Reminders!!
Dahil nga na-reveal na ang true identity ni Valerie, magiging iba na ang mga Point of View nila.
To be clear ang dating Valerie ay si Red na, at ang dating Red ay ang totoong Valerie.At tyaka baka malito kayo sa chapter na'to, ito ay flashback ni Valerie.
Very long update ahead! Enjoy!
____________________________~♤~
Valerie's POV
Ready na ako papuntang school, naka-ligo naako at naka-uniform.
Pababa ako ng hagdan ng makarinig ng mga tawanan mula sa sala.
"Tapos alam mo ba, Dwight, ang mommy mo dati lutang palagi utak niyan." Sabi naman ni daddy sa nakababata kong kapatid.
"Weh? Talaga ba mommy?" Lumingon naman siya kay mommy na walang emosyon sa mukha.
Mukhang nagalit ata.
Humalakhak lang si daddy sa naging reaksyon ni mommy at ganun rin si Dwight.
Siyam na taon ang tanda ko kay Dwight at mana siya kay mommy. Habang ako naman ay parang half mana kay daddy at half mana kay mommy.
"Damdam, alam mo bang dati pa yun? Baka gusto mo ikwento ko sa anak mo kung gaano ka patay na patay saakin." Nakangising saad naman ni mommy.
Ngumisi naman pabalik sa kanya si daddy, "Edi, ikwento mo, even now I'm still crazy for you." Sabat naman ni daddy.
Naningkit naman agad ang mata ko sa ka-cornihan nila.
"Yuck, ang aga-aga pa kaya ang ch-cheezy niyo na." Nakangiwing sabi ko, habang si Dwight naman ay puno ng pagtataka ang mukha.
Napatingin silang lahat saakin at binigyan ako ng matamis na ngiti.
"Good morning, sweety." Bati saakin ni mommy, lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisnge ganun rin kay daddy.
"So what's for breakfast?" Tanong ko.
"May eggs at bacon doon sa lamesa." Sagot ni daddy kaya mabilis ko naman hinanap iyon at sinimulang kinain.
Pagkatapos kong kumain ay nag-ayos muna ako ng sarili at hinihintay ang driver namin.
Sabay kasi kaming papasok ni Dwight, hindi naman kami parehas ng school pero nadadaanan rin kasi ng school ko ang school niya kaya sabay na kami.
Tumigil ang isang Van sa harapan ng bahay.
"Magandang umaga po, manong Rudy." Bati ko sa kanya nang lumabas siya sa sasakyan at pinagbuksan kami ng pintuan.
"Good morning rin, Miss Valerie at Dwight." Bati niya.
Ngumiti lang pabalik si Dwight sa kanya at yumuko din agad, ewan ko ba at parang napaka-hiyain nitong ni Dwight pagdating kay manong Rudy.
Nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan sinimulan na ring paandarin ni manong Rudy ang sasakyan.
Mga limang minuto ang nakalipas at huminto na kami sa tapat ng skwelahan ni Dwight.
BINABASA MO ANG
Mission In Disguise
Teen FictionMaganda siya, matalino. Pero alam mo bang lalaki siya? May misyon siyang dapat tapusin, he needs to protect the daughter of a powerful man at all cost. He pretends to be a woman in a school of girls. He's Casper Kyrvezkie He's in a mission in disgui...