Chapter 28 - Marupok

15 5 0
                                    

Isabelle's Point of View

Kasabay ko ang Tita Cruzette na mag breakfast, at may humabol pa. Si Luhan, ang parents niya at ang grandparents niya.

Hindi ko alam kung bakit sobra sobrang ganda ng pagtrato niya sa mga Ruiz.

Hindi naman siya ganon sa ibang business partner niya, favoritism.

Ano ba itong mga kinakain ko?

Dumating lang si Tita ang dami ng mga pagkain na hindi ko alam, ang sasama pa ng lasa.

Ay sorry, sobrang judgemental ko naman pero totoo kasi, ang sama ng lasa.

Kahit na gustong gusto ko ng umalis sa table ay hindi ko magawa dahil sa tuwing patayo ako ay ibabaling sa akin ang atensyon.

Tama ba yon!?

Padabog akong kumakain, alam kong masama kaso nakakainis talaga, para agaw atensyon lang diba?

"Isabelle, bakit hindi mo imbitahan ang boyfriend mo dito?" Mapaglarong tanong ni tita, nagbalik upo ako dahil sa tanong niya.

Sarap tumingin ng masama kay Tita, pero hindi ko pa rin ginawa dahil isa akong mabait na bata.

"May boyfriend ka na, ija? Ang bata mo pa para diyan, ilan taon ka na ba? sixteen, diba?"

"Oh! She's friend with my dear Chase, bakit nga pala wala 'yon?" Tanong noong nanay ni Lucas.

Anong kinalaman ng boyfriend ko dito?

Napapikit ako bago sagutin ang lolo ni Luhence.

"Yes, I'm just sixteen and we're more than a friend, Tita."

Humalakhak ang tita ko at siya na ang sumagot.

"Your boyfriend is Franchase Argon? What a coincidence." Pekeng tawa ni Lucas Ruiz.

"Ano na lang mangyayari sa pinag-usapan na'tin Cruzette?"

"Wala namang permanente sa mundo, Mare! Hindi sila habang buhay magiging magnobya."

Nagpintig ang aking tenga sa narinig, anong how about my son? anong kinalaman ko diyan?

Nagdidilim ang paningin ko dahil sa narinig, pero hindi ko pinakita na ang sama sama na ng loob ko.

"Alam ko po na hindi kami ni Chase hanggang dulo, hindi kami hanggang dulo kung nandiyan ka. Excuse me po," Tumayo na ako noong sinabi ko yan dahil hindi porket wala si Chase, kukuwestiyunin na nila ang relasyon namin.

Naligo ako ng mabilis dahil nangako ako kay Chase na sasama ako sa family bonding nila, first day ni Chesca sa labas ng hospital simula noong magkasakit siya.

Though I am not part of Argon's family, hinyaan pa rin nila akong makipagbonding kay Chesca.

I wore flat shoes, jeans and just a v-neck tshirt. Hindi ko naman kailangang magsuot ng bonggang bongga dahil papasyal lang kami sa amusement park.

"Where are you going?"

Yan ang tanong sa akin ni tita noong makitang bubuksan ng kasambahay ang pinto para sa akin.

Tumigil si Lira, ang kasambahay na magbubukas sana ng pinto noong sumenyas si Tita ng kung ano.

Ibinaba niya ang newspaper noong wala siyang nakuhang sagot, ngumisi siya at sumenyas ulit dahilan ng dali daling pag alis ni Lira.

"Gaano ba kalala ang pagiging bastos mo, Isabelle?"

Hindi ako umimik, tamad akong nakatitig sa kaniya.

"Whatever, Malapit na ang 'yong birthday, so what are you planning to do?"

Oo nga pala, 7 days na lang at mags-seventeen na ako.

"I'm not planning anything."

"It's up to you," Tumayo si tita at ang gara niyang maglakad paalis sa salas.

Noong tuluyan na siyang nawala sa paningin ko ay lumabas na ako ng mansyon, hindi na ako nagpahatid kay Manong Lo dahil susunduin naman daw ako ni Chase.

Bago pa ako makasakay sa sasakyang gamit ni Chase ay nakuha ni Tita ang atrnsyon ko, nakasilip siya sa amin. Drinking her wine alone, ngumisi siya bago ibaba ang kortina upang matakpan ang loob ng kwarto niya.

"Helloooo, ate Bella."- Hinalikan ako ni Chesca sa pisnge pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa kotse ni Chase, napangiti ako dahil naaalala niya pa ang pangalan ko.

Pero hindi ko maiwasan na malungkot para sa kaniya dahil may mga dala pa rin siyang ginagamit sa Hospital, at ang lamig pa niya.

"Saan tayo pupunta, Chesca?"- tanong ni Chase.

"Mama! Where are we going po? I don't know po, Kuya." Ang cute na niya magsalita at kung pwede lang patigilin siya sa pagsasalita ay gagawin ko dahil paniniguradong mamimiss ng lahat yon.

Napayuko ako, "How about we go to amusement park, baby? Bukas na tayo mag mall."

Lumapit sa akin ang nanghihina na si Chesca mula sa backseat.

Medyo bulol pa siya pero maiintindihan mo talaga ang pag-eenglish n'ya.

"Namiss mo si ate?" Tanong ko habang hawak hawak ko siya. Nakapatong ang mukha niya sa dibdib ko.

"Of course, ate. I miss Kuya Isaac po." Ngumiti siya ng pagkalaki laki tapos pinanggigilan ako.

Maya maya pa ay may sinusungkit siya sa bulsa ng jeans ko, buong puso ko naman ibinigay sa kaniya iyon dahil wala naman akong tinatagong kabalastugan sa phone ko.

Nakakatuwa nga dahil trinatry niyang magpicture kaso noo lang ang nakikita, noong magsawa siya ay ang ginawa ay ang kuya naman niya na nagmamaneho ang pinicturean neto pero hanggang leeg lang.

"You want a picture, Chesca? Together with your kuya?"

She nodded her head, lumayo ako ng konti sa kanila. Sobra kong isiniksik ang sarili ko sa pinto ng kotse para parehas silang hagip sa camera.

Ipinakita ko ang madaming shots kay Chesca na tuwang tuwa, pumapalakpak pa nga siya.

"Broom broom," Ginagaya niya ang kuya niya kung paano ito magmaneho.

Napansin naman siguro ni Chesca ang paninitig ko kaya tinignan niya ako, nginusuan niya ako gamit ang maliliit na labi.

Manang mana sa kuya.

I let her kiss my cheeks, maya maya pa ay naglaro ulit ito sa kandungan ko.

"Kamukhang kamukha mo si chesca, ano?"

Kumunot ang noo niya at tsaka sumagot, "Parehas ba kaming gwapo?"

Siraulo to, "Tarantado. Parehas kayong maganda."

"Wtf!" Inis na bumaling siya sa daan, inis ka pala e.

"Baby." Tawag ko sa kaniya na nagpalingon sa akin. Buti na lang hawak ko ng mabuti si Chesca kung hindi parehas kaming talsik dito.

Inirapan ko si Chase at binalingan si Chrsca.

"Ang rupok ng kuya mo, Chesca. Malandi pa." - Tanong ko sa walang kamuwang muwang na kapatid niya.

An Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon