~♤~
Reiji's POV
"We ordered you to bring your sister home, and you gave her one month?" Singhal saakin ni kuya Zion.
Napakamot naman ako ng batok dahil alam kong wala akong masasagot na maayos. Ano ba ang magagawa ko? I haven't seen my sister in years, tapos unang-una kong gagawin sa kanya ay kunan siya ng kalayaan?
"I know it's unreasonable, but it's the last time for her, okay?" Sagot ko naman.
Isang mahabang buntong hininga ang lumabas mula sa bibig niya at hinilot ang sintido niya, "Ano na lang sasabihin ko sa ama mo at kay tita?".
"Hindi naman ikaw ang kailangang mag-sabi sa mga magulang ko, ako na ang bahala dun, hindi mo naman kasalanan, I take full responsibility." Sabi ko habang itinataas ang kanang kamay ko as a sign of a promise.
"Tch, fair enough." Sabi ni kuya Kaizo at umupo sa sofa. "Anyway, habang andito tayo sa pilipinas, tumulong-tulong ka muna sa kompanya niyo."
"Alam ko, alam ko.." sagot ko na lang.
~♤~
Valerie's POV
"Hn.." tumagilid ako at niyakap ang kung kung ano mang bagay na nasa tabi ko, pero agad akong nagtaka ng wala akong maramdamang unan kundi foam lang.
Maya-maya naamoy ko ang kakaibang amoy sa paligid, this doesn't smell nor feel like my room. Nang matano kong hindi talaga ganito ang pakiramdam ng kama agad kong minulat ang mga mata ko at tumambad saakin ang hindi pamilyar na kwarto.
Huh?
HUH?
HUHHHHHHHHHHHH?!
Palundag akong napabangon sa pagkakahiga at dali-daling sumiksik sa corner ng kwarto.
Ano 'to? Ano 'to??? Asan ako? Abduction?? Kidnapping? Prostitution?? Rape?? Maderpader naman!
Mas nag-panic ako nang sobra ng marinig ang mga yabag na patakbong papalapit sa kwartong ito.
*BAAM!*
Padabog na binuksan nito ang pintuan na para bang galit na galit gustong manakit.
"FINNEGAN??!"
"Red?? Gising kana?" Nanlalaking mata na tanong nito.
"Halata naman diba?! Asan ako?? Bakit andito ka?? Ikaw ba ang kumidnap saakin?!" Sunod-sunod na tanong ko.
"Anong pinagsasabi mo? Kalma ka nga lang muna, chill bro.." sabi nito at senenyas ang mga kamay na huminga.
Nag-inhale, exhale muna ako at nang kumalma ako binigyan niya ako ng baso ng tubig.
"By the way, si CaspーJessa ang nagdala sa'yo dito sa bahay niya, nilagnat ka daw sa school at uwian na kaya dinala ka na lang niya dito." Pagpapaliwanag niya.
"Asan ba siya?" Tanong ko.
Nanlaki nanaman ang mga mata niya at nagsisimulang mag-panic. "Umm..ano.. natutulog pa kasi siya.. uh.. wait lang!" Sabi nito bago patakbong umalis at pumunta ata sa kabilang kwarto.
BINABASA MO ANG
Mission In Disguise
Teen FictionMaganda siya, matalino. Pero alam mo bang lalaki siya? May misyon siyang dapat tapusin, he needs to protect the daughter of a powerful man at all cost. He pretends to be a woman in a school of girls. He's Casper Kyrvezkie He's in a mission in disgui...