Chapter 2

1.6K 48 0
                                    

DAX Pov

"Hi Miss"Sabi ko sa isang magandang tinig

"Oww Hello nice to see you" Sabi niya sakin

"Me too mm you want to drink?"Tanong ko sakanya

"I'm drinking"Sabi niya sabay taas sa kanyang baso "Cheers"Inilapit niya yung baso niya sakin tapos agad itong ininom.
"Sino kasama mo?"Tanong niya sakin

"I'm with you"Sabi ko sakanya at natawa naman ito "Meron ka bang ano diyan"Tanong ko sakanya pero hindi niya ako gets

"What ano? "

"A Dangerous drugs"Sabi ko at sabay tawa

"Hmmm i don't have hahaha hindi ako gumagamit niyan" Sabi niya at parang totoo naman yun.

"Okay" Pagkatapos kung sabihin yung ay umalis nako sa harapan niya nong una ay ayaw niya pa pero kailangan ko na talagang umalis baka maunahan pako nito sa kotse.

Nong nakalabas na ako sa bar na iyon ay agad akong nag palit ulit nabg damit at pumasok sa Private parking lot nila at pag dating ko don ay wala pang Nicole na nandon sa parking lot.

Makalipas ang ilang oras ay dumating na siya at ika ika pa itong lumalakad papalapit sakin. Kinuha niya yung heels niya at lumapit sakin sabay tapik tapik sa mukha ko

"Uuwi na tayo ma'am"Sabi ko sakanya at tumango naman ito. Inalalayan ko siyang ipasok sa loob ng kotse tsk! kung hindi pa sana mission to ay kanina ko pa siya iniwan dito! Pagkaupo niya sa loob ay agad na itong nakatulog.

~~~

Ikalawang araw ko ngayon bilang isang driver nitong babaeng to.

"Ma'am san ho ba ako tutuloy?"Tanong ko sakanya dahil iiwan na sana ako nito.

"Diyan ka muna"Senyas niya at binuksan yung bahay nila. After a minute sinenyasan niya akong pumasok sa loob pag pasok ko don ay napakaraming pintuan anong meron sa loob non? unakyat kami sa itaas at binigay niya sakin yung susi nang kwarto.

"Oh susi diyan yung kwarto mo"Sabi niya at umalis na sa harapan ko.

Pumasok ako sa loob nang kwartong yun at  binuksan yung maliit na bintana napakaliit nito at sa tingin ko ay mahihirapan akong maka daan ulit doon. tumalon ako papunta sa ibaba at pagkababa ko ay may tatlong lalaki don na nag iinoman habang humihithit pa ito nang shabu. Lumakad ako papunta sa kadiliman para mag tago don tapos patalon akong umakyat sa kanilang pader para makalabas.

Kailangan kung makuha yung mga gamit ko.

Pumunta ako sa likod ng malaking kahoy at kinuha ko yung mga dinala kung gamit para sa mission na ito.

Dito ko inilagay yung mga gamit ko kanina bago pa ako pumunta sa harap ng bahay nila. nong nakuha ko na yun ay patalon ulit akong paakyat sa pader at nagtago sa kadiliman, tapos nilibot ko yung bahay nila dahil nag hahanap ako ng daan pa akyat ulit. Buti naman may isang kwarto dito na nakabukas yung terrace.

Umatras ako at patakbo akong tumalon para maisabit ko yung kamay ko sa terrace nayun. Aakyat na sana ako ng may narinig akong papalapig sa pwesto ko kaya nanatili lang ako don.

Tinaas ko yung mukha ko at shite trenda! Parang kwarto ito ni Ms. Nicole dahil nasa itaas siya ng terrace at naka dress ito at mabuti na lang may short siya pang ibaba.Hinintay ko siyang makaalis don bago bako umakyat. Pagkaakyat ko ay nakapatay na yung ilaw sa loob ng kwarto niya at parang wala ng tao dito sa loob kaya kampante akong lumakad dito.

Lalabas na sana ako sa kwarto niya pero na isipan kung tignan muna kung ano ang meron sa loob nito. Kailangan kung malaman kung may tinatago siya dito or kung meron bang pinagbabawal na gamot dito at kung gumagamit ba siya nito marami pa akong gustong malaman.

Inilibot ko yung buong kwarto niya at napakalaki nito lahat ng mga hinahawakan ko ay binabalik ko sa kung anong pwesto ko ito kinuha. Mahigit sampung minuto na ako dito bago ko pa napasyahang lumabas.

Nasa loob na ako ng tinutuluyan kung kwarto kaya inayos ko na yung mga gamit ko dito.

Tok Tok Tok

Lumapit ako sa pintuan at pinagbuksan yung taong kumakatok don. Nong binuksan ko na yung pintuan nilabas ko yung mukha ko don na parang wala akong ginagawang ikakagalit nila dito.

"Bakit ho?"Inosente kung tanong kay Nicole habang salubong ang kilay nito sakin.

"Samahan mo ko"Sabi ni Ms. Nicole at tatalikod na sana ito sakin pero nag salita pako.

"Masyado na hong gabi Ma'am"Nag aalanganing kunyaring sabi ko dahil 12 in the midnight na ngayon.

"Hoy ikaw driver lang kita at ako yung boss mo kaya sumunod ka sakin"Sabi niya sakin kaya tumango na lang ako.

"Mag aayos na muna ako"Sinirado ko yung pintuan at pinagpatuloy kong inaayos yung mga gamit ko tapos nag bihis na rin.

"Napaka tagal mo ano"Sabi niya sakin. Anong matagal eh minadali ko ngang ayusin lahat ng gamit ko at nag bihis tsk

"Wala ka pa sa kalahating minutong nag hintay dito ma'am"Paliwanag ko

"Na ngangatwiran ka ba ha!"Sasapakin sana ako nito pero umilag ako napaka init ata ng ulo nito.

"Tara na ho"Umuna na akong bumaba sakanya at nasalubong ko yung kuya niya. Nong nakita na niya yung kapatid niya ay tinago niya sa kanyang likod ang kanyang baril sabay ngiti sakanyang kapatid

"San ang punta mo?" Tanong ni Kurt dito pero hindi niya ito tinignan kaya ako ang tinignan ni Kurt na may masamang tingin.

"Kyla"Maiksing sabi nito

"Ayusin mo nga yung mukha mo para kang iniwan ng boyfriend niyan! At anong gagawin mo naman don ila Kyla" Tanong nito

"Babalaan"Maiksing sabi niya.

"That nice"Sabi ng kuya niya at tinignan ito na parang may pinaparating pero hindi naman na gets ni Nicole yun tch!.

Pagkalabas namin sa loob ng bahay nila ay sumakay na kami sa kotse nila at pinaandar ito papunta sa sinabi niyang address. Pagdating namin don ay nasa harap kami ng isang maliit na bahay at walang masyadong ilaw dito. Anong lugar to hideout?

"Susunod ba ako?"Tanong ko sakanya at tumango naman ito sakin. Sumunod ako sakanya at kinatok niya yung pintuan. Bumokas ito at sinalubong kami ng isang nanay parang nasa age of 35 na ito.

This is a work of fiction. Name,Characters,Places,Businesses,
events and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner.any resemblance to actual person, living or dead or actual event is purely coincidental.

DAX (Detective Agent X)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon