~♤~
Valerie's POV
Boyfriend huh? Well I guess di naman masamang makipag kilala. Hindi naman siguro sinabi ni Jessa ang pagkatao ko nu?
"Anyway gaano na kayo katagal?" Nakangiting tanong ko.
Medyo pinipigilan kong tumawa kasi, pano ba naman halos magkasing tangkad lang sila ng boyfriend niya, ilan ba height ni Jessa? Nasa mga 180? 179cm?
"Isang taon pa lang kami.." sagot naman ni Finnegan.
"Hmm.. siguro mahal niyo talaga yung isa't isa! Nakakainggit naman.." sabi ko nang nakangiti sinigurado kong di mahalata ang pag sarkastiko ng boses ko.
Hindi kasi ako yung tipong may pake sa love life ng kaibigan or relatives ko. Umaakto lang ako na meron kasi kailangan.
"Haha.. kaya nga e." Sabi naman ni Jessa na para bang naiilang.
Bakit naman siya maiilang? Nahihiya ba siya? Ba't naman? Di kaya..... di niya talaga boyfriend ang lalaking 'to?.
Napangisi naman agad ako.
"Hmm? May problema ba Red?" Tanong ni Jessa.
"Ah! Wala, wala.." masyado atang halata ang ngiti ko.
"Kung mahal niyo nga talaga ang isa't isa, pwede ba kayong mag-kiss?" Sabi ko sabay ang pinaka-matamis na ngiti na meron ako.
Bigla namang namilog ang mata ng dalawa at kumipot rin ang bibig nila at nagtinginan na para bang diring-diri sa mukha ng isa't isa.
Pfft sabi ko na nga ba.... kingina self.. wag ka matawa. Think of sad thoughts, sad thoughts..
"Ahaha.. hindi n-na kailangan! HAHAH nahihiya kasi kami pag may ibang tao haha!" Sagot naman ni Jessa na halos mapunit na yung bibig sa kanyang pekeng tawa at ngiti.
"AHAHAHA! K-kaya nga B-BABE, ikaw pa naman yung hiyang hiya!" Sabi naman ni Finnegan na parehas rin ng ekspresyon ng mukha ni Jessa.
Think of sad thoughts Valerie!! Think of sad thoughts!
"Ahaha! Ang sweet-sweet niyo namang dalawa, baka nga totoo ang sinasabi ni Finnegan, Jessa baka ikaw iyong nahihiya.." pang-aasar ko.
"Anong ako? Ano kaba BABE wag kana mahiya, sinisisi mo pa ako e!" Sabi naman ni Jessa sabay hampas sa balikat ng lalaki.
"HAHAAHHA.. aray babe masakit ah!" Sabi naman ni Finnegan na may halong pagkairita at hinampas rin sya pabalik.
Lol
"Hehe..taena ka kasi babe! Kinikilig ako!" Sabi ni Jessa at sinuntok ang balikat nito. And by suntok as in yung tipong halos tumalsik na si Finnegan pero umayos lang ulit ito sa pag tayo at tumawa-tawa.
"HAHAHAH gaga ka babe ha!" Sabi na nito na may halong inis at hinila ang kwelyo ng damit ni Jessa at inuyog-uyog si Jessa.
"Inamo babe, bitawan moko."
"Ang kyut-kyut mo kasi babe, sarap mo sakalin kakagigil ka! Haha!"
Tama nga talaga hinala ko, sa akto ng dalawang 'to halatang di sila magjowa. Maya-maya nagtayuan na ang dalawa at nag sasakalan na.
BINABASA MO ANG
Mission In Disguise
Teen FictionMaganda siya, matalino. Pero alam mo bang lalaki siya? May misyon siyang dapat tapusin, he needs to protect the daughter of a powerful man at all cost. He pretends to be a woman in a school of girls. He's Casper Kyrvezkie He's in a mission in disgui...