Chapter 30 - Revelation

21 4 0
                                    

Last day ni Chesca at hindi ako makakasama, dahil inimbitahan kaming Dieza sa mansyon ng mga Ruiz.

Nakailang tanggi na ako kay Tita ngunit ginagamitan n'ya ako ng masamang tingin, at nagpapaawa pa na 'yon na nga lang ang bayad sa pag papalaki n'ya sa akin ay hindi ko pa magawa.

Lukot ang mukha kong humaharap sa iba pang panauhin ng Ruiz. Hindi lang pala kami ang inimbitahan, kundi ang mga iba pa nilang business partner.

Bakit pati kami ang bumabati? Hindi naman kami ang nagpagawa ng salo-salong 'to.

Gulat akong makita ang boyfriend ko, si Franchase naglakad papunta sa tapat ng upuan ko.

Alam kong nakita n'ya ako pero bakit hindi n'ya manlang ako nginitian, binati o kung ano? Bakit s'ya nandito kung huling araw na ni Chesca ngayon?

Iinom sana akong juice na binigay sa akin kanina ngunit biglang hinawakan ni tita ang kamay ko at inagaw sa akin ang baso. Hindi ko na pinansin ang ginawa n'ya pa doon bago ibigay ulit sa akin.

"Nandito ang lahat para sa magaganap na pag-iisang dibdib ng tagapagmana ng Ruiz at Dieza."

Tagapagmana? Iisa lang akong babaeng Dieza, at alam kong puro lalaki ang mga Ruiz.

Ininom ko ang hawak na juice dahil kinakabahan ako.

"Mr. Luhence Ruiz and Ms. Isabelle Dieza! Congratulations to the Ruiz and Dieza family!"

Nagtanguhan ang mga panauhin dito sa mansyon at nagpalakpakan. Naningkit ang mata ni Luhence at tumingin siya sa akin.

I am not aware of this! I thought it's gonna be a normal party! what the fuck?

"Upang mas mapalago at mapaganda ang takbo ng samahan natin, kailangan ipagkasundo ang tagapagmana ng parehas na kumpanya. Congratulations."

I didn't know what to do nor to say. I am speechless with what's happening right now.

Tatayo pa lang sana ako para maghilamos sa bathroom ngunit bigla akong nahilo. Kalahati ng bisita ay sa akin ang direksyon dahil sa tingin ko ay matutumba ako.

"Oh, Ija? Luhence!" Tawag ni tita sa kaibigan, naramdaman kong may bumuhat sa akin ngunit hindi ko na maimulat ang aking mga mata. Inaantok na ako ngunit gusto ko pa marinig ang sinasabi ng aking tiyahin. "I'm sorry everyone, alam n'yo naman ang mga buntis.. Magpapahinga muna siguro s'ya sa kwarto ng asawa n'ya."

"Masyado pang bata ang pamangkin mo, Cruzette? Hindi ba ay nag-aaral pa 'yan?"

"Ano pa bang bago? Basta Ruiz, sigurado na mauuna ang bata kaysa kasal."

"Don't mind my niece. Kaya naman n'ya ituloy ang pag-aaral sa bahay.."

I am not pregnant! Damn it! Damn it! Oh my..

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo. Kinuha ko agad ang cellphone noong maramdamang nagv-vibrate 'to. Gulat akong madaming notification galing sa twitter at facebook.

May video doong buhat buhat ni Luhence habang ako ay mukhang walang malay. Kuha 'to mula sa simula nang tawagin ni Tita si Luhence para buhatin ako, hanggat sa matapos sa chismisan ng mga bisitang buntis ako.

Nanghihina ang tumayo habang hawak hawak ng mahigpit ang phone. Pinagkalat n'yang buntis ako, kahit hindi naman! Ito ba ang sinasabi n'yang igaganti n'ya sa akin dahil sa pangingielam ko?!

Dali dali akong naglakad sa mga taong nagb-breakfast.

Umiiyak na binato sa kanila ang pinakamalapit na vase, kahit pa ang bastos tignan. Natigilan sila sa tawanan, nakakatawa pa sila! Kalat na sa buong school ang video na 'yon!

"Oh? Let's eat na, Ija! You must be tired!" Bati pa sa akin na parang wala akong binato sa kanila at parang wala silang ginagawang nasama.

"Tired? Oo, tita! Pagod na pagod na ako! Ginagawan mo kami lagi ng kalat at ano? Kami ang maglilinis!" Nanginginig kong hinawakan sa panga si Tita. Mukhang nagulat pa s'ya sa ginawa ko.

"Kalat? Hays.. Paano mo nga ba lilinisin ang kalat na ginawa ko ngayon? Ibang level na 'tong kalat na ginawa ko ngayon? Hm? Paano mo kaya lilinisin?" Hirap na pagsasalita n'ya dahil nakahawak ako sa panga n'ya. Tumawa tawa pa s'ya, kahit ang mga nakain ay mukhang tuwang tuwa sa nasasaksihan.

"Edi pabuntis ka talaga sa anak ko? Pananagutan ka naman, 'di ka naman tatakbuhan ng anak ko ang responsibilidad."

What?

Lumapit ako sa kabiya at hindi nagdalawang isip na isampal ang platong may lamang kung anong pasta.

Dapat sa mga ganito ang opinyon ay sinasampal ng kung anong matigas. Sana ay nanahimik na lang s'ya.

"Now, I am asking you.." Lumapit ulit ako sa kaniya. Kaunting respeto na lang ang natitira sa akin, at kapag sinayang n'ya 'yon ay hindi lang plato ang isasampal ko sa kaniya.

"Look, Ija.. Ginawa ko 'to para sa 'yo--"

"SAAN ANG PARA SA AKIN? NOONG GINAWA N'YO BA ANG PLANONG 'YAN AY NAISIP MO BA AKO? SINABI KONG MAY BOYFRIEND NA AKO! ALAM NG BUONG SCHOOL KO NA BOYFRIEND KO SI FRANCHASE AT SASABIHIN MONG BUNTIS AKO AT IKAKASAL PA KAY LUHENCE!?" Galit kong sigaw sa kaniya, hindi ko na kaya ang sinasabi kaya sa huling linya ay nanghina na ako, tumutulo ang luha at binigyan ng nakakaawang mukha si Tita.

Siguro ay mababawasan lang ang galit ko kung i-uurong n'ya ang kasal na sinasabi.

"Kaya ka nagagalit ay dahil doon sa boyfriend mo? Alam mong nandito ang boyfriend mo noong pinagkalat kong buntis ka at i-announce kong ikakasal kayo ni Luhence! Saan ang boyfriend mo? Sino ang nagbuhat sa 'yo? Bakit hindi ka pinagtanggol? Nandito ang boyfriend mo at walang pakielam sa 'yo! Manang mana ka sa nanay mong bobo!"

"Y-you never fail to hurt and dissapoint me." At sinampal ang cellphone sa kaniyng pisngi gamit ang natitirang lakas ko.

An Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon