Chapter Ten

138 3 0
                                    

"Alam kong gising kana."

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at sumalubong saakin ang blangkong tingin ni daddy.

Iniwas ko bigla ang tingin ko. Totoo ngang isang mafia ang ama ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya, umikot siya sa kama at umupo sa gilid ko.

Napansin kong nasa kwarto ko pala ako.

Tumango ako bilang sagot habang iniiwas parin ang tingin ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya at tumayo papunta sa pintuan ko.
Pero bago niya buksan ang pintuan may sinabi siya.

"Pag gumaling kana, tyaka namin sasabihin ng mama mo ang totoo." Nang masabi niya 'yon ay tuluyan na siyang lumabas.

Naiwan akong mag-isa sa kwarto ko, di ko alam ay bigla na lang akong napaluha.

My life has been a lie!

I always hated criminals simula nung bata pa ako, when I was a kid someone also tried to kidnap me.

Tapos nalaman ko ay isa rin si daddy at mommy sa mga masasamang tao. They are also the reasons kung bakit nadadamay kami ng kapatid ko.

~*~

Isang buwan na ang nakalipas simula ng insidente, gumaling narin ang sugat ko.

Pero ang pagtingin ko sa mga magulang ko ay nag-iba na, tuwing sabay kaming kumakain, hindi na kami masyadong nag-uusap.

"Miss Valerie, pinapatawag ka ng daddy mo sa baba." Sabi ng maid saakin.

Sasabihin na ata nila saakin ang totoo.

"Sige, susunod ako." Sabi ko at nag-ayos ng sarili.

Pagbaba ko ng hagdan nakita ko ang mga magulang kong nakaupo sa sofa.

Mabuti na lang at nasa school si Dwight.

Napatingin sila saakin ng lumapit ako at umupo sa single na sofa.

"Ano ba ang sasabihin niyo saakin?" Walang kaemo-emosyong tanong ko.

Tumingin si mommt kay daddy na para bang sinesenyasan niya ito na magsalita.

"Valerie, we wanted to tell you this when you become eighteen pero ngayong alam mo na.." - daddy.

Next year pa pala nila sasabihin? Ano yun panira sa debut ko?

"Aaminin namin sa'yong mga mafia kami, pero hindi kami masasamang tao tulad ng naririnig at nakikita mo sa palabas." - mommy.

"Pero pumapatay parin kayo?" Malamig na tanong ko.

Natahimik silang dalawa at napaiwas ng tingin saakin.

"Anong pinagkakaiba nun sa masamang tao kung pumapatay ka rin ng tao?" Tanong ko.

"That's not it, Valerie, pumapatay kami ng masasamang tao, tumutulong kami sa mga polisya sa mga taong mas masama pa saamin." Pagpapaintindi saakin ni Daddy.

Ganun lang ba ang rason nila? Hindi parin naman magbabago na pumapatay sila ng tao.

"Pati ba sina lolo at tito Kaizo ay kasali dito?" Tanong ko.

Natigilan sila saglit bago nagsalita.

"Oo, ang mga Taishikage ay mga yakuza sa Japan, ang pinsan mong si Zion ang nagl-lead nito ngayon kasama niya ang kapatid mong si Reiji." Natigilan ako ng bigkasin ni daddy ang pangalan ng kapatid ko.

Si Reiji?

"Bakit nasama si Reiji? Anong yakuza?" Tanong ko.

Bakita nadamay si Reiji dito? Ang akala ko nag-aaral lang siya sa Japan at walang yakuza-yakuza na yan, four years ago nang pumunta su Reiji sa japan, 11 years old palang siya nun habang ako naman ay 13 years old, siya ang pangalawang panganay saamin.

Mission In Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon