Chapter 24 - Laking Kupal

21 4 0
                                    

Chapter 24 - Isabelle's Pov

"Kuya. Where's mommy?"

"She's here." Hinawakan niya ang kamay ko at itinapat ito sa aking dibdib, I don't why.. Pero unti unting sumisikip ito.

"She's always here, no need to ask where she is."

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone, nakita ko ang pangalan ni Cytrd. Agang aga nambubulabog, sinagot ko ito at narinig ko lamang ang boses niyang nakakarindi.

"HELLO, GOODMORING! HINDI BA PROMISE KO SA 'YO NA KUKUHA AKO NG BACKGROUND INFO. ABOUT LUHENCE!? AND GUESS WHAT? ISA S'YANG RUIZ!"

"Bobo ka talaga." Inis kong sigaw pabalik sa kaniya.

"Mas bobo ka kung naniwala ka. Anyways, meet me at the Krusty Krab. Madami akong baong chismis,"

Kaunting-kaunti na lang, sisipain ko na ito. Napabalikwas ako ng tayo noong matapos ang tawag, baka may maitulong yung sinasabi ni Cyt na chismis kay Luhan.

I wore shorts and a long sleeve blouse. Mabuti at sumabay ang damit ko sa panahon, mahangin pero ma-araw. Sana mga ganitong panahon nagyayaya si Chase magdate, e

Inihatid ako ni Manong Lo sa isang mall. Nakakainis lang dahil pwede namang sa malapit na restaurant. Restauran sa mall lang din naman ang pupuntahan namin.

She texted me the exact location, hindi naman ako nabigo. Nahanap ko kaagad siya, kumaway siya sa akin at itinuro ang kaharap niyang upuan, nandito kami sa isang sikat na Italian restaurant.

Madami siyang dala, a paper bag, her Louis Vuitton bag and a folder. Pina-order niya muna ako, bago kausapin.

"Bella, are you planning to be a K-pop Idol? Err! What kind of outfit is that?" Humalagpak siya sa tawa, I don't see any wrong with my outfit, she is just overreacting!

"Noong mukha kang Tita Cruzette ko ay hindi ako nagsalita. Tangina mo."

"Duh? Hindi naman ako mukhang bitch." Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at mas lumakas ang tawa.Nakakahiya talaga ito.

"Exactly, mukha kang bitch."

Ibinigay niya sa akin ang documents, binasa ito at imbis na matuwa sa impormasyon ay nainis ako.

Ano ang pakielam ko kung ang paborito niyang kulay ay black? Ang grado ng mata niya ay 75? Ang paborito niyang ulam ay adobo? Lumaki siya sa bansang France?

"Minsan na ding nakalaban ni ate Ninth ang abogado ng Ruiz. Wala akong nakuhang mas malalim na impormasyon dito. Ang alam ko lang ay nakalaban ni ate Ninth ang abogado nila dahil sa kagustuhan niyang maipagtanggol si Tita Issa, ang mommy mo.."

Wala akong maalalang nangyari sa mga magulang ko at kay ate Ninth. I was five when my parents died at kakagraduate lang ni ate Ninth noong limang taong gulang pa lang ako.

Hindi ko kailanman nalaman ang katotohanan sa pagkamatay ni Mana at Papa. Hindi ko kailanman binigyan ng pansin iyon dahil sa alam kong wala akong makukuhang impormasyon kung pilit nilang tinatago 'yon.

Hindi ko naubos ang aking kinakain, matagal na pala kaming nag-uusap ni Cytrd. Hindi ko napansin, hapon na at kailangan ko pang magising ng maaga bukas dahil may balak akong bisitahin si Chesca.

"Thank you, Cyt."

"Always welcome. Just for my idol. You know? You can always count on me because I admire you so much." Kumindat siya sa akin bago ako iniwan.

I admire you too.. so much.

Umuwi na ako sa mansyon. As usual, nag-aasay na naman ang dalawang daga.

"Napaka eskandoloso mo, Heze! Tumigil ka nga!"

"Don't call me Heze!"

Nagbangayan silang dalawa habang ako ay nakaupo sa isang stool dito sa kitchen, kumakain ng cake na bake mismo ni Zaikee.

Given talaga 'to e, ang talino, maganda at magaling magluto.

Natutuwa pa ako sa kaniya, napaka masiyahin niya at ang ganda n'ya talaga.

Kulang na lang talaga magpalitan sila ng gamit, e. Hagisan ng pinggan, baso, kutsara at tinidor.

"Tumigil nga kayong dalawa. Parang mga asong nag-aagawan sa pagkain."

"WHAT/NANI?" Sabay nilang sagot.

Ayos 'to, ah? Nagiging Americano at Hapon kapag nagagalit.

Itinaas ko ang kamay ko sa ere. Hindi na nga ako eepal.

"Bakit ba kasi kayo nagtatalo?"

"Nagg-grocery kasi ako. Bilang isang eskandalosong nilalang, nang-away na naman 'yan. Imbis na nabili ko na ang kailangan n'yo dito ay nandito ako ngayon at ginagamot ang pasa n'yan!"

"Tss. Edi sasamahan kita!"

"EDI SAMAHAN MO NA LANG AKO! HUWAG KA NA GUMAWA NG GULO!"

"SILA ANG GUMAWA NG GULO! BAKIT KAILANGAN PA NILANG HAWAKAN ANG KAMAY MO?!"

Umalis ako sa kitchen at pumunta sa front door, bahagya akong napaatras dahil sa nakita ko. Si Chase na naka pambahay lang ay walang sabi sabing pumasok sa mansyon ni Lola.

Lumabas na din sila Hero at Zaikee sa kitchen, nakangiti si Zaikee noong sumalubong kay Chase at ang sama ng mukha ni Hero. Lagi naman, sanay na ako.

Samang sama naman naman talaga ng mukha ng pinsan ko. Ewan ko kung bakit ako lang may magandang pagmumukha dito.

"Franchase Theo Argon, isang pagkakamali. Hindi uso sa akin ang tropa." Yan ang bungad ni Hero kay Chase.

Nagsitayuan ang balahibo ko sa tawa ni Zaikee, nasabi ko bang para siyang nakashabu kapag tumatawa?

Hinila ni Zaikee ang tenga ni Hero, "Halika naaa! Ang dami mo pang sinasabi! Legal na magboyfriend ang 16 years old!"

"Palibhasa'y matanda ka na!" Sagot ni Hero.

"Oh, bakit? Kahit tumanda ako ng sobra ay crush mo pa rin ako! Saksakan ka ng kaepalan! Alam mo ba kung ano ang diskarte? Ginagawa 'yon ngayon ng tropa mo! Kaya mamaya ka na maging kontrabida!"

Naghabulan silang dalawa, muntikan pa nga akong mahulog dahil nadanggil ako ni Zaikee, e. Buti na lang sinuportahan agad ni Chase ang likod ko, naka tsansing pa.

"Para kang aso, tahol ng tahol"

"Walang hiya ka! Halika dito--"

"Halikan dito? Tignan mo, ikaw nga ang may gusto sa akin!"

Nawala na ang sigawan nila sa kitchen at napunta naman sa salas, buset. Laughtrip talaga kapag nagtatalo silang dalawa, laging nagkakaroon ng world war dito, e

"Maglampungan lang kayo diyan! Ako ang bahala sa asong 'to. Let's go, puppy!" Sumilip pa ang magandang buhok ni Hero sa pintuan ng kusina, hawak hawak na ni Zaikee ang buhok niyo at naaawa ako para sa kaniya.

Epal kasi sa mundo, e

An Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon