Henriette Sab's POV
Hindi ko ma-imagine na mangyayari 'to. MIS5 with MHS5 here at the library?!
"Anong plano, buddys?" Chill na tanong ni Gabriel saming lima. Sipain ko 'to eh.
"Hindi natin yan magagawa dito sa school lang. May practice ako palagi." Panimula ni Ryle.
"Anong ipinararating mo, Dan?" Tanong sa kanya ni Jaiden.
Tinaasan namin siya ng kilay. Anong gustong sabihin nito?
"Libre bahay namin."
Napatingin ako sa kakambal 'ko. Anong libre libre siya dyan!
"What are you trying to say? Na sa bahay tayo gagawa?" Taas kilay rin na tanong sa kanila ni Zylei.
"We have no choice. May practice rin ako." Sagot ni Jaeger. Para namang walang narinig si Zylei at inisnob lang siya nito.
"Sus, bro. Lalandi ka lang 'eh." Tawa ni Naethan sa kanya. Binatukan naman siya ni Jaeger.
"No. Para saan pa ang school?" Komento ni Piper.
"But we have different schedules! Hindi natin yan matatapos kung hindi tayo maglalaan ng isang araw para diyan." Sabat ni Ryle.
"I don't care about your schedule."
"Sige nga. Ako lang ba ang may parating practice rito?" Tingin samin ni Ryle. Lahat ng lalaki ay napasangayon kay Ryle.
"Wait. Groupings 'to. Hindi niyo man lang ba kami tatanungin kung okay samin 'yang napagkasunduan niyo?" Tingin ko sa kanilang lima.
"Pag hindi kayo pumayag. Hindi kami makakatulong. Mawawalan kami ng grades--." Hindi na pinatapos ni Piper ang sasabihin ni Ryle.
"At kailan ka pa nagka-pake sa grades? As far as I know you don't care about your grades. So why bother?"
"Can you shut up, Labuson? Kami na nga ang tumutulong."
"Excuse me, but we don't need your help."
"Pwede bang manahimik kayo? Para saan pang groupings 'to kung hindi tayo magtutulungan? Kahit kaya na namin 'tong lima ay kailangan parin namin ng cooperation niyo. Kasali yon sa pag grade ni Miss. Piper, Payag ako sa sinasabi nila. Iba iba tayo ng free time, lalo na't malapit na ang quiz bee natin. Kahit naman ayoko rin pero we don't have any choice, grade ang pinaguusapan natin dito. You know how grade conscious we are."
Okay. Napatango ako sa sinabi ni Erin. May point siya. Kahit ayoko rin namang makasama 'tong mga lalaking 'to ay kasama ang cooperation sa pag-grade ni Miss.
Nagkatingin kaming apat na mga babae at nag-buntong hininga.
"Fine. Kaninong house?" Tanong ni Zylei.
Hindi ko maiwasang ituon sa kanya ang pansin 'ko. Sa aming lima siya ang pinaka-ayaw sa sitwasyon na 'to. Kasi siya ang may pinaka nahihirapan sa sitwasyon.
"Mine." Chill na sagot ng kakambal 'kong abno.
"Anong mine?! Atin yon!" Irap ko sa kanya. Maka-mine akala mo kanyang bahay lang. Sarap sapakin 'eh.
"Hoy. Tumahimik ka nga."
Tiningnan ko ng masama si Gab.
"Ikaw ang manahimik! Wag kang epal!"
"Okay. So okay na lahat. Kina Riette tayo gagawa." Ligpit ni Zylei sa gamit niya at saka tumayo. "Aalis na'ko. See you on saturday. See you at our room girls." At tuloy-tuloy siyang lumabas ng library.
Hindi ko maiwasang mapatingin kay Jaeger.
"Ako rin." Sunod ni Erin at tuluyan na'ring lumabas. Sinundan ni Piper. Sumunod rin si Jaiden at Jet. Sinundan ulit nina Jaeger at Naethan.

BINABASA MO ANG
Brain Over Heart, Heart Over Brain
Fiksi Remajabattle between brain or heart, what would you choose?