Prologue

791 17 0
                                    

Nandito ako ngayon sa library at pumipili ng librong babasahin.

Napansin ko ang medyo lumang libro.

Bubuksan ko na sana ang libro para simulang basahin ng bigla na lang may humila saakin.

"Aray!" Daing ko ng pwersahan ako nitong ipinasok sa storage room.

"Ssshh... Valerie, ako 'to si Jessa." Kumalma naman ako at handa na sana akong baliin ang kamay niya.

"Oh? Jessa? Bakit tayo nandito?" Takang tanong ko.

Siya si Jessa my second bestfriend dito sa All-girls high school.

Bumuntong hininga ito at bahagyang naglakad palayo saakin.

"I have a secret to tell you." Sabi niya.

Parang bigla na lang akong kinabahan na ewan.

"Ano naman 'yon? Don't tell me tomboy ka? Hahaha!" Biro ko.

Nanlaki naman ang mata niya.

"Hoy! Binibiro lang kita, ano nga kasi 'yon?" Sabi ko.

"Kung sasabihin ko sayo, don't freak out okay?" Sabi nito.

"Okay." Casual na sabi ko.

Mga ilang beses muna siyang malalalim na huminga.

"Lalaki ako."

Napuno ng katahimikan ang buong kwarto.

"Ppfft...HAHAHAHAHAHA!" Tawa ko ag napahawak sa tiyan ko.

Napatingin naman siya sakin ng pagtataka.

"HAHAHAHA! PUCHA! Jessa! Nakakatawa talaga iyang biro mo!" Tawa parin ako ng tawa.

Lalaki? Sa isang all-girls school? Hahaha!

"Hindi ka talaga naniniwala saakin ano?" Seryoso niyang sabi kaya napatigil ako.

"Ano bang pinagsasabi mo Jess?" Takang tanong ko.

"Pumikit ka." Utos niya.

Kahit nagtataka ako sa pinagsasabi niya pumikit ako.

Nakarinig ako ng parang tela na hinuhubad at tali na...basta! Ewan.

"Pwede ko na bang buksan?" Tanong ko ng wala na akong ingay na marinig.

"Sige, open your eyes."

Nang imulat ko, bigla namang bumungad saakin ang isang lalaking naka-half naked at nakasuot lang ng boxer.

Kamukhang-kamukha siya ni Jess--Holy molly! Don't tell me?!

"Naniniwala ka na ba?" Tanong niya gamit ang baritonong boses.

"Ha..haha..haha..." tawa ko na parang baliw.

Bago pa ako makapagsalita ng maayos nakaramdam ako ng pagkahilo at naduling ang paningin ko.

"Isa kang..la..la..ki..." huling banggit ko ng maramdaman kong bumagsak ang buo kong katawan.

*BLLAAAG!*

"Valerie! sh*t!"

Mission In Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon