Case 3.1: The Backstage

114 18 0
                                    

Case 3.1: The Backstage

T W E L V E Levent

"Tangina, tuluyan na atang naluwagan ng tornilyo 'to." Rinig kong sabi nung mga mokong na bouncer habang nakatingin sa akin. As usual, they guarded me from leaving my cell, not like they can do anything if I did though.

Ang nakakairita d'yan, kahit pa nakuha ko na ang tiwala nila Isabella, kinukulong pa din nila ako dito. 'Di naman sa makapal ang mukha ko o ano, syempre may hiya naman ako, pero ano lang ba 'yung ilipat nila ako sa kwartong may magandang interior design? 'Yung 'di nila pinapamukha sa akin na hostage nila ako? 'Yung may magandang ventilation! 'Yung pag umutot ako wala pang five seconds amoy ambipure na ulit ang paligid. Napairap nalang ako ng wala sa oras. I've been sulking here for almost half a day dahil sawang-sawa na ako sa buhay preso eh puta, mayayaman naman 'yong mga 'yon I-HOTEL NIYO NAMAN AKO.

Umayos ako ng upo saka tumingala, lumangitngit 'yung lumang bangko na ilang dekada na ring pinagtatambayan ng mga anay. 'Di nila ako kinakagat dahil mukhang amoy Baygon ang pawis ko para sa kanila. Sumimangot ako ulit saka tumingin sa CCTV na, ever since napunta ako dito, ay 24 hrs nang gumagana. De, naiintindihan ko naman kung bakit. Kahit ako, kung ako nasa posisyon nila hinding-hindi ko rin pagkakatiwalaan ang sarili ko. Bakit ko naman gagawin 'yon? Kahit ako 'di ko alam kung anong pwede kong gawin sa susunod. I can be either a useful tool or a deadly weapon, definitely nothing in between.

I continued my staring contest with the surveillance camera. Usually, this camera will move 180 degrees every 30 seconds so that it can have a wide view of what's happening in my cell. But now, it's as if it has a mind of its own. Nakatingin lang ito sa akin habang nakatingin ako sa kanya. I hung my neck on the back of my chair like a drunk man, my gaze still fixated on the camera. My eyes turned into slits, as if I'm trying to see it clearly. I grinned.

Sa ngayon, wala silang ibang kinakatakutan kung hindi ako.

Tumayo ako tsaka naglakad papunta sa rehas. Ni-lock na nila ulit ang rehas ko, patong patong na kadena at kandado ang nilagay nila sa pinto. Gusto ko sanang lumabas kaso tinatamad ako. "Oy," tawag ko dun sa isang bouncer na kainuman ko nung nakaraan. Nilabas ko ang dalawang braso sa rehas at sinenyasan siya.

"Ano, nabaliw ka na ba ng tuluyan?" tanong niya habang ngumunguya ng bubble gum. Ngayon ko tuloy na-appreciate 'yung mukha ni June kumpara sa tamod na 'to. "Sabihin mo lang para sa mental ka na namin ikulong kesa dito."

"At least 'don mga nurse ang magbabantay sa'kin. At 'di lang mga basta nurse," bumulong ako sakanya. "Mga nurse na naliligo araw-araw."

He looked like he was severely offended. Pero bago pa siya makapalag, pinatahimik ko na siya ulit. "Sabihin mo nga sa akin, nasa Wow Mali ba ako?"

"Ha?"

I moved my eyes towards the surveillance camera behind me, "Sinong nanunuod sa akin?"

Hindi siya sumagot at tumingin lang din sa camera. It's already moving just like the usual. Sumimangot siya sa akin, "Aba malay ko. Malamang sila boss."

Boss. "Sinong boss?"

"'Yung mga nagbabayad samin tanga, 'yung nagpakuha sayo. Sila Madam Isabella!" sabi niya saka kinaltukan ako sa noo. "Ano bang tinatanong-tanong mo d'yan 'di ba obvious na mabubulok ka dito?"

"Palabasin mo nga ako."

"HUH?" Pinanlakihan niya ako ng mata. "Ginagago mo ba ako?"

Ako naman ang sumimangot sa kanya, "Eto naman parang 'di ako kilala malamang babalik ako!"

"Ba't naman ako maniniwala sayo eh kaya nga kami andito kasi bawal ka palabasin!"

Napanganga nalang ako sakanya, "Wow naman pare parang nung nakaraan nag-iinuman pa tayo sa labas ah? Hoy, baka nakakalimutan niyo sagot ko 'yung yelo that time?"

The Stray Kids of Edogawa RampoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon