Chapter Three

269 6 2
                                    

~♤~

Casper's POV

"Hhhaaaayyyyy...." mahabang sabi ko habang nakadapa sa sofa.

Bigla na lang akong dinaganan ni Ryder sa likod at umundag-undag pa talaga ang mukong sa likuran ko.

"Argh! Ano ba!" Pag-angal ko.

Masakit ang likod ko, lalong lalo na ang mga paa kong namamaga dahil sa sandals na suot ko.

"Kamusta misyon mo, Caspy? Marami bang sexy?" Tanong niya at ngumuya nang nachos na nasa maliit na coffee table.

Napansin ko na suot-suot niya ang black curly wig na ginamit ko.

"Shuttap, Ryder." Walang ganang sabi ko at itinulak siya mula sa likuran ko.

Natumba naman siya pero tumayo naman kaagad.

"Okay lang ba yung voice changer na binigay ko sa'yo?" Biglang sulpot naman ni Azkael habang naka-cross ang dalawang braso niya.

"Yup." Sagot ko naman.

"How was the school? Was it heavenly?" Pilyong tanong ni Finn habang tinitigan ang brang suot ko kanina.

Napa-irap na lamang ako.

"Wwoooaahh!! Saan mo natutunan yan pre?! Sa mga girls ba doon??" Di makapaniwalang tanong ni Ryder.

"Ang alin?" Ako

"Yung ganito oh...ganyan..ganyan." sabi nito at idinuling-duling ang mata, may papikit-pikit pa ng mata ang baliw.

-__-

"Mukha kang tanga Ryde." Komento ni Finn.

"I agree." - Kael (Azkael)

"Ah! Basta! Change topic!" Inis na sabi ni Ryder at inilugay ang wig na nasa ulo niya.

"Kamusta first day ng misyon mo?" - Kael.

Finally! Isang matinong tanong.

"Medyo mahirap, pero madali ko lang nahanap ang anak ni Mr. Devlin." Sagot ko.

"Yown! Maganda ba? Sexy? Matalino?" Finn.

"Oo, oo at oo" sagot ko.

"Edi swerte mo na, nasa school ka ng mga babae, napapalibutan ka ng mga sexy at magagandang babae, at makakasama mo pa ang anak ni Mr. Devlin, how to be you po??" Ryder.

"How to be me?? Heh, try mong umutang ng 50 million dollars, at kapalit noon ay pagbantay sa anak, tapos mag-papanggap kang babae, suot-suot ang palda, bra at lalong-lalo na ang wig." Walang ganang sabi ko.

"Ohhh...wag na lang pala." Ryder.

"Ano bang itsura ng anak ni Mr. Devlin?" Azkael.

"Teka lang..." tamad kong inilabas ang cellphone ko at pumunta ng gallery. "Ito oh.."

Bigla nilang kinuha ang cellphone ko at pinag-agawan pa nila.

"Wow, ganda pre." Finn.

"She's pretty." Azkael.

Sari-saring komento ang narinig ko sakanila.

"She's a beauty, pero mas nagagandahan ako sa babaeng nasa likuran niya." Seryosong sabi ni Ryder habang hawak-hawak ang cellphone ko.

Nangunot naman ang noo ko, babaeng nasa likuran?

"Give me that!" Sabi ko at inagaw ang cellphone sa kanila.

Tinitigan ko ang background ng picture, ito yung picture na kinunan ko habang magka-usap kami ni Valerie at tumayo si Red para om-order ng tubig.

Pero si Red lang naman ang nasa likuran ni Valerie.

Mission In Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon