matino? Omyghas! Ano ha? Umalog ba ng bongga ang brains mo?"

Ang mga mata niyang singkit ay mas lalong sumingikit dahil sa pagkainis, agad ko itong tinuunan ng pansin dahil minsan lang itong sumingkit, minsan lang talaga sobrang mainis si Cyt.

"Gago ka, hindi ba ako matino para sa iyo, Cytrd Jadzhia?" Malakas na batok ang natanggap niya kay Zachariah na kadadating lamang kasama si Duch, hinalikan ako sa pisngi ni Duch at inirapan niya naman si Cyt.

Mahina akong tumawa sa ginawa ni Zariah, ganoon naman din si Duch, pigil tawa kaming dalawa habang naniningkit naman ang mata ni Zariah.

"Wag mo akong masungitan d'yan! Tampo ako sa 'yo! Sino 'yong gwapong nakakasama mo, ha?!"

"Sino sa kanila? Inggit ka? Hindi ko sasabihin! Kahit magtampo ka pa, forever!" Sabi ni Zariah at dinilatan pa si Cyt.

"Miss ko na si Kuya Isaac, emee! Saan ba 'yon namamalagi?" Tanong ni Duch sa akin sabay sulyap kay Cyt na nakikinig lang, pinipigilan ang kilig. "Binisita ko siya kahapon, ayos naman siya. Sa Hospital, minsan ay sa condo niya."

"Jowa ko ba yan?"- Cyt habang humahagikhik. "Kapal mo, gaga!"

At nag bangayan na naman sila, tahimik akong katabi si Zariah at sa likod namin ang dalawang nagbubungangaan. Bulong iyon pero peste, rinig na rinig ko. "Belle Belle."

"Ano na naman?" Sigaw ko iyon sa kaniyang mukha, nakangisi sa likod niya ang kasama niyang si Davinth. Tinaasan ko ito ng kilay at tumingin naman siya sa likod niya. Bahagyang napa atras si Chase at nakaangat pa ang dalawang kamay upang maprotektahan niya ang sarili sa akin.

"Kumain ka na?" Ngisi niya sabay tingin kay Davinth na kasalukuyang kinikindatan ang mga babaeng nagdadaanan sa corridor. Ang lalandi, "Pake mo ba!?"

"Ouch.." Maka acting ito, halata namang pinagpupustahan lang nila ako ni Davinth. Ang talino din naman talaga nito ni Chase e, ako ang ipinusta para talaga hindi makabili ng house and lot.

"Layas."- Zariah.

"Mahal na mahal na mahal kita pare, at dahil mahal kita ay aalis na tayo dito! Sorry sa abala ate Zariah. Labyu." Sambit ni Davinth kay Chase na nakatingin saakin, nagbulungan sila ni Davinth bago nagpaalam sa amin, takot talaga itong mga baklang to kay Zariah, Mabilis ang lakad na ginagawa ni Davinth habang sinusundan siya ni Chase.

"Ha! Ano 'yon? Lagi bang ganoon si Chase?" Tanong ni Duch sa akin, pero hindi ako ang sumagot, kundi si Cytrd.

"Tropa mo 'yon tapos hindi mo alam? Eww ka, bitch." Sabat ni Cytrd at tinaas-taas pa ang kilay niya sa amin.

"Bakit mo ako ginaganyan? Mas matanda pa rin ako sa 'yo! Pero ang swerte mo, Bella! Mabait 'yon si Chase, sobra. Sana ganoon din si Khiro."

"Ikaw lang naman ang hindi maswerte sa atin. Tsaka magiging kaugali ni Khiro si Chase? Haller! Mangarap ka na lang.  Ship ko nga si Chase at Bella, ewan ko d'yans a kaibigan n'yo bakit ang arte? Hindi naman ganon kaganda."

Duh? Ang ganda ko kaya.

Hindi ko masikmura ang pinag gagagawa nila, nagtuloy na kami sa paglalakad papuntang library. Nagpapasama kasi doon si Duch, pero kapag nasa malapit na kami ay hindi na ako tutuloy.

"Dito na lang ako," Sabi ko sabay higit sa kay Cytrd. Saglit na tumigil si Zariah pero hindi na siya nagtanong pa kung bakit kami tumigil dito, nagpatuloy na siyang maglakad kasama si Duch.

"Dito ka lang muna, Cyt." Kunot noo ko siyang iniwan, mabilis akong naglakad patungo sa lalaking nakaupo sa isang bench ng malapit sa library, tumingin ako sa aking orasan at nang makitang maaga pa para sa first period namin ng hapon ay pinuntahan ko na siya.

Kinuha ko ang bote na naglalaman ng sleeping pills, kinuha ko din ang tatlong pills na nasa kamay na niya at handang inumin. Nagulat siya sa aking presensya pero agad ding naka bawi.

"My mom died because of this," Pinaglaruan ko ang pills na hawak ko.

"It's just that, I want to sleep to gain energy.."

Napasinghap ako sa kaniyang sagot, hindi mo mapapansin na may problema pala itong lalaking ito.

"If you're going to take three sleeping pills, or more that that, it can cause deep breaths, diffults in breathing, thay will lead you to death. So, what's the point of taking three pills if you can only take one?"

"I'm just tired. Pakiramdam ko ay mamamatay ako sa pagod at puyat. So I must force myself to sleep by using that pills."

Sinilip ko ang laman ng bote, maunti na lamang yon kaya posibleng araw araw siyang gumagamit nito.

"May mas effective akong alam. Peste mag zonrox ka na lang para mamamatay kang malinis."

"Ayoko nga, iiyak ka lang e."

"Yak! Napaka kapal talaga ng mukha mo kahit kai-"

"HOY ISABELLE DIEZA! NAPAKAKUPAD MOOO! MAGT-TIME NA! aY PAKSHET! HI! PAPI CHASE."-Sigaw ni Cytrd ang bumalot sa aking tenga, ngumiti si Chase sa kay Cyt bago bumaling sa akin.

"Punta na akong classroom, tapon mo na lang 'yan."- 'yon ang huli niyang sinabi bago ako kindatan.

Dali dali naman akong tumayo upang masapak si Cyt. Napaka ingay talaga ng bunganga nitong babaeng ito, ang sarap ipa- masking tape ng hindi na makapagsalita pa.

"Huyyyy! Ano yon ha? Isa kang malaking H!"

"H?" - tanong ko sa kaniya.

"Haliparot!"

"Manahimik ka."-sabay tapon ng tatlong pills at lagay ng bote ng pills saaking bulsa ng bag, "Hindi ba ay galit ka sa akin?"- tanong ko sa kanya at ngumuso.

"Ohaaa! Crush mo si Chase, kaya mo iniiba usapan, ano? Anoooo?"

"Gago!"

Sobrang laki na ng ngisi niya ngayon, yung kaninang ako ang nakangisi ay ngayon ay siya naman. "Hindi ka um-oo, at hindi ka din naman humindi.. Hahaha, Bobo ka. Oo lang naman sasabihin mo." - Bulong bulong niya sa sarili.

"Tara na Belle Belle," Pang aasar pa niya bago tumakbo dahil sa masasama kong tingin sa kanya.

An Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon