Chapter Seven

143 3 0
                                    

Ito ang first chapter na magkaka-POV si Damian, ayieeeh. Btw siya ang ama ni Valerie at gusto ko lang batiin ang nakakakilala sa kanya at nagmahal sa kanya sa book 1 niya or should I say sequel.

Enjoy!

~♤~

Damian's POV

"Mom, kailan ba uuwi si ate?" Tanong ni Dwight sa mama niya habang nakanguso.

"I don't know dear, busy kasi siya kaya siguro matagal-tagal pa." Sagot naman ni Rem bago tumingin saakin.

Bumuntong hininga ako dahil alam ko naman kung saan mapupunta 'to.

Sinenyasan niya akong mag-usap kami kaya lumabas ako at nagpunta sa garden.

"Kailan mo ba balak pauwiin si Valerie?" Tanong niya na may dalang pag-aalala.

Sabi ko na nga ba ito nanaman ang tatanungin niya.

"I know, I know, sinabi kong papauwiin ko na siya pero di pa pwede remember." Pagrarason ko, lumapit ako sa kanya at aaktong yayakapin siya pero umatras siya saakin.

Medyo nasaktan ako dahil di ako sanay na lumalayo siya saakin tuwing nilalapitan ko siya.

"Its because of that stupid deal again with Mr. Kyrvezkie." Galit na singhal niya habang masamang nakatingin saakin.

"Ina-appreciate ko lang ang tulong niya sa pagbantay kay Valerie, also sayang naman ang inutang niya saakin at yun lang ang kapalit." Pagrarason ko at pilit paring lumalapit sa kanya pero ganun rin ang paglayo niya.

"Manahimik ka nga sa mga walang kwenta mong rason, Damian!" Oh no, galit na talaga ang asawa ko. Di niya akong tinatawag na Damian kapag di siya galitーI mean mad.

"It'll just be a couple of weeks or months." Sagot ko.

"Weeks or months?! Nag-aalala naako sa kanya, pati si Dwight nag-aalala na rin paano kung may masamang mangyari sa kanya, paano kung may manakit sa kanya?" Sigaw niya saakin, unti-unti kong napapansin ang pagtubig ng gilid ng mata niya.

Napapikit ako ng mariin ng alam kung anong susunod na mangyari.

Don't do it, Rem.

Maya-maya narinig ko ang paghikbi niya at ganun rin ang pagmulat ng mga mata ko.

She did it.

Bumuntong hininga ako bago lumapit sa pwesto niya, pilit na di pinapansin ang kirot sa dibdib ko sa mga hikbi niya dahil sa kagagawan ko.

Nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko siya, ini-expect kong itulak niya ako pero hindi. Gumaan ang pakiramdam ko dahil doon.

"I'm sorry... I'm sorry, promise ko na iuuwi ko si Rem, I'll just need a couple more days para ayusin ang problema sa organization ko." Nang masabi ko iyon bigla niya akong tinulak.

"So, wala ka pang balak na-iuwi siya? Ha?" Kunot noong tanong niya na may kasamang galit sa boses niya.

"Meron naman peroー"

"Then do it!"

Dahil na rin siguro sa stress ay napasigaw ako sa kanya.

Mission In Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon