Special Chapter

1K 21 5
                                    


Mahigit isang taon na ang nakalipas at ngayon ay nakasuot na ako ng wedding gown habang tinatahak ang red carpet pa punta sa harap ng simbahan.

"Ako yung hahawak sa gown mo"Sabi ni Sofia at inaayos ang pag kahawak niya sakin puting gown "Kasal niyo na talaga" Sabi niya at hindi rin ako makapaniwala dahil ni hindi nga ako niligawan non eh!

Flashback

"Ano yayain mo ako mag pakasal ni hindi mo nga ako ni ligawan"Sabi ko habang nasa harap kami ng building ng kompaniya namin at napakarami ng taong nandito ngayon at nanonood sa kanyang ginagawa.

"Hindi ako marunong manligaw"Sabi niya at parang nahihiya pa. Dahil napakahina ng kanyang boses at hindi na ito kagaya nong dati dahil naging sweet ito.

"Bala ka sa buhay mo"

"Ano sagot mo?"

"Ewan ko"

"Anong ewan mo hoy sagutin mo ko oo at hindi lang!"Bwesit nato ni hindi nga ako niligawan tapos gagawa siya ng liveshow na ganito para mag propropose!

"Oo na"Sabi ko at nag hiyawan naman ang mga trabahante namin sa kompanya at ang ibang taong nanonood.

"Anong oo na?"

"Ang slow mo!"Sabi ko at hinila ko siya pataas at hinalikan at nong araw nayun at wala akong naramdamang hiya sa nga taong nandon dahil anag alam ko ay masaya ako.

End of Flashbacks

Bumukas na yung pintuan at kitang kita ko si DAX don at parang inip na inip na sakakahihintay. Lumapit sakin si mama at daddy at sila yung nag hatid sakin sa altar at si Sofia at yung kasama niyang babae ang humawak sa likod ng gown ko.

"Ikakasal ka na nga"Bulong ni mama sakin

"Ni hindi nga ako niligawan eh"Sabi ko kaya natawa naman sila ni daddy at nong nakarating na ako sa harapan niya ay tinignan lang ako nito ng walang emosyon.

"Anong tinitingin mo diyan!"Sabi ko baka kasi nakalimutan niya yung tinuro samin kahapon.

Kinuha niya yung kamay ko kay daddy at sabay kaming umupo sa harap ni Father at sinimulan na nila kaming ikasal.

"Ikaw babae tinatagap mo bang maging asawa itong lalaki na ito sa hirap at ginhawa hangang sa kamatayan?"Tanong sakin nong Father.

"Opo Father"

"Ikaw lalaki-"Hina na natapos ang sasabihin ni Father dahil agad na itong sumangot.

"Oho Father"Tang-in*ng lalaking to.

"Pwede mo nang halikan ang asawa mo"Inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa aking bewang at nilapit niya ang kanyang mukha sakin at binigyan ako ng matamis na ngiti ng isang DAX.

"I love you"

"Buti naman nag iloveyou kana tsk!"Sabi ko dahil ngayon lang niya sinabi sakin yan

"Dahil gusto kong sabihin ang word nayun sa babaeng paninindigan ko kaya wag ka ng mag reklamo pa!"Sabi niya at natawa naman ako at si Father

"Iloveyoutoo Detective Agent X"

This is a work of fiction. Name,Characters,Places,Businesses,
events and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner.any resemblance to actual person, living or dead or actual event is purely coincidental.

DAX (Detective Agent X)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon