Chapter 5

1K 32 0
                                    

DAX Pov

Nasa laguna parin ako ngayon dahil gusto kung sabihin sakanila ang mga bago kung nalalaman tungkol sa pamilyang yun.

"Nandito ako dahil gusto kung sabihin ang mga nalalaman ko"Sabi ko sakanila

"Ano yun?"Tanong ni Sofia

"Tawangin mo muna si Mr. Blods"Utos ni Detective A kay Sofia at sumunod naman ito. Hinintay pa muna namin si Mr. Blods bago ko sinabi ang gusto kung sabihin dahil kailangan siya dito dahil siya yung nag bigay ng mission na ito. Umupo kami sa isang malaking mesa at sinuot namin yung eyeglasses namin hindi lang ito basta bastang eyeglasses dahil pag sinuot mo ito ay mapupuno ang malaking mesa dahil mag dodoble ang mga mukha ng mga nakaupo sa mesa.

"Si Ms. Nicole Dela Zie ay hindi tunay na anak ni Doña Riza Dela Zie dahil ang ina nito ay isang mahirap na babae lamang pero ang kanyang tatay ay si Don Greek Dela Zie. At si Kurt Dela Zie naman ay ang tunay na anak ni Don at Doña Riza"Kwento ko sakanila "At ang mga totoo nilang mga pangalan ay si Nicole ay si Nizika at si Kurt naman si Keith, Iniba nila ang kanilang mga pangalan para hindi sila agad mahanap ng batas, Si Keith ay nakulong na ito ng apat na taon dahil sa pagnakaw ng pera, Habang si Nizika naman ay iniba ang kanyang pangalan dahil kinamumuhian nito ni Doña Riza noon" Kwento ko at parang hindi naman makapaniwala si Sofia

"Ang ganda ng pangalan ah! Bakit naman kinamumuhian ni Doña Riza si Nizika? Alam ba ng babaeng yun ang tunay niyang pangalan at ang ginagawa ng kanilang pamilya?"Tanong ni Sofia

"Hindi niya alam at hindi din niya alam ang mga ginagawa ng kanyang pamilya ang tanging alam lang niya ang kung sino ang kanyang ina yun lang"

"So yung anak ni Don Greek na lalaki ay kapatid niya lang sa ama? At sino naman ang kanilang ka partner sa kanilang negosyo?"Tanong ni Mr Blods

"Si Mr.Craze ang kanilang supplier at meron silang laboratory sa Pasig sa Padua"Sabi ko at binaba na yung eyeglasses.

"Anong ginagawa ng babaeng Dela Zie sa manila?"Tanong sakin ni Detective A

"Nakipagkita sa isang kaibingan na lalaki"Sabi ko "At ngayon ay may gagawing kababalaghan ang mga Dela Zie sa kanilang Bar"Sabi ko

"Pupunta ka? Sasama ako"Sabi sakin ni Detective A at tumango naman ako. Pagkatapos naming mag usap ay lumabas na kami sa meeting room at sa camp dahil ngayon ay pupunta kami sa Bar nila Nicole. Pagdating namin don ay nag bihis ako ng damit isang pulong black at may necktie ito para dali akong ma pansin ng mga taong to

"Gwapo ahh pang business man ah"Sabi ni Sofia

"Talagang sumunod ka pa?"Inis kung sabi sakanya pero nginitian lang ako nito. Pumasok kami sa loob ng bar at ayon na naman yung napaka ingay na music at ang mga usok.

"I miss this felling"Hiyaw ni Sofia kaya sinamaan ko ito bg paningin.

Pumasok kami sa pinakaloob ng bar at don nakita namin ang mga Dela Zie na nakikipag usap sa isang lalaki.

"Sino yung lalaki?"Tanong ni Sofia kinuha ni Detective A ang scanner at tinapat ito sa mukha nong lalaki.

"Siya ay si Dominic" Sabi ni Detective A pumunta kami sa isang table na malapit lang sa kung saan sila nag uusap hindi namin marinig yung pinaguusapan nila dahil napakalakas ng music dito. Kinuha ko yung isang mini recorder para makinig ang pinag uusapan nila.

"Ako na lang yung mag lalagay"Sabi ni Sofia at kinuha sakin yung recorder. Lumakad siya papunta sakanila at dumaan sa kanilang harapan at hinulog kunyari yung kanyang telepono. Dahil sa ginawa niya ay tinignan ito ni Kurt at pinipilit na sinisilip ang kanyang dibdib. Tumayo si Sofia matapos ilagay yung recorder sa ilalim ng kanilang lamesa at kinindatan niya pa si Kurt.

"Ang galing ko no"Pagmamayabang pa nito

"Tsk!"Sabi ni Detective A sakanya. Kinuha ko yung cellphone ko dahil nakaconnect yung recorder sa cellphone ko at don namin maririnig ang mga pinaguusapan nila.

"It's a Deal?"Tanong ni Mr. Dominic

"I think no kasi masyadong maganda ang pagkagawa namin don kaya dapat maganda din ang halaga"Sabi ni Don Greek

"So ano ang gusto mong sabihin?"Tanong ni Mr. Dominic

"Baka kailangan nating taas ng kunti 2.5 Million"Sabi ni Don Greek

"Sigurado ka bang maganda yan?"Tanong ni Mr. Dominic

"Of course lahat ng mga ginagawa namin ay hindi palpak!"Sabi niya

"Okay deal kailan tayo mag papalitan"
Tumatawang sabi ni Mr.Dominic

"Bukas ng Gabi"Sabi niya at tinignan namin ito at napakalaki ng ngiti niya. Pagkatapos nilang mag usap ay tumayo na si Mr.Dominic at lumabas na ng bar.

"Tignan mo panay linga linga nong lalaking Dela Zie"Sabi ni Detective A kay Sofia pero tinignan niya lang ito ng masama.

"Pasukin ko kaya buhay niya?"Tanong kunyari ni Sofia at tumitingin pa ito sakin

"Ayaw mo bang mag pahinga?"Tanong mi Detective A sakanya "Kung ako sayo Sofia ay dapat wag kang magpakilala or magpakita dahil baka may maitulong ka sa mission na ito"Sabi ulit ni Detective A

Pagkatapos naming ubusin ang inomin namin ay sabay sabay kaming tumayo at lumabas ng bar na iyon at nakita namin don si Don Dela Zie na may binibigay sa isang lalaki isa itong diamond. Sinandiya naming dumaan sa harapan nila pero hindi nila kami na pansin na mukhaan ko yung lalaki at parang nakita ko na ito.

"Parang nakita ko na yung lalaki ah"Sabi ni Sofia sakin nong sinabi niya yun ay sigurado na akong nakita ko na yun.

"Nakalimotan mo ba kung sino siya?"Tanong ko sakanya at tumango naman siya.

"Siya lang naman yung tumalikod sa ating trabaho si Bench leodiko"Sabi ko sakanya at napatakip naman ito sa kanyang bibig tsk! si Bench ang isa sa amin at dahil sa tryador siya ay ipapakulong sana siya pero hindi ito na kulong dahil may isang taong tumulong sakanya at yun ay si Sofia.

This is a work of fiction. Name,Characters,Places,Businesses,
events and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner.any resemblance to actual person, living or dead or actual event is purely coincidental.

DAX (Detective Agent X)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon