Nicole Pov
Pangalawang araw ko na ngayon dito pero wala paring sumasagip sakin, minsan na iisip kung impossible may sumagip sakin dito. Ginalaw ko yung kamay ko pero sa twing gagalaw ako ay masasaktan lang ako dahil sa napakahigpit ng pagkatali nila sa kamay ko.
Tinignan ko yung pintuan habang ginagalaw galaw ko nag aking kamay at nang naramdaman kong may paparating ay pinikit ko yung mata ko at umarteng natutulog lang.
"Hindi pa bayan nagigising?"Tanong nang napakalakas na boses.
"hindi pa boss"Sabi nang kasama niya.
"Gisingin mo"Utos niya kaya lumapit sakin yung lalaki at tinapik tapik ang mukha ko pero hindi parin ako dumilat at hindi ko namalayan ay sinampal ako nito nang napakalakas lakas.
"Sampal lang pala ang gigising sayo prinsesa!"Masayang sabi niya kaya natawa ang mga taong nandito, Nilingon ko ang loob nang kwartong to at napakaraming lalaking tumatawa habang nag yoyosi kaya umubo ubo ako.
"Ayaw mo bang maka amoy nang sigarilyo?"Sabi nong lalaki na tumutuk nang baril kay mama kaya inis kung tinignan ito. "Walang magagawa yAng matang yan!"Sabi niya sakin at sinampal na naman ako kaya napaluha ako sa hapdi non.
"Wala ka bang gagawin?"Tanong nong isa
"Umasa pa naman akong wala na kaming makikita ngayon dito hahahaha, Hangang asa lang pala ako!" Malakas na tawang sabi niya."Eh anong magagawa niyan kung sa kanyang ama lumaki hahaha"Sabi nong isa.
"Alam niyo bang nagtataka ako kahapon eh kung bakit hindi lumaban ang ina nito! Bakit nga ba?" Tanong niya sakin.
"Anong nang yari sa ina mo at nag kakaganon? parang takot na takot pa nga eh, hindi kagaya nong dati na parang mamatay ka sa kanyang tingin."Sabi niya at sinabayang tumawa
"Siguro mahina na nanay mo no?"Sabi niya at tumawa na naman."Bakit ayaw mong sumangot?"Tanong sakin nong isa "Gusto kong marinig boses mo!"
"Bakit nga ba hindi kami nilabanan non?"Tanong nang isang babae "Sumangot ka kung ayaw mong iputok ko ang baril na ito sa ulo mo!" Sabi niya pero hindi parin ako sumangot dahil hindi ko naman alam at wala akong na iintindihan sa mga sinasabi nila, ni hindi ko nga nakitang nakikipaglaban si mama eh. "Punyeta!" Inis niyang bulyaw sakin pero ngumiti lang ako nang sarkastiko sakanya.
"Kamusta na kaya yung pangalawa mong nanay ano! Alam ko bang hindi pa ako hinayaran non!" Inis na sabi niya
"At ako ang ginawa mong kabayaran?"Inis kung sabi.
"Hindi! dahil ikaw ng kabayaran kung bakit namatay ang daddy ko! Dahil pinatay siya nang inay mo!"Galit niya sabi sakin at inilalapit pa nito ang kanyang mukha sakin na parang gusto niya akong tangalan nang ulo. "At ang Doña naman ay ang kabayaran don ay ang kayamanan!"Adik niyang sabi.
"Alam mo ba honney ang ginawa nang pangalawa mong ina sa tunay mong ina?"Dahang dahang sabi sakin nong babae "Inutusan lang naman niya kaming patayin ang ina mo at patayin ka! pero ewan ko don parang baliw eh! pinapatay ka samin pero inalagaan ka baliw talaga ano BALIW!" Malakas na sabi nong babae at sinampal na naman ako sa kung saan don ako sinampal nong lalaki.
"Oh bakit parang gulat na gulat ka? hahaha hindi ba sinabi sayo nong nanay mo? ang malandi mong ina!" Kung pwede ko palang sakalin ang mga taong to ay ginawa ko na pero bwesit mas lalo lang akong nasasaktan sa mga naririnig ko galing sakanila.
"Tigilan niyo yan!"Inis na sigaw ko sakanila at hinawakan nong lalaki ang panga ko at pabatong tinapon.
"Boss may tawag ka galing kay Mr. Duke" Sabi nang isang lalaki, kinuha niya ang cellphone na yun at agad niyang sinagot ang tawag.
"Oh Mr. Duke Magandang umanga" Masayang bati niya at yun lang yung narinig ko dahil lumabas na ito nang kwarto kasama ang lahat niyang kampon!
Tinignan ko ang mga paa ko na sumasakit na dahil sa taling to at dumodungo narin yung labi ko. Pagtalaga ako makalabas dito sisipain ko yung mukha nong lalaking yun!
"Hoy ikaw!"Sigaw ko sa isang lalaki na nakapantay sa pintuan pero hindi ako pinansin nito at sinirado niya ang pintoan.
Inikot ko ang aking kamay para mahawakan ang likod nang upuan na ito at mahina akong tumalon talon habang naka upo parin para makalapit ako sa pintanang meron dito. Habang ginagawa ko yun ay nawawalan na ako nang hangin dahil napakabigat nito kaya hindi ko na pinagpatuloy yun. Habang nasa ganon akong posisyon ay may nakita akong kamay sa bintanang yun kaya kung ano ano na naman ang pumasok sa isipan ko.
Tinignan ko ito ni minsan ay hindi ako kumurap dahil umaasa akong sasagipin ako nang taong to. Dahan dahan niya tinatangan ang glass window nayun at hangang ma ubos niyang tangalin yun at tsaka ko pa ito nakilala si DAX! at kasama niya si mama na nag tatangal din sa kabilang pintana.
Nong nakapasok na sila sa loob ay para silang lumalakad sa hangin dahil ni hindi ko man lang ako naka rinig nang ano mang ingay. Pumunta si mama sa aking likod at kinalagan ako sa kamay at paa habang si DAX naman ay nasa pintuan.
Nong nakalagan na ako ay nilapitan siya ni mama at kinausap at parang napipilitan pa itong sundin si mama. Kahit nag tataka ako kung bakit sila mag kasama at hindi na ako nag tanong sapangkat gusto ko nang makaalis dito. Dumaan kami sa kung saan ko silang nakitang dumaan at nabigla ko dahil napakataas nito at hindi ko kayang dumaan dito!
"Ma ayoko napakataas!"Sabi ko sakanya habang nasa kanyang mga mata ang paningin ko.
"Wag kang matakoy halika na!"Sabi niya at tinignan ko naman si DAX na walang kahirap hirap tumawid don.
"Bilisan mo kung ayaw mong mapahamak tayo" Sabi ni DAX kaya no choice ako nilabas ko yung paa ko don sa bintana at nagiginig pa ito dahil sa takot humawak ako sa pader don para hindi ako mahulog at dahan dahan akong sumusonod sa kanila. Habang sinusundan ko sila ay natatakot akong igalaw ang mga kamay ko, tinignan ko silang dalawa at nakababa na ito habang ako ay nandon pa.
"Bilisan mo!"Sabi ni mama sabay senyas sakin kaya hindi na ako nag dalawang isip na bilisan ang galaw ko.
This is a work of fiction. Name,Characters,Places,Businesses,
events and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner.any resemblance to actual person, living or dead or actual event is purely coincidental.
BINABASA MO ANG
DAX (Detective Agent X)
Mystery / ThrillerPaano kaya dahil sa isang mahalagang mission ay may bigla kang bagong naramdaman sa puso mo. Hindi ito takot kundi mas malala pa.