Belongingness

474 48 0
                                    

BELONGINGNESS

"Who would even care?"

L A N C E Useda

December 8, 12:34 am.

District 2, Local Precinct, Oedipus HQ.

Hindi. Ako. Makapaniwala.

The whole room stared at them, Mia and Twelve, with dumbfounded expression etched on their faces. Mistulang nalaglag na nga ng tuluyan ang panga ni Twelve nang nilapag ni Mia ang isang folder sa harapan niya. A case file issued by the Chief himself just for the Third Eye?!

Magugunaw na ba ang mundo bukas?!

"L-L-Legit?!" Hiro exclaimed and ran towards the table. Mas lalong nanlaki ang mata niya nang makitang totoo ngang may folder sa lamesa, kala mo di siya singkit. "Oh, my God."

Ash let out a laugh, "Anak ng tokwa, akala ko di na dadating ang araw na 'to!"

Crysa wiped a fake tear from her eyes, "I-I'm very much h-happy,"

"Kailangan kong mag-rosaryo mamaya," Von made a sign of the cross.

Wala pa ring reaksyon si Twelve at mukhang tuluyan na ngang nabato ang tingin sa puting folder. I heaved a sigh as I sat down on the couch. After what it seems like forever, the Third Eye finally got their own case.

"What's up?" Zen asked as he sat down beside me. Kumpara nung una niya kaming nakita, he seemed tamer now. Mukhang kahit papaano ay natututo na siyang pakisamahan kami. "Bakit parang gulat na gulat ang lahat?"

"Hindi mo kami masisisi, par." Sagot ko. He lifted a brow at me. "Simula nang ma-recruit ako sa lugar na 'to, hindi pa nagkakaroon ng solo na kaso ang Third Eye. Most of the cases were directed straight to the Second Eye. Of course, they are the best Eye in the group. Professional na sa larangan si Crysa at Von, tas dinagdagan pa ng napaka talented na si Tello."

"But I thought that Mia and Twelve are somehow special?" tanong niya habang sumusulyap sakanila. Everyone is congratulating Twelve and Mia, si Twelve onting sundot pa, iiyak na 'yan at magdedeliver ng Valedictory speech. "They are gifted, right?"

I scoffed at the term. Gifted? Si Mia pwede pa. Pero si Twelve? Cursed is a much better term. I decided to ignore the detail to avoid his further questioning. "They are," I answered. "Pero ang dalawang 'yan ang pinakamakalat, pinakamaingay at pinakamagulo magtrabaho sa lahat ng squad. Minsan iniisip namin kung tamang desisyon ba na pagsamahin ang dalawang 'yan sa iisang squad, di nga sila magkasundo. When it comes to solving and investigating crimes, di hamak na mas mabilis ang dalawang 'yan kumpara sa Second Eye, kaso mahilig sila mangialam sa gawain ng pulis kaya lagi silang napapahamak."

I grimaced when I remembered what they've done on a robbery case our Eye once held. Kung kailan nalaman na namin kung sino ang suspect, biglang tumakbo ang dalawang lintek at pinaharurot ang isang police car. Hinabol nila 'yung kasabwat na tumatakas dala-dala ang isang bilyong piso. I know, they have a good reason to do that. Going after the culprit is okay.

Pero 'yung babangga sila sa 7/11 at sabihing style nila 'yun nang pagpa-park ng kotse is definitely NOT okay.

After 'nun, nagkaroon ng traffic sa hi-way dahil sa mga kotseng nabunggo nila. Buti nalang talaga at walang nasaktan dahil kung hindi, magkakaroon pa kami ng mas malaking problema. Nagbayad lang naman ang agency para sa mga nasira nila. Which, in return, resulted to three whole months na wala kaming sweldo. NICE.

"Di na talaga mangyayari 'yun kahit kailan," I murmured to myself as I savour the memory.

"Ha?"

The Stray Kids of Edogawa RampoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon