DAX Pov
Nasa labas ako ngayon ng bahay ng mga sindikato, at nag-aabang ako kung may taong lalabas ngayon.
Napakalaki ng bahay na ito hindi mo siya matatawag na bahay lang dahil para itong palasyo at ang nasa loob nito ay mga nag haharing demonyo.
"Kuya nasan na naman ba si Nilo!"Sigaw ng isang tinig na babae hindi ko alam kung sino dahil hindi ko makita ang kanyang mukha. "Punyeta ma lelate na ako sa party nito kuya ano ba!"Sigaw na naman ng babae.
"Kaaga-aga Nicole napakaingay mo!"Sigaw ng isang lalaki at sa tingin ko ay kuya iyon ni Nicole
"Kung ganyan lang naman yung i rerekomenda mong driver. Eh di sana wala na lang akong driver!"Inis niyang sigaw at naramdaman kong papalabas na ito ng bahay "Ako na lang yung mag dra drive" Nong nakalabas na yung babae ay umayos ako sa pagkakatayo ko at pati yung suot kung eyeglasses ay inayus ko.
"Anong kailangan mo?"Tanong ni Ms. Nicole Dela Zie ang unica ija ni Don Greek Zie.
"Naghahanap ho kasi ako ng trabaho bilang driver"Magalang kung sabi dito at parang tinitignan pako nito kung seryosu ba talaga ako.
"Driver? bakit marunong ka ba mag drive?"Paninigurado niya sakin. Bakit takot kabang mamatay? tanong ko sa isip ko.
"Oho ma'am" Sabi ko sakanya
"Oh tara bilis ihatid mo ko sa bar"Sabi niya at hindi man lang ako pinagbuksan ng malaking gate nila. Bubuksan ko na sana yung gate pero bigla na lang dumating si Mr. Kurt Dela Zie ang kapatid nito, at ang Kanang kamay ng kanyang Ama.
"Hoy sino ka?"Matapang na tanong nito sakin sabay turo pa sa mukha ko.
"New driver ko yan!"Pagmamalaki ni Ms. Nicole
"Bakit sinabi ko bang humanap ka ng bagong driver? at pumayag bako ha!"Inis na sabi nito kay Ms. Nicole pero parang wala itong narinig.
"Eh ano naman ngayon at bakit ba?. Ako naman yung kumuha diyan ah at tsaka sakin lang siya mag tratrabaho okay!"Sabi niya at tuluyan nang pumasok sa loob ng kotse niya. Binuksan ko na yung malaki nilang gate at napakasama ng paningin sakin ni Kurt. Binuksan ko yung pintoan ng kotse nila at sinimulan na itong paandarin pa puntang bar.
"Saang bar po tayo ma'am?"Tanong ko dito habang busy ito sa katitipa sa kanyang cellphone. "Ma'am?" Tawag ko sakanya at inis naman itong tumingin sakin.
"Malamang sa bar namin" Sarkastiko nitong sabi.
"Saan ho ba yung bar niyo"Tanong ko kahit alam ko naman kung saan yun at kung anong meron don.
"Hello hindi mo ba ako kilala?"Sabi niya sabay tapik sakin at sinusuri yung mukha ko kung talagang hindi ko siya kilala."Owemji may tao palang hindi nakakilala sakin? Owemji Owemji" OA na sabi nito "Nakakainsulto yun"Patuloy niya pang sabi.
"Bakit sino ka ho ba?"Tanong ko sakanya
"Hanep hindi mo ba kilala tong nasa harapan mo? Ako lang naman ang isang sikat na singer at dancer sa pilipinas" Sabi niya
"Talaga ho?"Manghang kunyaring sabi ko
"Oo tsk! Don tayo sa Zie Bar" Sabi niya at sinunod ko naman yun. pagdating namin don ay napakaraming tao don kaya nahirapan pa akong mag hanap nang ma parkingan.
"Bakit ba napakatagal mong mag park!"Inis na sabi nito sakin
"Napakaraming sasakyan mi- Ma'am" Kamuntikan ko na siyang masigawan
"Shock bakit dito mo ko dinaan"Sigaw niya at napakasakit sa tenga yun
"Bakit san ba?"Tanong ko
"Gago ka pag pipilahan ako nang mga Fans ko dito"Inis na sabi niya. Malay ko bang bawal dito "May sarili kaming parkingan kung saan ang nag mamay'ari ng bar na ito don dapat mag parking!"Inis na sabi nito
"Patawad bago pa ho ako"Sarkastiko kung sabi umalis kami don at pumunta sa kung saang parking lot na sinasabi niya at nasa likod ito nang bar parang secret parking area dahil walang ilaw dito at yung dinaanan namin kanina ay kung hindi ko kasama ang anak ni Don Greek ay hindi ko agad malalaman yun dahil walang daraanan don pero nong kinuha niya yung card niya ay bumukas ang napakalaking parking area. Sa loob nito ay maraming mamahaling sasakyan.
"Oh san ka pupunta?"Tanong niya sakin habang nasa likod niya ako "Bawal kang pumasok sa loob. Dito ka lang at hintayin ako"Sabi niya may tinatago ba sila diyan.
"Okay ma'am"Hindi nako nag tanong pa baka kung ano pang itanong nito sakin. Pagkatapos kung sabihin yun ay tinalikoran na niya ako at pumasok sa isang malaking pintuan.
Habang nasa labas ako ng Bar na iyon ay lumabas ako sa Private or Secret parking lot na ito at pumunta ako sa kung saan don dumadaan yung mga ordinaryong tao. Bago pako pumasok sa loob ng bar ay pinalitan ko yung t-shirt ko at nag suot ako ng kulay puting damit at yung eyeglasses ko naman ay kinuha ko. Ng matapos akong mag ayos ay pumasok na ako sa loob nito.
Napakaingay, napakadilim, May mga usok. Naninibago ako ng kaunti sa bar na ito dahil matagal tagal na din akong hindi nakakapasok sa mga bar dahil kung hindi kinakailangan hindi kami pweding pumasok. Ma swerte kana lang kung bibigyan ka ng mission na ganito dahil makakapasok ka talaga sa bar kung nandito ang target mo.
Inilibot ko yung mga mata ko sa loob ng bar na ito at kung masyado lang akong inosente ay hindi ko mapapansin na may mga taong nag papalitan ng mga pera at shabu dito. Nahagilap ng mga mata ko si Ms. Nicole na pumasok sa isang pintuan dito sinundan ko siya at hinarangan ako ng dalawang malalaking tao.
"VVIP TICKET" Sabi ng isang napakalaking Boses
"I don't have that"Sabi ko at parang natawa pa ito sakin
"Hindi ka makakapasok diyan kung wala kang VVIP" Sabi niya kaya umalis ako sa harap nila at omorder ng VVIP na ticket tsk! Binigay ko ito sa dalawang lalaki at pinapasok na ako nito sa loob. Hinanap ng mga mata ko si Nicole at agad ko naman itong nahanap
Lumapit ako sakanya at tumabi sakanyang kinauupuan.
This is a work of fiction. Name,Characters,Places,Businesses,
events and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner.any resemblance to actual person, living or dead or actual event is purely coincidental.
BINABASA MO ANG
DAX (Detective Agent X)
Mystery / ThrillerPaano kaya dahil sa isang mahalagang mission ay may bigla kang bagong naramdaman sa puso mo. Hindi ito takot kundi mas malala pa.