Hospital Misadventure 1

198 21 1
                                    

Hospital Misadventures 1

H I R O  Asahina
December 19, 12:06 am.
PCH Abandoned Building.

"Hmm," mag-iisang minuto na kaming nakatingin sa buong lugar at ito lang ang masasabi ko. "Umuwi na tayo, 'di tayo makakalabas 'pag pumasok tayo d'yan."

Ngumiwi si Lance, "True."

Ni 'di ko makuha 'yung tamang words para iexplain kung anong hitsura ng lugar na 'yon. Malaking hospital ang PCH, halata naman kahit pa halos kalahati nito ay nakagiba na. For some reasons, 'di pa rin natatapos hanggang ngayon ang demolishment ng lugar na 'to. Parang pinabayaan nalang nila ng tuluyan. Puro mga sirang bagay at gibang pader ang matatanaw mo sa likod ng mga nagtataasang yero na tumatakip sa buong lugar. This your usual construction site. Tadtad pa ng posters tungkol sa site safety para sa mga construction workers at isang malaking tarpauline na may logo ng city of Pasig, nakalagay 'don ang project name at date kung kailan dapat ito matatapos. And guess what, 2016 ang nakalagay mga atih. Halatang napabayaan na ang proyektong 'to, wala ring bakas ng mga trabahador. May guard naman na nagbabantay kahit papano pero tulog rin ito sa istasyon niya. Like seriously, who the heck would even dare to trespass in this kind of place?

Pwera sa amin syempre.

June slapped our backs harshly, "Nah, straighten up. We're getting in."

"No, I'm sorry. I'm not straight," Twelve said head-on and linked his arms on Lance's. Matik na ngumiwi naman si Lance at tinulak siya agad sa  gilid.

Zen heaved a sigh, "I know it's quite obvious but we're not getting in by the entrance, right?"

"No, of course," June answered. "I asked Von yesterday to scan the place. Kung hindi ako nagkakamali, we should be able to find an opening in the back."

Tumango ako. Sakto lang na pumarada kami sa kanto. Mukha namang walang nakakapansin sa amin dahil una sa lahat, tulog ang gwardiya, busy pa rin ang kalsada dahil sa mga bumabyaheng sasakyan pero wala nang mga taong pagala-gala.

Twelve pulled up his hoodie, "Let's go then."

I gulped and we started walking in a fixed pace. Hindi mabilis, hindi mabagal. Matagal na akong miyembro ng Oedipus pero kahit kailan hindi pa ako nakaranas mang-trespass. At bakit naman kami mangtre-trespass when we should be giving out warrants? Siguro kung si Twelve ang usapan maiintindihan ko pa dahil gago talaga 'yon. But in Oedipus, we share authority with the police as one of their entities even though we are not welcome.

Pero hindi 'yon ang kaso ngayong gabi. We are moving under our own intentions and agendas, not because it's a call of duty.

"Bago tayo pumasok," sabi ni Lance habang tuloy-tuloy kaming naglalakad. "May plano ba tayo?"

"Aysus, kailangan pa ba natin 'nun?" umirap si Twelve. "Wag na, mamamatay din naman tayo."

"Mauna ka na!" binatukan ko siya. "Bwisit 'to kinakabahan na nga ako."

June sighed and pinched the bridge of his nose. "Twelve has a point though. I don't think we really need to have a plan for this. After all, we are being invited. All we need to do is come."

"Give me 5 minutes," ngumisi si Twelve at lahat kami kinilabutan. Kung 'di mo alam kung bakit, magbunyi ka. Mahal ka ng diyos.

Binilisan nalang namin ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa likod ng demolition site. Ang layo ng inikot namin, mga ilang kanto.  Madilim na ang paligid at 'di ko na maiwasang pagpawisan ng malagkit dahil kinakabahan talaga ako. The back part of the site looks no different on the entrance. Matataas na yero ang nakapaligid at puro grafitti ang mga pader. Nasa isang madilim at malaking kalsada 'yon na talaga namang tahimik at walang katao-tao.

The Stray Kids of Edogawa RampoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon