Hospital Misadventures 2
L A N C E Useda
December 19, 12:48 AM.
PCH Abandoned Building.
"Waaaaaaaaah!"
Umalingawngaw sa buong pasilyo ang ngawa ni Hiro. Dahil nga sa nakarinig kami ng sigaw mula sa grupo nila June ay agad kaming tumakbo papunta sa kanila. When we got there, we found Hiro collapsed on the floor and crying his eyes out. Nang tinanong namin si June kung anong nangyari 'di ko alam kung maaawa ba ako o matatawa. Akala ko comedy na 'yung natakot ako sa anino ng kung sino, mas comedy pala 'to.
"Hiro," tuloy-tuloy kong hinimas ang likod niya with high hopes na baka naman maisipan niyang tumigil kakaiyak. "Tahan na, uy."
"Tangina kasi eh," sabi niya habang sumisinghot, sinisinok na din siya kakaiyak. "D-Di naman ako iiyak k-kung 'di malaki y-yung daga eh."
Para kay Hiro, big deal ang mga daga. Kahit anong klase pa ng daga 'yan, salot man o si Mickey Mouse, lahat 'yan ayaw niya. At talaga namang bwenas na bwenas siya dahil sakanya pa bumulaga 'yung pagkalaki-laking daga.
"Nah, ayaw mo lang talaga ng daga, maliit man o malaki," June said and Hiro just gave him a glare and continued sobbing. "Asan si Twelve?"
I shrugged and helped Hiro up to his feet. Nalusaw tuloy lahat ng takot ko dahil sakanya. "Ewan ko."
"He probably continued searching at the left wing," Zen tipped his head on Twelve's direction. "Pupuntahan ko nalang siya."
June nodded and Zen left the room. Amazing how he can sprint like that as if he's not anywhere haunted. June faced us and heaved a sigh, "Let's proceed with our search. Okay na ba kayong dalawa?"
Tumango-tango naman ako. Sinisinok pa din si Hiro pero mukhang okay naman na siya. "I think it'll be a good idea na dito nalang muna ako," sabi ko.
"You're right. Let's go to the next room."
Lumabas kami at pumasok sa kabilang kwarto. Sobrang dilim ng paligid at napakamaalikabok talaga. Kahit saan ko itutok ang flashlight ko puro nagliliparang alikabok ang nakikita ko. Masasabi kong maayos nilang iniwanan ang building na 'to dahil onting gamit nalang talaga ang naiwan. Mangilan-ngilang drawers na walang laman, bakal na foundation ng kama, may ibang kwarto na may wheel chair, 'yung iba naman may stand ng dextrose. All of the things left inside were arranged properly and are fairly covered with dust. Nang makasalubong namin si Twelve at Zen sa gitna pasilyo, lahat kami iling lang ang nasabi sa isa't-isa.
"Negative. Bukod sa alikabok at mga walang kwentang bagay, wala nang ibang laman ang mga kwarto," Twelve answered.
June stretched his neck and sighed through his nose. I can tell that he's disappointed, kahit pa na 'di namin alam ang hinahanap namin. "How about foot prints?"
"Not a single one," Zen shook his head. Tinutok ko ang flash light ko sa hagdan tulad kanina.
"Umakyat na tayo. We'll probably see things upstairs," I said and we all headed towards the stairs. Nang makarating kami 'don ay napahinto kami.
Foot prints. They are barely seen, but one can tell that someone has been here. I swallowed and with June's signal, dahan-dahan kaming umakyat pataas. 'Di ko alam kung saan namin nakukuha ang tapang para umakyat pero kung sino man ang nagimbita sa amin dito, lahat kami desidido siyang makita. It must be because he or she has something to say. O 'di naman kaya gusto niya kaming patayin lahat dito.
Whoever that person is, is he the Edgar Allan Poe that we're looking for?
Nang makaakyat kami sa taas, tumambad sa amin ang isang pasilyo tulad ng sa second floor. Bawat kwarto may mga numero. Katulad kanina naghiwalay ulit kami para mapabilis ang trabaho. I'm left alone with Twelve while June has Zen and Hiro. Nang maghiwa-hiwalay na kami at magsimulang maginspeksyon, napatingin ako kay Twelve sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
The Stray Kids of Edogawa Rampo
Mystery / ThrillerThey are just a bunch of kids, alright. But nobody said that they were normal.