Chapter 15

65 3 16
                                    

Erin Hara's POV

Today is Thursday, ibigsabihin bukas na ang Quiz Bee namin. Isa't kalahating linggo ang nagdaan at sa mga araw na yon, si Naethan lang palagi ang kasama 'ko.

Pagkatapos kasi nung aminan churvaness ay palagi na siyang dikit sakin, ulit. Oo ulit. Ganan rin siya dati sakin noong nanliligaw palang rin siya.

Speaking of Naethan, ang tagal naman ng lalaking iyon! Magse-seven na marami pa 'kong aasikasuhin kasama si Dale.

Mas lalo akong kinabahan nang biglang umambon, shit. Wala pa namang masisilungan dito. Hindi ako pwedeng mabasa!

Muntik ko nang maitapon ang dala dala 'kong folders sa malakas na pag busina sa likuran 'ko. Umirap ako.

"Late."

"Napaaga lang yung ambon." Aniya at lumabas para pagbuksan ako ng pintuan.

Lihim akong napangiti.

Habang nasa sasakyan ay nagbuklat ako ng libro para kunwari may ginagawa ako. Gawain 'ko na yan habang sinusundo niya 'ko. Tanggal awkward lang, bakit ba.

"Kahit naman hindi ka magreview, mananalo ka parin e. What's new, Jollibee?"

Kunwari'y naglipat ako ng page at saka siya sinagot.

"Mas mabuti parin na mag-review no."

"Science lang ba lalabanan mo?" Aniya habang nagmamaneho.

"Sa subject, yes. Pero kasali rin ako sa singing contest sa hapon." Tugon 'ko. "Ahm, with Zylei!"

"You have the voice of an angel."

Ramdam 'kong naginit ang pisngi 'ko sa sinabi niya. Kunwari ay nagbasa nalang ulit ako. Self, pigilin mo pigil mo! Shutanginamers.

Ganda ka, Erin?! Kalma. Of course, maganda ka.

Lihim akong tumingin sa kanya and I found out that He's also looking at me.

"Tongue is the strongest muscle in our body." Agad 'kong saad na tila nagsasaulo, tumawa siya at tumingin muli sa kalsada.

"Yeah, Wanna fight?"

Nasamid ako sa sarili 'kong laway. Oo, slow ako. Pero alam 'ko ang sinabi 'ko kanina at kung anong sinasabi niya!

"Naethan. Lae. Untalan."

"Aw, I'm just kidding!"

"Just drive." Irap 'ko.

Piper Patrice's POV

"Wake up, Piper."
"Piper, wake up."
"Piper.."

May takot sa dibdib 'ko nang biglaan akong napabangon. Napahawak ako sa bandang puso 'ko na animo tumakbo sa sobrang bilis ng tibok.

"Hey, what's wrong, honey?"

Mas nagulat ako nang magsalita bigla si Mom at biglaang sumulpot sa unahan 'ko. Paanong nandito siya?

"W-wala po, bakit ka nandito, Ma?"

"May nakalimutan akong ibigay sayo kahapon, that's why dumaan ako dito." May kinuha siya sa bag niya at agad itong inabot sakin.

"Gamot yan. Inumin mo."

"But Mom, medyo okay na naman yung pakiramdam 'k--."

"Just do what I say, honey. Para sayo rin naman yan. Quiz bee niyo pa bukas, baka samaan ka pa."

Sinunod ko nalang at agad na ininom. Umalis na si Mom at nag gayak na'ko papuntang BU.

Napatingin ako sa pintuan ng biglang tumunog ang doorbell.

Brain Over Heart, Heart Over BrainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon