Bibigyan ko po ng Point of View si Red at Valerie sa chapter na'to..
Thanks for 100 reads guys!
_______________________
Casper's POV
Mabilis natapos ang klase, may meeting kasi lahat ng teacher kaya meron kaming 1 hour vacant bago pumunta sa clubs namin, I mean nila pala.
Dito kami ngayon nakatambay sa library, si Valerie at Red ay nagbabasa ng libro habang ako naman naka-upo lang, di naman talaga ako mahilig sa libro.
Napagisip-isip ko kailangan kong makalapit kay Valerie pero di naman physically na makalapit sa kanya.
Pero paano? Napansin ko ang chess board na nasa lamesa na hawak-hawak ni Valerie.
Naka-isip kaagad ako ng plano.
"I need to go home, may emergency sa bahay ni tita, bye!" Paalam ni Valerie at mabilis na lumabas sa library.
Kumaway lang si Red sakanya habang nakatutok parin sa librong binabasa niya.
"Ahm, cr lang ako." Sabi ko at lumabas rin pagakalabas ni Valerie.
Sa totoo lang excuse ko lang 'yon, susundan ko si Valerie.
Nang malapit na kami sa gate ay napatigil na ako sa pag-sunod sakanya may sumundo kasi sa kanyang parang men in black.
Di pa kasi pwedeng lumabas ang mga studyante habang wala pang time kaya bumalik na lang ako sa library, atleast alam kong may sumundo sa kanya at wala siya sa panganib.
Nang makabalik ako, ganoon parin ang pwesto ni Red.
Napansin ko ang chess board.
"Hala! Naiwan ni Valerie yung chess board niya dito." Sabi ko.
Tumingin naman si Red sa gawi ko. "Edi bukas isauli mo... OA nito." Sabi niya.
-__-
Oh yeah, plano ko nga pala sanang sumali ng Chess club para makalapit pa kay Valerie at mabantayan siya ng maigi.
Hindi sa pag-mamayabang pero I'm a chess player myself noong bata pa ako, I played when I was a kid and went to different tournaments.
So, hindi naman siguro masama kung maglalaro ulit ah?
"Red, pwede mo ba akong samahang maglaro ng chess?" Pag-aaya ko sakanya at iniayos ang chess board.
Tumingin muna siya sakin at sinarado ang librong binabasa niya, umupo siya kaharap ng pwesto ko.
White siya habang ako naman ay ang black.
Ang first move ay sa kanya.
Siguro di naman siya ganoon ka galing ano?
A FEW MOMENTS LATER...
(Pakiramdam ko yung boses sa spongebob yung nagsalita eh.)"Checkmate..." sabi niya habang nakapatong ang isang kamay sa chin niya.
Ibinagsak niya ang king ko gamit ang queen niya.
"Ang bilis naman.." wala sa sariling komento ko.
It was only 5 moves talo na agad ako?!
Narinig ko ang buntong hininga niya. "Kaya nga eh, ang bilis naman.." reklamo niya bago humikab.
"Teka, ulit pa nga! Di pa ako ready nun practice lang yun!" Sabi ko at dali-daling inayos ulit ang chess.
Nang maayos ko na ni-rotate ko ang pwesto ng chessboard.
"Ako naman ang white, ikaw naman ang black." Sabi ko at nag-move.
BINABASA MO ANG
Mission In Disguise
Teen FictionMaganda siya, matalino. Pero alam mo bang lalaki siya? May misyon siyang dapat tapusin, he needs to protect the daughter of a powerful man at all cost. He pretends to be a woman in a school of girls. He's Casper Kyrvezkie He's in a mission in disgui...