Chapter 13

63 2 9
                                    

Jaiden Araine's POV

Hindi ko maiwasang mapa-ngiti habang pinagmamasdan ko siyang kumakain.

Gwapo niya pala, no. Ngayon ko lang siya na-appreciate. Hindi lang yung looks niya pati yung attitude niya.

He's so boyfriend material. Ngayon alam ko na kung bakit siya isa sa MH5. Parang lahat ng babae ay gu-gustuhin siyang jowain.

Hindi ko naman sila masisisi, jowable naman si Jet.

"Hey, eat your food." Aniya.

Para akong napabalik sa wisyo at biglang sumubo ng pagkain.

"Bakit ang konti mo ata kumain? May iba ka pa bang gusto?" Tanong niya na may pag-aalala. Napangiti ako.

"Si Jeff."

Sinamaan niya 'ko nang tingin. Tumawa ako nang malakas. Gagalit agad.

"Charot lang 'to naman! Wala na. Okay na 'to. Naparami rin kasi yung kain ko sa bahay kanina."

"Good." Aniya at sumubo ulit ng pagkain.

Eto na naman, napapatitig na naman ako sa kanya. Well, sino ba namang hindi?

"Eat your food, Araine. Stop staring at me." Aniya na nakapagpagalaw sakin.

"Kinikilig ako sa titig mo. Putangina."

Bulong lang yon pero sobrang rinig 'ko naman. I can't help but to smile.

After nung nangyari between me and Jeff, siya palang. Siya palang ang nakakapagpa-ngiti sakin ng ganito.

And i love it. I love it when he's making me smile like this.

"Wag mo 'kong sanayin." Tawa 'ko at sumubo ng pagkain.

Napa-tingin naman siya sakin.

"Sanayin, saan?"

"Lagi mo na'kong pinapangiti ng ganito." Ani 'ko.

Tumawa siya at seryosong tumingin sakin.

"Edi masanay." Kibit balikat niya.

Tumawa nalang ako at kumain.

Mahirap akong sanayin, Jet. Baka pag nasanay ako. Ayoko nang umalis ka sa tabi 'ko.

"Nabusog ka naman?" Aniya at inabot ang bote ng mineral water. Naglalakad kami pabalik sa room naming MIS5. Tumango ako at nginitian siya.

"Super!"

"Kumain daw sa kanila, e. Kaya pala naka-tatlong extra rice."

Binatukan ko siya. "Grabe ka naman sa tatlo! Dalawa at kalahati lang no." Irap 'ko.

"Okay kana ba?" Tanong niya. Napatigil ako sa pag-tawa.

"Hmm. Medyo!" Ngiti 'ko.

Inis siyang humarap sakin. Hala, anong ginawa 'ko?

"Wag ka ngang ganyan."

"Ha?"

"Stop pretending that you're okay, when the truth is you're not. Hindi ko makayang tingnan kang g-ganyan."

Nautal ba siya?

"Wag mo nga akong masyadong ka-isipin. Okay lang talaga ako. Andyan ka naman, e. Basta andyan ka, Okay ako."

Nanlaki ang mga mata 'ko nang mapagtanto ko ang sinabi 'ko. Nakita ko agad ang nagpipigil niyang ngiti, na nakapagpangiti nalang rin sakin. Napatawa ako.

"Ako pala ang happy pill mo." Ngiti niya. Hindi ko na siya pinigilan.

Well, totoo naman. He's my happy pill.

Brain Over Heart, Heart Over BrainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon