Chapter 11

513 16 0
                                    

DAX Pov

Nakabalik na ako ngayon sa Cebu at nasa labas na ako ngayon ng bahay nang mga Dela Zie.

"Bakit hindi ka pa pumasok?"Tanong sakin ni Nicole habang nasa likod ko ito.

"Hinihintay ko kasing may lumabas dito"Sabi ko at tinignan siya.

"Bakit ngayon ka lang?"Mataray niyang sabi.

"Bakit na miss mo ba ako?"Mayabang kung sabi sakanya at lumaki na man ang kanyang mga singkit na mata.

"Anong sabi mo?"

"Narinig mo na hindi na kailangang ulitin Ma'am"Nakangiti kung sabi sakanya at talagang na inis naman ito sakin.

"Sino siya?"Tanong ni Sofia kay Nicole. Lintek hindi pa ba siya umalis?

"Driver ko"Sabi niya at nakatingin pa sa mga mata ko.

"Driver? akala ko naman"Sabi ni Sofia with matching tawa nang peke.

"Pumasok na tayo"Binuksan ko an kanilang gate at pumasok na silang talagawa don at pagkatapos ay sinirado ko ito at sumunod sa kanila papunta sa loob ng mansion nila.

"Nakabalik na pala ang driver mo"Sabi ni Kurt

"Yeah ngayon lang"Sabi ni Nicole. "San ang punta niyo?"Tanong niya sakanyang kapatid dahil naka suot ito nang pormal na damit.

"May pupuntahan kami ni Daddy"Sabi niya at inayos ang kanyang polo at ang kanyang neck tie na hindi ma ayos ayos.

"Gusto mo bang ayusin ko yung neck tie mo?"Tanong sakanya ni Sofia at ikinabigla naman namin lahat nang yun. Lumapit sakanya si Sofia at inayos nga ang kanyang Neck tie. "Oh ayan okay na"Sabi niya at lumayo na kay Kurt na ngayon ay hindi makapaniwala.

Nagpaalam si Nicole sa kanila na aakyat na ito sa itaas dahil mag papahinga pa ito at sumunod naman sa kanya si Sofia kaya sumunod na rin ako sa kanila. Pagdating ko don ay agad na akong pumasok sa aking kwarto at may nararamdaman akong may tao sa loob nito.

Pumasok ako sa loob at tama nga yung hinala kung may tao dito dahil nandito sa loob si Sofia na naka upo sa aking kama.
"Anong ginagawa mo dito?"Tanong ko sakanya.

"Kamusta ang pagtuturo?"Tanong niya sakin.

"Okay lang"Maikli kung sagot sakanya
"Kailan mo balak umalis dito?"Tanong ko at napaisip naman ito

"Kung gusto mo bukas ako aalis"Sabi niya at tumayo sa pagkakaupo niya at dahan dahan itong lumapit sakin.

"Anong ginagawa mo?"Tanong ko dahil inilalapit nito sakin ang kanyang mukha
"Stop Sofia"Sabi ko sakanya dahil hahalikan sana ako nito.

"Whats wrong with you? "Tanong niya sakin.

"Nandito ako para sa mission ko hindi para diyan!"Sabi ko sakanya at parang ma insulto naman ito "Lumabas ka nga!"Sabi ko sakanya at lumabas naman ito ng kwarto. At ilang saglit ay may biglang kumatok sa pintuan ko.

"Be ready may pupuntahan tayo"Sabi ni Nicole nong nabuksan ko na yung pintuan.Sinirado ko na yung pintuan nong makaalis na ito at nag ayos na ako para sa aming pupuntahan.

"San po ba tayo pupunta ma'am?"Tanong ko sakanya.

"Sa Pampanga"Sabi niya at sinimulan ko na itong pa andarin. Habang nasa byahe kami ay hindi ko mapigilan tignan ito dahil napaka lalim ng kanyang pag iniisip.

Matapos ang ilang oras at nasa Pampanga na nga kami at itinuro nito sakin kung saan kami dadaan.

"Sigurado ba kayo sa dinadaanan natin Ma'am?"Paninigurado ko sakanya dahil lahat nang dinadaanan namin ay puros malalaking kahoy at walang masyadong bahay dito.

"Oo sundin mo na nga lang ako"Sabi niya at sinunud ko naman ang nga sinasabi niya. "Dito lang"Huminto kami sa isang napakadilim na gubat.

"Anong gagawin natin dito?"Tanong ko sakanya dahil napakadilim dito at walang ni isang ilaw. Kinuha niya yung kanyang flashlight at binuksan ito. "Susunod ba ko?"Tanong ko sakanya at inis naman akong tinignan nito.

"Kaya nga kita sinama diba?"Mataray niyang sabi kaya sumunod na lang ako sakanya.

Nicole Pov

Nasa pampanga kami ngayon dahil may nakuha akong lead galing sa aking private investigator na dito ko daw matatagpuan ang taong pasimuno nong pagsabog sa mall.

Nasakaligitnaan kami ngayon ng gubat at napakalamig ng hangin na dumidikit sa aking katawan, at may mga naririnig naman akong uni ng kung ano anong hayop na nandito.Tinignan ko yung kasama ko na parang walang takot na pumasok dito.

"Bakit ka tumitingin sakin? Tanong nito habang naglalakad parin kami.

"Ano nga ulit pangalan mo?"Tanong ko sakanya dahil wala na akong maisip na sasabihin.

"Sinama mo ako dito tapos hindi mo ako kilala?"Nakangiti niyang sabi kaya napahinto ako sa aking paglalakad
"Hindi ka ba natatakot na isama ang isang tao kahit hindi mo kilala?"Sabi niya sakin at nilapit ang kanyang mukha sakin. Shit bakit ko nga ba ito sinama?

"Anong gagawin mo?"Tanong ko sakanya at inilagay niya ang kanyang kamay sa aking likod wtf.

"Wag kang gumawa ng ingay shhhh"Sabi niya at idinikit ang kanyang darili sa aking labi at ang kanyang mga mata ay kung saan saan ito pumapadpad.

"Anong ginagawa mo?"Tanong ko dahil nag simula nang mag karera ang aking puso. Dahil napakatahimik ng gubat nito tanging an naririnig ko lang ang ihip nang hangin at ang mga tunog nang dahon.
"Hindi lang tayo ang nandito?"Tanong ko sakanya dahil rinig na rinig nang aking tenga ang footstep nang isang tao.

"Kapag sasabihin kung takbo ay tumakbo ka"Sabi niya at maslalong bumilis ang tibok ng puso ko na parang hindi na ako makahinga. "Takbo"Sabi niya at itinulak ako nito nang mahina at sinimulan ko nang tumakbo. Sa aking pag tatakbo ay may narinig akong isang putok ng baril kaya napahinto ako at tumingin sa kung saan nandon yung driver ko.

"'Shit"Bulyaw ko dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon umupo ako sa isang gilid nang malaking kahoy at don sinimulang umiyak dahil narin sa takot ko.

"Nicole"Pagkatapos kung marinig ang isang salitang yun ay bigla na lang dumilim ang paningin ko. "Ma'am ma'am"Nagising ako sa isang mahinang pag tapik sa aking pisngi.

"Nasan tayo?"Tanong ko sakanya inilibot ko yung aking mga mata at napakadilim ng paligid.

"Nasa kubo tayo"Sabi niya sakin. Tinignan kong mabuti ang kanyang mukha at ang kanyang katawan "Anong tinitingin mo?" Tanong niya sakin.

"Hindi ka tinamaan nang bala?"Tanong ko sakanya at umiling lang ito sakin.

This is a work of fiction. Name,Characters,Places,Businesses,
events and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner.any resemblance to actual person, living or dead or actual event is purely coincidental.

DAX (Detective Agent X)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon