Chapter Eleven

150 3 0
                                    

~♤~

Casper's POV

Naka-uwi ako ng mag-aalas otso na ng gabi, pagbukas ko palang ng pinto sinalubong naako ng mga kaibigan ko.

"Brad! San ka galing?!" -Finn.

"Na-rape ka ba?! Gangbang?!" - Ryder.

"Saan ka nanggaling at ngayun ka lang umuwi?" Kunot noong tanong ni Azkael.

Tinitigan ko silang lahat ng masama bago sunod-sunod na pinag sasampal.

"Anong pinag-sasabi niyo?!" Sigaw ko.

"Wala naman, teka.. ano bang nangyari sa'yo?" Tanong no Finn habang nakahawak sa pisnge niya.

"Nagabihan lang ako sa school, ang o-OA nyu!" Singhal ko sa kanila.

"Bakit kaba nagabihan?" Tanong naman ni Ryder at sinarado ang pinto.

"Basta..." walang ganang sabi ko habang tinatanggal ang wig at isinampay ito sa ulo ng isang mannequin.

Ngayon naka-uniform na lang ako at normal na panglalaki na ang buhok ko.

Dumeritso ako sa sofa at nag-dive ng nakadapa dito.

Argh!... ang sakit ng ulo ko! Ang rami ko na atang iniisip, myghad! Ang hirap ng sitwasyong pinasok ko!

"Oi! Cas, ano bang nangyari't para kang na-holdap?" Tanong ni Finn na nasa gilid ko.

Sasabihin ko sa mga kaibigan ko kung ano ang nangyari o hindi?

"Ah, may pinagawa kasi ang teacher saakin kaya nagabihan ako, favorite student kasi ako eh." Pagsisinungaling ko.

Siguro di ko muna sasabihin habang hindi pa malinaw ang lahat.

"Hmm.. ganun ba?" Sabi naman ni Ryder habang nakahawak sa chin niya na para bang may malalim na iniisip.

"Nga pala, Cas, sa susunod na bukas aalis na kami tapos naman na ang one month namin dito sa suite mo." Wika naman ni Kael (Azkael).

"Mabuti naman kung ganun at magagawa ko na lahat ng tahimik." inaantok na sabi ko.

"Luh? Di man lang kami pipigilan?" - Finn.

"Bakit naman? Eh para kayong mga bata kung andito kayo eh, dagdag lang kayo sa trabaho ko." Reklamo ko bago tumayo at naglakad patungo sa kwarto ko.

"Nga pala, yung papa mo tumawag kanina."

Natigilan ako sa sinabi ni Ryder.

"Ansabi?" Tanong ko.

"Wala naman, nangangamusta lang.." sagot naman ni Ryder.

Bumuntong hininga na lang ako sa dismaya ng narinig ko.

As expected, wala namang paki ang ama ko saakin, may paki lang naman siya sa kompanya at sa pera niya.

Hinubad ko lahat ng damit ko at inilagay sa washing machine.

Naghilamos muna ako ng mukha para tanggalin ang mga make-up at kolorete sa mukha ko. Tinignan ko ang sarili sa salamin.

I still can't believe na nagpapanggap akong babae sa mukha kong ito.

Napatingin ako sa katawan ko.

Medyo natawa ako kasi pumayat talaga ako, nawala ang pinaka-iingatan kong mga muscles at napalitan ng baby fats.

Tyaka mabuti na lang at hindi napapansin nina Valerie at Red ang walang ka-curve-curve na katawan kong ito. Parang straight nga eh.

Napagpasyahan ko nang maligo dahil sa kadal-dalan ng isip ko.

Mission In Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon